CHAPTER 53: MAKE HIM......PO?!

227 8 6
                                    

Maricris’ POV

Papunta ako ngayon kina Cente…. ALAM NA..Task na naman… HAHAHA…

“Hi Cris! Late ka na naman!”- bungad sakin ni Jem pagpasok ko sa mansiyon…..

As usual nasa sala silang lahat…. Nanonood lang ng TV yung pamilya ni Cente tapos si Cente at Nara magkatabi at nag-uusap…. Aba himala nakangiti tong si Cente ah! ANONG MERON?!

Nagmano muna ako sa mag-asawa at tumabi kay Jem….busy sa panonood si Jay eh at yung dalawa busy sa pag-uusap… Lakas makatawa ni Cente eh… kinikilig naman si Nara… ANO BANG MERON TALAGA?!

“Problema mo Cris? Naiinlove ka na kay Espren sa lagay na yan? Hahaha…”- bulong ni Jem

Nilingon ko lang siya ng nakakunot ang noo… Way of communication ng mga Henyo…hehe…

“Makatitig eh! O baka naman NAGSESELOS KA?!”

“ASA NAMAN!!!”

Napatingin ang lahat sakin at tatawa tawa lang si Jem… Langya!! Nag peace sign na lang ako at umupo ulit… Napatayo ako eh! Ang Henyong tulad ko? Magseselos?! Asa si Jem!

Nagbasa na lang ako ng libro kesa naman asarin ako ni Jem… Hindi pa din ako masyadong kinakausap ni Nara eh… Tsk!

Maya maya pinalabas ni Mang Danny si Cente…pinapabili ng cake… Akala ko nga may birthday eh… pang merienda lang daw …AYOS MASARAP YUN!! Sosyal talaga! HAHAHA…. Gutom na ko!

“Girls! Ang task ninyo ngayon ay hindi alam ni Mikhail… and siyempre EXCITING! Hahaha…”- Mang Danny

Nagkatinginan lang kaming tatlo…. Patay nagamit ko na pala yung pwedeng-di-sumali-sa-task!!

Di bale… Henyo naman ako eh… Wahahah…

“Okay… ang mahiwagang task ninyo ngayon ay…..

make Mikhail KISS YOU!”

“PO?!!!”- wow sabay sabay kaming tatlo ah! ANTOKWA!

Ngumiti lang si Mang Danny.. “Hahaha… bongga diba? Oh may gagamit ba sa inyo ng pwedeng-di-sumali-sa-task?? Wala?! HAHAHHA!”

Antaeng task yan! Lakas trip ni Mang Danny!!!

“Shocks kung seryoso po talaga yang task…GAGAMITIN KO NA PO YUNG AKIN!! Baka magalit pa sakin si Hon eh!!”- Jem

“AKO DIN PO!!”- sabi ko din… Hahah.. Lulusot yan! LULUSOT YAN! HENYO KO TALAGA!

“Noted Jem! Ooopps…. Nagamit mo na yung sayo Cris…Nung last task lang… kaya kayo ni Nara ang maglalaban ngayon… kahit hindi naman sa lips basta kelangan mahalikan kayo ni Mikhail so good luck girls!!”- Mang Danny sabay layas! =___________=

“HOORAAY! Sa wakas magkakaroon na din ng first kiss si Espren! Yiiiehiee!”- Jem

Shet loka talaga tong si Jem… NAALALA KO NA NAMAN!! Napatingin ako kay Nara at nakita kong naka glare siya sakin…. Hala?!

EXTRAORDINARY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon