CHAPTER 57: MEET RAVEN AND BUGOKS

206 8 1
                                    

Maricris’ POV

“CH!!!WAAA!!!”

“HOY LAYUAN NINYO NGA AKO!!!!

Makayakap naman tong mga bugok na to kala mo sampung taon kaming hindi nagkita! Ang bibigat pa!

“HAHAHA! Anong nakain mo Mari at ililibre mo kami ngayon? Masisiba pa naman yang tatlong yan!”- Raven

“Wala akong sinabing manlilibre ako… Tsk! Hoy kumalas na kayo!!!”- saway ko na naman sa mga bugok at tinulak sila palayo sakin….

Humiwalay naman sila at humiga sa damuhan….

“HAAY! Nakaka miss talaga ang NH!! Mas masarap mambugbog dito lalo nung kasama ka pa namin CH!”- Biboy

“Oo nga! Bumalik ka na kaya? Tutal hiwalay na kayo ng gagong yan oh!”- Bok sabay turo pa kay Raven

“Maka GAGO ka dyan ah! Wala kang alam kaya manahimik ka dyan!”- iritang sagot naman ni Raven

Umamba lang ng suntok si Bok sa kanya at nanahimik na din… Napangisi na lang ako… Lagi namang nagbabangayan yang mga yan.. Wala ng bago…

“Kung hindi ka manlilibre.. anong ginagawa natin dito CH? Magbabalik tanaw sa nakaraan?”- Budong na ikinatawa naman nila…

“Siraulo hindi! May ipapakilala ako sa inyo…”- sagot ko at humiga na din sa damuhan

Sabay sabay pang napahiyaw ang tatlo… natawa lang si Raven…

“Chix ba yan CH? Bah ayos ah!”- Bok

“Tsk sayang may girlfriend na ko!”- Biboy

“Lintek sana pala nagpapogi ako nang husto ngayon!”- Budong

“Mga bugok asa pa kayo! Mga kaibigan ko sila at rich kids yung mga yun kaya umayos kayo! Cris ang itawag ninyo sakin okay?”

“AYAW!!!”- sabay sabay pang angal ng mga bugok

“AT BAKET?!”- sigaw ko sa kanila…

“CH gusto namin! Cris Henyo! Basta!”- Bok

“Tara na nga! Ayoko nang makilala yung “friends” ni CH!”- Budong sabay tayo at sumunod din si Bok

“ABA’T! HOY ANONG PROBLEMA NINYO?!”- takte naiinis na ko ah … kinakabahan na nga ko dito tapos umaarte pa tong mga bugok na to!

Tumawa lang si Biboy nang maglakad na palayo yung dalawa… nakaupo na ko sa damuhan at umupo na din siya pati si Raven ganun din…

“Ikaw naman kasi CH este Cris… aish ang sagwa naman pag Cris! Halos ngayon na lang tayo ulit nag sama sama tapos ngayong ipapakilala mo kami sa bagong friends mo, pinagbabawalan mo pa kaming tawagin ka sa codename mo sa tropa natin… siyempre nagtatampo yung mga yun.. feeling nila hindi na sila special friends sayo…”- explain ni Biboy

Napakunot noon a lang ako… “Nagtatampo ka din ba? ANG ARTE!!”

“Hahaha! Medyo!  Nagkataon lang talaga na mas mature at gwapo ako sa mga yun..”- Biboy sabay ngisi at turo sa dalawang may bitbit na ngayong samalamig at naglalakad pabalik dito…

Napailing na lang ako… “Bahala na kayo! Basta mag behave na lang kayo baka mamaya matakot sila sa inyo eh… alam pa naman nilang mga basagulero kayo!”

“TAYO!”- mga bugok with matching ngisi….

“Dati yun hindi na ngayon noh?! MGA BI TALAGA KAYO!”- sabat naman ni Raven at nag away na naman po sila…

Tinext ko na lang yung tatlo kung nasan na sila at on the way na daw sila….

“CRIS!!!”- napalingon ako sa boses at nakita ko sina Nara at Jem na kumakaway habang palapit samin…

EXTRAORDINARY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon