Jem’s POV
“Hi Hon! May task kami ngayon… baka gusto mong manood or sumama sa mansiyon??”
“Sabi nga din ni Jam… pero Hon pass muna ko medyo busy lang… bawi ako next time…”
“Busy na naman? Hay! Oo nga pala malapit na din ang OJT mo… Oh sige ingat Hon!”
“Okay… Loveyou goodluck sa task!”
“Sure.. Bye!”
Binaba ko na yung phone ko… Haay… I miss Jerwin so much! Ilang weeks na din kaming hindi nagkikita eh… Busy siya sa pag apply para sa OJT niya… graduating na kasi sa pasukan!
“Ma’am nandito na po tayo….”- untag ni Manong
“Thanks Manong… magpapasundo po ako mamaya..Waley si Hon eh…”
“Okay po Ma’am…”
Bumaba na ko ng kotse…. Task na naman! Hahah nakakamiss din pala… Sulitin na..third to the last task na ito eh….
Pumasok na ko then nakita kong nandito na pala yung dalawang bruha… Nara is busy chatting with Espren while Cris is busy reading her book…..
“HELLLLLOOO WOOORLD!!”- bati sa kanila…
Tinanguan lang ako ni Espren (okay konti lang talaga ang pagbabago!) si Nara naman nag smile at sumenyas na lumapit ako…. Sumunod naman ako at nagbeso beso kami…HAHAHA! Nasa mood siya ngayon ha!
Si Cris mukhang walang narinig….Busy pa din sa libro niya… Tinignan ko yung libro… Wow sikat yun at bagong labas…. Teka mahal yan ah! Yaman na ni Cris! XD
Lumapit ako kay Cris… medyo malayo kasi yung pwesto niya sa dalawa…. Tsk nao-awkward siguro to kaya nagdala ng libro!
“CRIIISSS!!!”- effort kong sumigaw…Hahhaa…
“Oh?”- napakagandang sagot niya =___=
“Yaman ah! Mahal yang book na yan diba?”
“Ah. Bigay lang sakin to…”
“Wow! Ni Espren??”- tapos sinulyapan ko pa si Espren at nakitingin din siya samin… Nakikinig siguro!
“Hindi siya…”-tapos nagkibit balikat lang si Cris at sinara na yung libro….sabay bati kay Tito Dan na kabababa lang pala…
“Magandang tanghali po Mang Danny!!”- at nagmano na naman si Cris!
“Hello Cris! Hi girls! Buti kumpleto na! So start na tayo? Mikhail….”- Tito
“Eherm… ang task ninyo ngayon ay magluluto…”- Espren
“ANOOOOO?!!!!”- sabat at react agad ni Cris…
HAHAHHA! Hate nga pala niya yung cooking!
Dedma naman si Espren at nagpatuloy lang… “Ang lulutuin ninyo ay favorite kong ulam na….”
“MENUDO!!”- dugtong ko… Siyempre alam ko yan!
“Right… Yun yung lunch nating lahat ngayon… kanin lang ang pinaluto ni Dad kina Manang dahil yung lulutuin ninyo ang ulam natin…”- explain pa ni Espren
“Gosh buti marunong ako magluto ng menudo!”- Nara
“Best task ito! Excited na ko!”- sabi ko naman… mas hilig ko talaga magluto ng mga putahe kaysa baking… Confident ako sa task na to!
“Ah…. Mang Danny gagamitin ko na po yung “isang-task-na-di-ako-sasali” ngayon…”- Cris
Nag smirk si Nara…Tsk hindi pa din po sila nagkaka-ayos… At walang kaalam-alam si Cris na lalong nainis si Nara sa kanya dahil dun sa nakita namin nung outing… Oh well…
BINABASA MO ANG
EXTRAORDINARY CONTEST
RomanceTatlong Babae..... Isang contest.... Isang panalo..... Isang lalaki..... Iba't iba sila ng personalidad....dahilan ng pagtanggap na sumali sa contest na ito....ISA lang ang SIGURADO..LAHAT sila, mababago ang BUHAY...anong contest ba ito? SINGING CON...