Paris' POV (LOL! BASTA THIRD PERSON!BOHAHA)
"That's all for today...thank you for a wonderful semester...Goodbye class..."
Halos lahat ng Professor sa SLU ay ganyan ang linya sa kanilang mga mag-aaral.....Last day of classes na kasi....
O baka hindi?
"OKay class....for your homework....write an essay about LOVE...350 words...computerized! Ipasa ninyo sakin sa faculty sa araw ng enrollment ninyo for the next semester...I will not give your grades if you fail to submit it...okay??...Goodbye class! See you around!"
At umexit na si Prof.....
"My ghad! Seriously? Pinagloloko ba tayo ni Prof??!"
"Like duh!! Tapos na ang subject natin sa kanya at lahat lahat...magpapagawa pa ng ganyan?! Holy cow!"
"Ang layo pa ng pinapagawa niya sa tinuro niya...Psychology ba subject niya?! ARGH!"
Kanya-kanyang reklamo ang mga naiwang mag-aaral galing sa dalawang section nang makaalis ang kanilang Professor...nag-aayos sila ng gamit para umalis....
Sa isang sulok ng silid-aralan....
"Oy Tomboy..."- tawag ni Mikhail kay Cris....na ikinatingin naman ng mga natitira pang mag-aaral sa dalawa...
"Oh bakit Cente?"- sagot ni Cris habang nag-aayos ng gamit...
Nang mapansing nakatingin sa kanila ang lahat....
"Bilisan mo dyan....I'm sure nandun na sila..."- sabi na lang ni Mikhail saka nagpatiunang lumabas ng classroom...
Sumunod naman si Cris dahil naiilang at naaalibadbaran na din siya sa tingin sa kanya ng mga tao sa room...
Sabay silang naglalakad papunta sa canteen....
"Ah Tomboy..."- nag aalangang sabi ni Mikhail
"Bakit??"
"Ano..kasi..ahhmm..."
"Ano ba yun Cente??"
"Gusto ko sanang magpagawa na lang sayo nung homework natin...babayaran ko na lang..."-mabilis na sabi ni Mikhail
Gulat na napatingin si Cris sa kasama...nabibingi lang yata ang Henyong katulad niya?
"Ha?! Pakiulit nga nung sinabi mo?"
Nag straight face naman si Mikhail na mahahalatang nairita sa sinagot ni Cris....
"Nothing...just forget it..."
Ngumisi lang si Cris at pinag tripan na naman ang kasama....
"Mahal ang talent fee ko Cente...mababayaran mo ba?"
Nakakunot noong lumingon sa kanya si Mikhail....
"Stop grinning....Akala ko ba di mo narinig?? Tss..."
"Wahaha...okay sige wala na lang akong narinig!!"
Hindi na ulit sila nag-usap hanggang sa nakarating sila ng canteen.....sila na lang pala ang hinihintay...
Jem's POV
Hindi na daw keri ni Paris magkwento at tinatamad na siya kaya pinasa na sakin...WAHAHA!!
Kasalukuyan kaming nagkukulitan ni Jerwin nang dumating yung dalawa....
"Alam mo Jem sana bola ka na lang...."- Jerwin
"Bakit naman?"
"Kasi magaling ako sa basketball...kaya madali kitang maaagaw sa iba at maishu-shoot sa puso ko..."
BINABASA MO ANG
EXTRAORDINARY CONTEST
RomanceTatlong Babae..... Isang contest.... Isang panalo..... Isang lalaki..... Iba't iba sila ng personalidad....dahilan ng pagtanggap na sumali sa contest na ito....ISA lang ang SIGURADO..LAHAT sila, mababago ang BUHAY...anong contest ba ito? SINGING CON...