CHAPTER 60: AND THE WINNER IS........

460 13 13
                                    

Mikhail’s POV

“Luto na po ba lahat Manang?”

“Oo anak…. Naku tikman mo nga Hijo ikaw naman ang nagtimpla nun…Hindi ko na pinagalaw kina Marimar yun…”

Tinikman ko yung niluto kong Paella (Nara’s favorite), Kare kare (Lyn’s favorite) at Carbonara (Tomboy said it was delicious)….

“Tamang tama na po ito…Nasan po si Dad?”

“Nakikigulo kina Daisy na nagkakabit ng mga banners sa sala…”

Tumango ako at pumunta na sa sala… Hmmm 11:00 na pala… Maya maya dadating na sila…

“Ser hindi po pantay! Itaas ninyo po yung sa right side….”- utos ni Daisy kay Dad na nakasampa ngayon sa sofa at may kinakabit na cartolina

“Ayan! Okay na po yan!”

Binasa ko kung ano yung nakasulat sa cartolina… ARGH!

“DAD!!!”

Napatalon na lang siya sa gulat at napatingin sakin… Nilibot ko ang mata ko sa buong sala….

“Dad pakitanggal nga yang mga yan! Ang dami mo talagang alam!”

“Hehehe last na to! Wag ng KJ! Pinaghirapan namin tong gawin ng Mommy mo kagabi!”

At tumulong pa pala si Mom sa kalokohan ni Dad..Tsss! -_________-

“WOW!! HAHAHHA! Oh bakit poker face na naman tong si Kuya? Grabe ang ganda ni Ate Nara dyan!”- Jay sabay turo sa isang poster

“Siyempre magaling yata akong mag picture!”- Dad

“Hahahah chura mo naman dito Kuya! Waaa ang cute ni Ate Cris! Hahahah si Ate Jem!”- parang baliw na siyang nagtuturo sa mga pictures at nagko-comment…. Tss

Sumulpot na din si Mom na bihis na bihis pa… Tsk!

“Walang kupas ang ganda pa din talaga ng lettering ko Pa!”

“Naman! Nagustuhan nga ng anak mo eh.. Diba Mikhail?”- ngisi pa sakin ni Dad…. Tss!

Baka magustuhan ko yung tatlong higanteng posters na sa bawat isa may mga nakasulat na:

Miklyn with pictures namin ni Lyn

Narhail with pictures din

Criscente with pictures na naman

Tsss! Umakyat na lang ako sa taas para mag-ayos….

-------------------------------------------------------------------------------

“Hi girls!!! Aba ang gaganda ninyo ngayon ha!”- Dad

“As usual naman Tito eh! Duh!”-Lyn

“Thanks Tito! Nice posters!”- Nara

“Hello Mang Danny! Pwede po pa arbor nung picture na yun? Ang chaka ni Cente dyan eh! HAHAHHA!”- Tomboy

Nasa sala silang lahat…. Kasama din sina MM at Jerwin… Nandun din yung mahabang table kung saan nakalagay yung mga pagkaing niluto ko kanina… Buffet style.

“Grabe ang bilis! Parang kelan lang suot din namin tong dress na ito tapos naka maskara pa kami!”- Lyn

“True! Sumayaw at kumanta pa tayo nun! Tapos nagmodel! Haay nakaka-miss din pala…”- Nara

“Mang Danny lunch time na po pala kain na tayo! Mukhang masasarap silang lahat!”- Tomboy na nakangisi na sa mga pagkain… Tss!

“Hay naku! Nakakahiya ka talaga Ate! Tsk!”- MM

EXTRAORDINARY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon