CHAPTER 27: SWIMMING LESSON

292 11 2
                                    

Maricris' POV

Dilat....

Brr..ang lamig!

Pikit ulit....

Teka nasaan na ko?? Kailan pa kami nagka-aircon??

Dilat ulit.....

Napabalikwas ako ng bangon........

EH??

Nasa ibang kwarto ako....

May flat sreen na T.V...aircon at maliit na table sa may side....

AT ANG LAMIG GRABE!!

Ang kapal na ng kumot pero tumatagos pa din!

Napakamot ako ng ulo....

Nasa heaven na ako?

Biglang bumukas yung pinto....

"Gising ka na pala Ate Cris!! Eto sandwich oh...mag-merienda ka muna..."-Jay

Lumapit siya sakin at inilapag yung tray na may sandwich at juice...

AH!! Nasa mansiyon pala ko!!

Binuhat ako ni Cente at.............

Nakatulog na yata ako habang buhat niya -__-

"Nag-abala ka pa Jay..nakakahiya naman.."

"Bisita ka naman Ate eh!! Sige na kain ka na..."

"Salamat ah.."-sabay smile...

Gutom na din ako!!

Kinain ko na nga yun...

"Ah anong oras na pala??"

"Alas-sais po..."

Nabulunan ako.....

"Hala..eto po juice..."-sabay abot niya sakin ng juice...

Ininom ko...Haaay!

"Halos kalahating araw pala akong tulog!!Nasaan na sila?"

"Umuwi na po kanina pa...."

"Waaa..bakit di ninyo ko ginising??"

"Ayaw po ni Kuya eh...sabi niya hayaan ka daw magpahinga..."

Loko talaga yung Centeng yun!!

"Naku sorry talaga...wala kasi akong tulog kagabi eh..."-saka bumaba na ng kama...

Ubos na din yung pagkain..Hahaha...

Kinuha ko na yung tray....

"Ako na po diyan Ate.."-sabay agaw sa tray...

Ang bait na bata!! Walang-wala si MM...Hahhaha..

Inayos ko muna yung hinigaan ko..at pinatay na din yung aircon...

"Kanino nga palang kwarto to??"-tanong ko

"Ah..guest room po ito.."

"Ohh...sosyal ninyo talaga...Hahaha..."

Natawa din si Jay..."Hindi naman po..."

Lumabas na kami ng kwarto...Bumaba kami...

Nandun si Cente...nagbabasa ng libro...

Pagtingin ko sa labas...whoaaa..Patay ako nito!! Medyo madilim na!!

"Hoy Cente bakit di mo ko pinagising pag-alis nila??"

"Kamusta ang tulog mo?"

Wow ah..ang lapit ng sagot!

EXTRAORDINARY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon