CHAPTER 50: OUTING!

226 8 2
                                    

Maricris POV

6AM

“Pa mauna na po kayo dun…may dadaanan lang ako saglit…”

“Sige dalian mo lang at baka mahuli pa tayo ng alis papuntang resort…”

“Oo nga Ate baka pa VIP ka pa!”- MM

Binatukan ko na lang si MM saka bumaba sa van nila Mang Danny… Sinundo kasi kami nung driver nila sa bahay… dahil sa regalo ko kay Cente… Hahah BASTA!

Pumasok ako sa National High…. School ko to nung high school…Dumiretso ako sa grandstand kung saan siya naghihintay….

“Marii!! Akala ko di ka na naman makikipagkita saken!”- sabi niya saka niyakap ako….

Tssss .. >.>

Hindi na lang ako kumibo at nagpayakap (YAK!!) este hinayaan na lang siya….

“Psh… baka mamaya ipakidnap mo na naman ako eh… Asa ka pa..”

Kumalas siya sakin… “At kelan naman kita ipina kidnap?! Hay nako tara upo ka… gumawa ako ng favorite mo!”

Tumalikod  na siya at bumalik sa pwesto niya kanina kung saan may basket… siyempre hinila niya ko >.>

Napangiti na lang ako… Hilig talaga mag picnic ng gago kahit kelan…Tsk…

Tahimik kaming kumain ng cookies na binake niya…. Bading yan eh…hilig magbake! Nakatingin lang ako sa field… siya naman alam kong tinitignan lang ako… Hinayaan ko na lang siya.. sanay naman ako eh.. ganto kami madalas dati bago magsimula ang klase…

“Mari.”

“Oh?”- tapos kumuha ulit ako ng cookie…. Ang sarap pa din walang kupas!

“Bakit ganito ka kaaga nakipagkita? May naaalala kasi ako eh…”

Tumingin ako sa kanya at naka smile siya…. Tss bading!

“Wag assuming… may outing kami ngayon at maya maya aalis na din ako…”

“Wow talaga?! Sama naman ako!!! Sa mall na lang ako bibili ng damit!”- excited pa niyang sabi

“Hindi pwede… kasama namin SILA…”

“Ahh….ganun?”

Tumango na lang ako… Ewan biglang nag iba yung atmosphere… Di tulad kanina na tahimik lang…

Kukunin ko sana yung nag iisang cookie pero kamay yung nahawakan ko….

Ewan pero automatic  na napangiti ako…..At ganun din siya….

“Hay Mari… di pa din tayo nagbabago…tsk..”-hinawakan niya yung kamay ko tapos gamit yung isa kamay niya kinuha yung cookie at kinagatan tapos yung natira sinubo niya sakin….

Hinayaan ko lang siyang gawin lahat yun… Ewan ko.. na miss ko din naman talaga si Raven eh… Lalo na yung mga habits namin noong kami pa….

“Oo nga bading ka pa din at ako henyo pa din…”

Natawa siya nang malakas…. “Hahahha! Makikipag holding hands ba ko sayo ngayon kung bading ako?! Kulet mo din eh noh…”

Pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya… Leche ang utak talaga eh! Babawiin ko sana yung kamay ko pero hinigpitan niya yung hawak….

“Kamusta na pala si Jerwin? Buti hindi ka niligawan nun nung naghiwalay tayo…”

EXTRAORDINARY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon