Maricris' POV
"ATE!!!! BANGON NA!!! Magdya-jogging tayo!!"
Sa sobrang lakas ng boses ni MM.....bigla na lang akong napadilat kahit nasa kasarapan pa ako ng panaginip...ARGH!!
Ayun na eh!! Malapit na!! Sobrang lapit na talaga nung kamay niya!!..
.
.
.
.
.
.
.
MALAPIT NA NIYANG IABOT SAKIN YUNG ISANG MILYONG NAPANALUNAN KO SA GAME SHOW!!..
Kung hindi lang nameste tong kapatid kong to..mayaman na sana kami!! Anak ng napakalaking tinapa!
Ang nakakainis lalo...ang dilim pa sa labas! AT!!..Alas kwatro pa lang ng madaling araw..ASDFGHJ!!
"ANO BANG PROBLEMA MO? MAYAMAN NA SANA TAYO KUNG HINDI MO KO GINISING!! LECHUGAS!"sigaw ko sa kanya..
"EH SABI NGA NI PAPA GISINGIN KA NA KASI MAGDYA JOGGING TAYO!!"..
Aba?Siya pang naninigaw...Badtrip ah!
Todo-sulit na nga ako sa tulog kasi 2 weeks na lang at pasukan na...at isa pa...bihira na ko magkaroon ng matinong tulog dahil sa lintek na contest...
Sa susunod na bukas na kasi ang sunod na meeting at ipapakilala na samin ang hudas na Mikhail na yun..
Oo..hudas siya..badtrip at galit ako ngayon kaya hudas siya!!
Humiga ako ulit at nagtalukbong ng kumot...
"HOY ATE!! ANG TABA TABA MO NA!! KAILANGAN MO NANG MAG-EXERCISE!!"
"BWISET!! WALA KANG PAKI KUNG HINDI NA KO MAGKASYA SA BAHAY NA TO!! PATULUGIN MO KO!!"
May narinig akong nagtawanan...tingnan mo? Kulang pa ko sa tulog kaya nagha-hallucinate na ako!!
Pumikit ulit ako..Bahala kayo dyan!!
"Pards...hindi mo yata nasabi kay Cris na may jogging tayo ngayon?"
"Pasensya na...nakalimutan ko eh.."
Nanaginip ulit ako....nag-uusap daw sina Mang Danny at Papa...EH? Bakit boses lang naririnig ko? Walang mukha?..
Dumilat na ako...
"Grabe nakakatakot palang gisingin si Cris!!"
Teka nga!
"Mas nakakatakot pa siya ngayon kaysa nung sinabi kong iwanan namin yung bike niya sa gilid ng kalsada.."
Nagtawanan yung mga boses...
"GRABE NAKAKAHIYA KA ATE!! BUMANGON KA NA NGA DYAN!! AKO NAHIHIYA SA'YO EH!"
Sinigawan na naman ako ni MM -__-
Bumangon na ko at lumabas ng kwarto....Grabe lang..Ang aga pa oh!! Bakit ba sila nandito?..TSK!!
"Anong ginagawa ninyo dito?"..bungad ko sa kanila...
Hah!! Tikman nila ang bagsik ko...mga istorbo sa tulog!
Nagkamot ng ulo si Papa...
"Eh pasensya na anak...nakalimutan ko kasing sabihin sa'yo kagabi na may jogging nga daw tayo ngayon kasama sina Jem at Nara.."
Aba..kilala na sila ni Papa?? Inaantok pa ko...shemay...
"Ah..pasensya na hija..pero napansin ko kasing medyo tumataba na kayong tatlo...eh baka lang kasi hindi type ni Mikhail yung matataba kaya-"
BINABASA MO ANG
EXTRAORDINARY CONTEST
RomanceTatlong Babae..... Isang contest.... Isang panalo..... Isang lalaki..... Iba't iba sila ng personalidad....dahilan ng pagtanggap na sumali sa contest na ito....ISA lang ang SIGURADO..LAHAT sila, mababago ang BUHAY...anong contest ba ito? SINGING CON...