CHAPTER 20: THE "LONG STORY"

243 8 5
                                    

(AN: Flashback po ito...ang dahilan kung bakit na-late si Cris sa meeting nila..Haha)

Maricris' POV

"ATE 8:30 NAAA!!!BUMANGON KA NA!! MALE-LATE KA NA!!"-MM

Ilang beses na ba naulit ang scene na to?? Haayy...

"Hmmm...wala namang pasok ah..san ako--"

Bigla kong bumangon....

"MEETING!!"

Hala hala...nag-alarm ako sa cellphone ng 7:30 ah!

Pagtingin ko...

Lobat pala..

"Walang kwentang cp!!"

Dali dali na kong bumangon at kumilos..Kaya pa yan!!

Ilang pirasong pandesal lang kinain ko tapos naligo agad ako....

Sinuot ko na yung dress at minake-up-an ako ng konti ng bading naming kapit-bahay...alangan namang si MM o Papa gumawa nun...eh ako naman hindi marunong..Tsk!

9:30..ayos makakaabot pa ko sa oras...nagmamadali na kong lumabas..

Paglabas ko..nagulat ako kasi nandun si Jerwin..problema neto?

"Jam..mag-usap tayo.."

Seryoso niya...Hay nako..wrong timing naman eh!

"Jer..nagmamadali ako alam mo namang may meeting kami ngayon at importante yun..mamaya na lang pagbalik ko..sige na.."

Akmang tatalikod na ko nang bigla niya kong iniharap ulit sa kanya...

"Wag ka nang sumali sa contest na yun..."

Seryosong seryoso niyang sinabi at direktang nakatingin sa mata ko...

Nagulat ako siyempre...

"Ano? Bakit?"

"Gagawa ako ng paraan para sa scholarship mo..marami naman dyan eh..basta magback out ka na.."

Di sinagot tanong ko...Tsk..LATE NA KO!

"Sorry pero sasali ako kahit anong mangyari...sige alis na ko.."-cold kong sabi..

Nakatalikod na ko nang nagsalita siya ulit....

"Ayaw kitang sumali....dahil....baka manalo ka...at..hindi ko gusto yun.."

Hinintay ko siyang magpatuloy...

"Gusto kita Jam..."

Gulat akong napalingon....

"Joke lang..."

Natawa siya...babatukan ko sana siya ng sinalo niya yung kamay ko...

"Mahal kita Jam...matagal na.."

"Kung joke na naman--"

"Seryoso ako.."

Sabi ko nga seryoso siya eh...

"Mahal din kita Jer..ano ka ba bestfriends diba?"

OKAY Cris..male-late ka na..mamaya na ang bessy drama...

"JAM!! Mahal kita nang higit pa sa matalik na kaibigan!"

Ayan na ang kinatatakutan ko...

"Ah Jer...alam mo kulang lang sa tulog yan--"

"Jam please..seryosuhin mo to..wag ka nang sumali dun..."

Hinila ko siya papuntang court...marami na kasi nakakapansin samin dito..

Kami lang tao...umupo kami...

"Jerwin...ano naman ba to? Kaya ko sarili ko..wag kang mag-alala..okay?"

"Jam...hindi naman yun eh..ayokong sumali ka dahil nga baka maging Fiance mo yung Mikhail atsaka ibang usapan na ang kasal! Mahal kita Jam..maniwala ka naman!"

"BESTFRIEND KITA JERWIN!PANO MO NAGAWA SAKIN TO! DIBA HINDI TAYO PWEDE?!! UNA PALANG PINAALALA KO NA!!"

"Hindi ko mapigilan eh!! KASALANAN BA NA MAHALIN NG ISANG TAO ANG BESTFRIEND NIYA?! HA?!"

"PERO JERWIN NAMAN!! NUNG NAGTAPAT KA DATI NA CRUSH MO KO...DIBA SABI KO TIGILAN MO?? KAIBIGAN KITA JER!! AYOKONG MASAKTAN KITA!!"

Nagsisigawan na kami...kasi naman eh!!!!

Kumalma siya..

"Jam..sorry..kung hindi ko napigilan...hindi ko kaya eh!! Kahit hindi pa ngayon..pero gagawin ko ang lahat para mahalin mo ko..please..wag ka nang sumali.."

Hinawakan niya kamay ko...

Naiiyak na siya...Ano ba naman!!

"Sorry Jerwin...kung gusto mong maging bestfriend pa din kita...kalimutan mo na yang maling pagmamahal mo para sakin..alam mong hindi ko masusuklian yan.."

Bumitaw ako at dire-diretsong lumabas ng court....

"JAM!!!"

Hindi ko siya pinansin....

Naramdaman kong sumusunod siya....

"Wag mo kong sundan Jerwin..Late na ko sa meeting namin.."-sabi ko na nakatalikod pa din

Huminto naman siya....

Sorry Jerwin..wala kong panahon sa Love na yan.....

After 3 days.....

Hindi pa din kami nagkikibuan ni Jerwin...nami-miss ko na nga siya eh! Bestfriend ko yun eh!

Pero mas okay na ang ganito...sakit lang ng ulo kung ipagpipilitan niya ang nararamdaman niya para sakin...

Lumabas akong bahay para magdilig ng halaman..may kumalabit sakin..paglingon ko..

Si Jerwin....hindi siya nakatingin sakin...

"Mag-usap tayo..sa court..pagtapos mo dyan.."-sabi niya saka umalis...

Pumunta naman ako....

"Jam...sorry sa nangyari nung nakaraan..nakaabot ka ba?"

Umupo ako sa tabi niya....

"Oo..wala yun.."

"Ah...buti naman...nagsisisi ako sa ginawa kong pagpigil sayo..buhay mo yan eh..sino ba naman ako para manghimasok.."

"Jerwin..okay na nga yun.."

"Yeah...isa pa sorry kung nagsinungaling ako..."

"Ha?"

"Sinabi ko lang na mahal kita kasi baka sakaling di ka na tumuloy dun..."

Napangiti ako....

"Bestfriend talaga kita Jer...pero dapat alam mong kaya ko to diba? Wala akong balak manalo dun.."

"Bati na tayo Jam....please??"

Tumingin ako sa kanya...

"Basta wag mo na uulitin yun a?"

"Promise!!"-tinaas pa niya kanang kamay niya...

Hahaha....

"Hiramin mo muna dun kay Manong yung bola tapos basketball tayo.."

"Yan lang pala eh!!"

Buti na lang nagkabati na kami ni Jer..HAAAAYYY!! HIRAP MAGING HENYO..MADAMING CONCERN SAYO....HAHAAHA!!

EXTRAORDINARY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon