CHAPTER 5: THE AGREEMENT

323 9 4
                                    

Maricris' POV

"Hoy Ate!!!Bumangon ka na dyan sabi ni Papa!!Alas-nuwebe na oh!!"

"Ano ba MM!!!Ang ingay mo!!..Wag mo nga kong guluhin!! Matutulog pa ko!!"..sigaw ko din sa kanya sabay talukbong ng kumot..

Naramdaman kong hinila ang kumot ko at pinukpok ako ng malaking unan sa mukha...

Bumangon na ko at hinabol ko din siya ng malaking unan...Nagtatatakbo ito hanggang sala..naabutan ko siya..Hah!

Pinagpapalo ko siya nung unan.."Lintek ka!! Aga-aga binabad trip mo ko..bakasyon na bakasyon gigisingin mo ko ng ganito-"

"ARAY!!Ate nakakahiya ka..nakatingin na sa atin yung bisita ni Papa oh!!Tsk!"

"Ha?Anong-"..paglingon ko sa may sofa..nakaupo dun sina Mang Danny at Papa..nakatingin sa amin...si Papa, natatawa..si Mang Danny naman nakangiti..parang manghang mangha sa nakikita.."Ayy G-good morning po!Pasensya na po kayo..sige po mag-aayos lang po ako.."..hinila ko yung tenga ni MM pabalik sa kwarto at isinara ang pinto..

Sinabunutan ko siya.."Subukan mong umaray dyan..tatadyakan pa kita!"..mariing bulong ko

"Napaka-brutal mo talaga ate!..Bitawan mo na buhok ko!"

"Ba't di mo sinabing may bisita tayo?HA?HA?!"

"Eh bigla mo na lang kaya ko hinabol nung bumangon ka! Adik ka din eh noh!"

Piningot ko siya nang ubod ng lakas..

"Napahiya pa ako kay Mang Danny! Yari ka sa akin pag di ko nakuha scholarship ko! HMP!..Ligpitin mo tong higaan!"

Grabe..nakalimutan kong ngayon na pala ang "paghuhukom"..Papayag na ba ako?! AISH..di kaya ako nakatulog nang maayos kakaisip!..Hindi ko pa din alam isasagot ko..ToT..Bahala na!Bakit kasi ang aga pumunta ni Mang Danny eh..Nagsuklay na ako..naghilamos at nagpalit ng matinong damit..Paglabas ko ng kwarto..pinaupo na ko ni Papa sa may sofa...

"Anak..siguro naman napagdesisyunan mo na yung tungkol sa offer ng Tito Danny mo??"

"Pards, wag mo munang i-pressure si Maricris..kagigising lang niyan eh"

Tapos nagtawanan sila..Matatandang ito!! Mga Echosero..Kinakabahan na nga ako dito eh..

"Ah,, Mang Danny..."

"Tito Dan na lang Maricris"

"Cris na lang po Mang Danny..ang sosyal po ng Tito eh..."

"Haha..sige Cris...may sasabihin ka?"

"Ano po kasi...pag natalo po ba ako sa contest..mawawala na yung scholarship ko?"

"HIndi naman...kailangan mo lang sumali at siyempre...makipag-laban ng kaunti sa dalawa pang contestants..wag kang mag-alala kahit manalo o matalo ka..hanggang makatapos ka yung scholarship.."

Nakahinga ako ng maluwag..Hindi naman pala kailangan manalo eh!!Whoo...edi Okay!! Baka mamaya mukha pang engkanto yung anak ni Mang Danny..tapos ang masaklap..baka manyak!!Kinikilabutan ako! Pero okay lang..magpapatalo ako..may scholarship pa din ako!!YaaaahoooooGooogle!!

"Sige po..pumapayag na po akong sumali sa contest"..tapos ngumiti pa ako..muahahaha..

"Sigurado ka ba Cris?Hindi biro yang contest na yan..future mo nakasalalay dyan..paano kung manalo ka? Paano na si-"

"Papa..isang linggo kong pinag-isipan ito..wag po kayong mag-alala...sayang naman kung hindi ko pa tatanggapin yung scholarship..tsaka..kakayanin ko naman siguro yung contest na yun..."

"Pards..wag kang mag-alala..akong bahala sa anak mo..hindi ko siya pababayaan oras na magsimula na ang contest..mabait naman si Mikhail ko eh.."

So Mikhail pala pangalan niya?? Pambakla..ano ba yan..>___<

May nilabas na papel si Mang Danny..parang kasulatan na pumapayag ako na makasali sa contest kapalit ng scholarship grant hanggang maka-graduate ako at limang taon na pagtatrabaho sa Alejandro Footware...may pirma na si Mang Danny at yung asawa niya..pati yung Mikhail...maganda pa pirma niya kaysa sakin..Weew..

"Pirmahan mo na lang itong may pangalan mo Cris..para lang sa pormalidad ito.."

"Sige po..."

Pagkatapos kong pumirma..nagpaalam muna ako sa kanila...

Nagbike ako papunta sa tambayan ko..basta madamo dito at may playground sa isang tabi...

"Haaaayy..kaya mo yan Cris..GG na kung GG..AJA!!"

Kumulo tiyan ko..di pa pala ko nakain..>____<....

Umuwi ako para pakainin ang mga alaga ko..nakakagutom ding mag-isip noh!

EXTRAORDINARY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon