Nara's POV
"Lucky girl.."
"Sayang...ang galing niya ah.."
"May sinasabi naman talaga siya.."
"Kaya nga..di na ko nagtataka kung nakuha niya si Mikhail.."
Nakaupo na ko ulit ngayon sa table namin...Grabe..makapag tsismisan naman mga tao dito..Hello?! Katabing table ko lang kaya sila!! Palibhasa mga inggit sa ganda ko!!Hahaha...
In fairness..nakakapagod din pala yun!!Halos naman kasi lahat ng guests nakilala ako!!At bilang girlfriend ni Mikhail..Kaya eto!! Sikat na sikat beauty ko..Gosh!!
Pinagmasdan ko ang "boyfriend" ko..napangiti ako..Ang gwapo talaga!!Seryoso siyang nakikipag-usap sa mga business partners ng family niya.....
Haay..napaka-swerte talaga ng mananalo samin!!Sana..ako yun^^
"Nakakapagod sumayaw!!"-Jem sabay upo sa tabi ko
"Grabe ngayon ka lang napagod??Ako nga kanina pa hinihingal eh!!Hahah"-Jerwin
"Hahahha!!Galing mo kaya sumayaw!!Sali ka sa Groovin'!"
"No thanks...baka sumikat ako lalo..mahirap na.."
"Yabang!"
Nagtawanan sila....
Mukhang close tong mga to ah!!Buti na lang behave sila ngayon...hindi nila ko masyadong inaasar..Haha...Ma-feel ko naman ang gabing to noh!!
"Nara!!Kamusta??Nasan si Espren??"-Jem
"Ayun oh..may kausap lang..eto instant celebrity lang naman..Haha.."
"Naku hindi na ako nagtataka...sigurado akong insecure yung mga babae dito sayo noh...maraming may crush kay Espren dyan!"
"I know right?Haha...Nasan na nga pala si Cris??Kalahating oras na di pa din bumabalik.."
"Hayaan mo..nandiyan lang yan..baka humahanap ng fafa!!Haha"-Jem
Natawa ko..Si Cris? Humahanap ng lalake? Imposible!
"Eherm...di ko nga siya ma-contact eh..hahanapin--"-Jerwin
"Sayaw tayo ulit Jerwin!!Hayaan mo munang mag-enjoy si Cris!!Tara!"-Jem
Napilitang magpahila si Jerwin kay Jem papuntang dance floor...
Sakto namang napalitan ng love songs yung kanta..Ano to prom??Haha...
Natanaw kong nag-slow dance yung dalawa...
Bagay sila!!Haha...
Pati sina Tito at Tita..nasayaw din..How sweet!! Sila pa nasa gitna...Aww :">
Hinanap ko si Mikhail...kelangan naming sumayaw!!
Hindi ko siya makita!!Nasaan na kaya yun?Biglang nawala!!
"Nara..sayaw tayo?"
Tiningnan ko ang nakalahad niyang kamay....
Luminga-linga ulit ako....
Wala talaga..kainis naman!!
"Sige MM..wag mo kong tatapakan ah!Haha.."
Tinanggap ko na kamay niya at pumunta kaming dance floor...
Batang to..matangkad pa sakin!!Haha...
Nasaan ka na ba Mikhail?
Maricris' POV
"Grr..magsitigil nga kayo!!"
Dapat pumayag na lang ako sa sinabi ni Jer eh!!
Dapat umuwi kami ng maaga pero kakain muna kami sa labas...Hahaha
BINABASA MO ANG
EXTRAORDINARY CONTEST
RomanceTatlong Babae..... Isang contest.... Isang panalo..... Isang lalaki..... Iba't iba sila ng personalidad....dahilan ng pagtanggap na sumali sa contest na ito....ISA lang ang SIGURADO..LAHAT sila, mababago ang BUHAY...anong contest ba ito? SINGING CON...