CHAPTER 45: REVELATIONS

290 8 0
                                    

(AN: Medyo mahaba…. Hahaha… pasenya na ulit sa mga wrong grammar at typos…BOW! :p)

Jem’s POV

“Tara Jer… sundan natin sila!”- hila ko kay Jer habang naglalakad ng mabilis…

“Teka… akala ko ba magde-date tayo??Bakit natin sila susundan??”- Jer

Nandito kami ngayon sa SM *****.. medyo malayo samin to.. sa ibang city pa…

Nandito kasi sina Espren at Nara magkasama sila tapos sina Cris at Jay din magkasama din…. Pero hiwalay ang location nila dito ngayon… ang sinusundan namin ay sina Espren… Hahaha…

Yung prize ni Cris dun sa hanapan-ng-valuable-thing task ay date with Espren kung saan gaganapin yung book signing nung favorite author niya (pati ni Cris) na nandito sa Pilipinas ngayon…

Kaso ang problema… nagkasabay naman yung petsa nung book signing at valentine concert ng W-inds… yung favorite band nila Cris at Jay… eh binilhan din pala ni Jay si Cris ng ticket….kaya matapos ang mahabang usapan….

Nag-decide si Cris na i-transfer na lang kay Nara yung prize niya at ipasuyo na lang sa kanila yung mga libro niya na papipirmahan niya sana tapos sa concert siya aatend….Hinayang na hinayang siya kasi nagkasabay yung date ng dalawang event… Hahahha…

So ibig sabihin ako lang ang nganga today kaya inaya ko na lang tong si Jerwin! Wahahha

Tsaka magtatapat na din ako sa kanya ngayon… so ewan ko lang kung maligaya ang darating na valentines day/birthday ko o luhaan….AJA! >//<

“Para naman may thrill ang date nating ito! Hahah…”- sagot ko

He just smiled ang pinched my nose….

Kinikilig talaga ko pag ginagawa niya yan…. Haaays….

“Ayy… bawal na tayong pumasok dyan…”

Pumasok na sila Espren sa event hall kung saan gaganapin yung book signing… may ticket din kasi dun eh…

Inakbayan ako ni Jerwin…. “Boring naman dyan… tara shopping na lang tayo.. mag-eenjoy ka pa!”

“Okay! Tara! May sasabihin din ako sayo eh… Hehe…”- sagot ko naman

At hayun lakad lang kami ng lakad… turo ng sampung items.. isa ang bibilhin… HAHAHHAAH….

Mahilig mag-shopping si Jerwin….bihira lang yun sa mga lalaki….

Pogi points….>//////<

“Jem hon! Eto na order natin… kain na tayo!”

Kumain naman kami nang magana… HAHAHA .kanin kahit merienda time pa lang! Kapagod eh!

“Jem…. Say aaahh…”- iniumang naman niya sakin yung kutsarang may sundae….

Siyempre kinain ko…. HAHAHHA…. Ngumiti naman siya nang malaki tapos kumain ulit…..

Bakit ba ang sweet nito??? >///////<

“Uhm Jerwin….”

Shocks eto na! GAAAAAAAAAA!

Tumingin naman siya sakin…..

“Ano kasi… stop na kaya tayo??”

WAAAA.. ano daw yung sinabi ko??!!!

“Stop?? Saan?”

EXTRAORDINARY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon