*BEEP
SMS from Tito Dan/Mang Danny
Last Task: Gumawa ng love/anything letter para kay Mikhail. Chance ninyo na itong masabi lahat lahat ng gusto ninyong iparating sa kanya na hindi ninyo kayang sabihin sa personal. Siya lang ang makakabasa ng letter ninyo kaya wag kayong mag-alala.
PS: Sulat kamay ha!! At least 250 words!! Ilagay sa puting sobre ang bond paper na naglalaman ng liham at isulat sa likod ang Contestant # (1,2,3)
Congrats Girls! Awarding of grand winner will be very soon. Thank you.
Contestant #1
Dear Espren,
HEEELLLOOO Espren! Ouch ang sakit na ng kamay ko, kung bakit kasi hindi na lang computerized eh! Joke! Hahaha.. pampahaba lang! Feeling ko gumagawa ako ng essay! Gosh! Ang arte much ko naman! Sorry moving on pa eh! Alam mo na naman yun diba Espren?Hay pagpasensyahan mo na ang maganda mong bestfriend at bangag pa din ako dahil sa break up namin ni Jerwin. Anyways! Alam mo hindi pa din talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na pumayag ka sa idea na ito ni Tito Dan. Ang magpa contest para sa magiging fiancé mo! Siguro ganyan ka na kadesperado (sorry for the word! Ayokong magkaroon ng erasure dito! :D) na ma-inlove. Pero kung ako sayo, matutuwa ako na hindi ko pa napi-feel yun kasi oo masaya at masarap kaso lang hindi talaga maiiwasan ang pain, parte na talaga yun eh! Well wala naman akong magagawa sa desisyon mo at alam kong paninindigan mo naman yan at kung gusto mo, gusto mo talaga. I know that you’re a very composed person Espren and I hope that your personality is strong enough for you to handle “love”. Lagi mo lang tatandaan na I’m always here for you lalo na ngayong single na ulit ako… Hahaha! Sayang noh? Kung na-inlove tayo sa isa’t isa, malamang parehas na tayong happily in a relationship ngayon kaso hindi eh! Attractive ka at mas lalo namang attractive ako (Hahaha!) pero siguro pang-bestfriends lang ang peg natin at hindi din siguro ikaw yung type kong lalaki na maging boyfriend. Ewan ko sayo kung bakit hindi mo ako type eh ideal na ako. Ang ganda ko kaya! Yieee ngingiti na yan! :D
Alam kong more than 250 words na ito at ayoko nang habaan pa ito dahil kahit naman matapos ang contest, lagi padin tayong makakapag-bonding siyempre Espren kita eh! Isa lang ang hihilingin ko sayo Espren, I know that you’re rational but always remember na when it comes to love, dadating talaga sa point na kahit alam mong irrational ang isang bagay/action, gagawin mo pa din yun just to be happy. BASTA! Maiintindihan mo din ako pag naranasan mo na. Follow your heart in choosing you’re fiancé and be happy, okay? See you! Love much Espren! <3
Contestant #2
Dear Mikhail,
Hey there! I’m sorry I really don’t know how to start this so please bear with me. I know that this is the last task and I’m glad na nabigyan ako ng ganitong chance, yung makapagbigay ng love letter sayo. Corny ko right? In love naman ako sayo kaya pagtiyagaan mo na. Hihih. Noon, nakailang attempt ako na gumawa ng love letter at siyempre para sayo yun kaso lang tuwing nakikita na kita, hindi ko pala talaga kayang lumapit sayo. You know, you were aloof to girls back then except for Jem. Nagseselos at naiinis pa nga ako noon sa kanya kasi siya lang ang kinakausap mo at madalas mong kasama. Ang then ngayon na-realize ko na kung bakit ganun ka na lang ka distant sa mga babae, it’s because of your many admirers at kasama na ako dun, right? Mahirap kasing hindi magkagusto sayo, gwapo, matalino at mabait ka kasi tapos bonus pa na mayaman ka. Haaay! Halos lahat naman ng babae ganun ang dream guy kahit na suplado ka pa. Thankful talaga ko kay Tito Dan dahil nakasali ako sa contest na ito. Muntik ko pa ngang sabihin sa kanya noon na willing akong maging fiancé mo kahit wala ng contest eh! Haha ganun talaga ako kainlove sayo Mikhail. Thank you for giving me a chance to prove my worth for you. Ayan na naiiyak ako sa totoo lang! Kasi naman matagal ko nang hinihiling kay God na mapansin mo ako o kahit maging friend man lang at ito nga, higit pa dun yung binigay niya kaya sobrang saya ko talaga! I also want to say sorry sa mga shortcomings at mistakes na nagawa ko sayo pati na din sa mga taong nakapaligid sa atin. I’m not saying na I’m deserving to be your fiancé because I see you as a perfect man pero you know how much I love you right? Maybe I do not deserve for your love but I’m more than willing to make you happy and feel loved Mikhail. Handa akong gawin ang lahat at maging ideal girl mo, hindi ako nagmamadali pero alam mo ba kung ano ang wish ko? Yun ay sana ako ang mapili mong fiancé at maging masaya tayo bilang couple. That would be very lovely! :)
Wala akong lakas ng loob na sabihin sayo ang lahat ng ito in person kaya binuhos ko na dito lahat para na din alam mo yung feelings ko. I want to know more of you Mikhail and I know that as day passes, mas lalo kitang minamahal. Haaay! Enough na nga! Just always take care of yourself and you can lean on me in all times. I won’t get tired of loving you, never Mikhail. I love you!
Contestant #3
Dear Cente,
Oy kamusta? Magpadala ka na nga ng gatas para sa mga kapatid mo! Ilang buwan ka na dyan sa Iraq hindi ka pa din nagpapadala ni piso! HAHAHA! Joke lang! Ilang words na yun? Tsk si Mang Danny kasi eh sabi 250 words daw! Alam kong madali lang sakin yun dahil Henyo ako pero wala naman kasi akong masyadong sasabihin sayo! Hello para namang hindi tayo nagkaka-usap, tsk! Okay eto na talaga, pasensya na sa mga reklamo, pampahaba din yan! Gusto kong magpasalamat sayo kasi kung na-inlove at may GF ka na ngayon, ABA! Hindi tayo magkakakilala! Hindi naman sa sinasabi kong gusto kitang maging kaibigan, pero dahil kasi sa contest, wala na akong problema sa pag-aaral at may sure pa ako agad na trabaho ng limang taon pagka-graduate, san ka pa?! Edi pagtiyagaan na si Cente! Hahaha joke! Pero seryoso, Malabo nga siguro talaga yang mata mo (kaya nga nakasalamin ka eh noh?!) kasi hindi mo yata nakikita na ang daming magagandang babaeng nagkakagusto sayo tapos dedma at suplado ka lang, eh paano ka nga naman mai-inlove niyan?! Buksan mo kasi ang apat mong mga mata at yang puso mo para maramdaman mo yang gusto mong maramdaman at malay mo naman diba mahanap mo na yung babaeng para sayo kahit alam kong nahanap mo na siya, AYIIIEE ANG LANDI NA NI CENTE! Hahaha! Sorry but I’m not sorry pala sa mga pang-aasar at okray ko sayo, bwahahaha! Wag kang mag-alala ganun talaga ang paraan ko para makipagkaibigan/close sa isang tao kahit konting close lang tayo ngayon… Hahaha ano daw?! Basta yun na yun! Salamat din sa pagtuturo mo sakin kung paano mag-motor, isa yun sa pangarap ko sa buhay eh!
Teka?! Sobra na ito sa 250 words! Yes! Sana ano kahit tapos na ang contest, lagi pa din kaming makatambay dyan sa mansiyon ninyo at makakain ng masasarap na pagkain (Yung carbonara mong niluto nun ang pinakamasarap na nakain kong carbonara sa buhay ko.. PROMISE!) at gusto ko ding makipag-jamming at laro kay Jay eh! Hehehe. Wala akong pakialam kung inlove ka na o anupaman dahil hindi dapat minamadali yung ganun pero SANA sa bawat desisyon na gagawin mo ay masaya ka dahil yun naman ang mahalaga sakin, samin, yung happiness mo. NAKS MAGPAPA COKE NA YAN! HAHAHAH! : Kahit tapos na ang contest, Tomboy Henyo at your service pa din, tandaan mo yan. Ayun lang ingat na lang palagi at God Bless! Mahal din kita Cente kahit papano (bilang kaibigan!). LOL! Bleh! :P
AN: LAST 2 chaps! LOL :)))
BINABASA MO ANG
EXTRAORDINARY CONTEST
RomanceTatlong Babae..... Isang contest.... Isang panalo..... Isang lalaki..... Iba't iba sila ng personalidad....dahilan ng pagtanggap na sumali sa contest na ito....ISA lang ang SIGURADO..LAHAT sila, mababago ang BUHAY...anong contest ba ito? SINGING CON...