CHAPTER 18:HOME VISIT PART 2

242 7 0
                                    

Nara's POV

"Yaya! May tao yata!"-sigaw ko sa kasambahay namin....

Kaliligo ko lang at kasalukuyang nanonood ng mga fashion shows sa youtube...wala kasi akong magawa at para na din nakakakuha ako ng mga bagong tips sa pag-momodel...

Kanina pa may nagdo-doorbell..alangan naman ako pa ang magbukas? Tsk!

"Ayy...pasensya na po ma'am Nara!"-sabi ni Yaya Linda saka dali-daling binuksan yung pinto....

Busy pa kasi makipag-tsismisan sa mga kapwa katulong....Tss...

"Ma'am...may naghahanap po sa inyo..Mikhail daw po?"

Mikhail?

Loading.....

SI MIKHAIL NANDITO?!!

Napatayo ako bigla at pumuntang pintuan....

"Hi Nara.."tapos ngumiti siya

Grabe...siya nga! Buti na lang maayos suot ko! Naku!

"Mikhail..pasok ka..."-tuluyan ko nang binuksan yung pinto...

Gosh lang! Gwapo niya kahit T-shirt at maong pants lang suot niya! Liligawan na ba niya ko? Haha! Sana nga *_*

"Ma'am!!Lunch time ninyo na po!"-Yaya Linda

11:30am lunch time ko...Haha..may oras talaga para hindi masira ang kasexyhan...Wahahaha

"Tara..kain tayo Mikhail.."-yaya ko

"Tamang-tama..gutom na din ako eh..."

Pumunta na nga kami sa dining room..magkatapat kami ng upuan...

Buti  na lang Morcon ulam..hindi ako mapapahiya kay Labs ko..Hahaha

Tahimik lang kaming nakain...pasulyap-sulyap ako sa kanya..tapos pag nahuhuli niya ko..ngingiti lang siya...Panaginip lang yata to...Haay!

"Okay lang ba yung food?"-tanong ko

"Yeah...masarap nga eh!"-sagot naman niya...

Inalok ko siya ng kanin...

"Eto oh...kuha pa.."

"Thanks.."-smile ulit!

Mas lalo siyang gumagwapo pag nakangiti! Nakakabaliw ka Mikhail!!

"Ikaw? Kuha ka pa din.."-siya naman nag-alok..Sweet!

"Ahh..okay na to...kailangang alagaan ang figure eh..Hahaha"

"Model ka nga pala..Haha.."

Nung natapos na kami kumain...pumunta na kami sa sala...

"Teka...napadalaw ka pala?May meeting ba?"

Umupo na kami sa sofa..magkatabi kami..Kilig!

"Task ko..."-sabi niya

Galing naman..may task din siya..Haha

"Edi binisita mo din sina Jem at Cris??"

"Kahapon si Lyn..bukas si Tomboy.."

Pansin ko lang...ako lang yung tinatawag niya sa normal na name ko..Hahaha...special siguro ako! Charot!

"Ahm..alam mo..mga ganitong oras..naglalaro ako ng Tennis...laro tayo?"-tanong ko

Alangan naman kasing magtitigan lang kami dito noh!! Sakin okay yun pero sa kanya..baka hindi..Haha...

"Sure...marunong ka pala ha.."

Yieeee!! Ganda points naman ako!

"Sige una ka na don sa may garden..magbibihis lang ako.."

EXTRAORDINARY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon