Mikhail's POV
*RIIIIING
Ang ingay!
*RIIIIING
Tumalikod ako...
*RIIIIING
Nagtalukbong ako ng unan sa tenga...
*RIIIIING
Argh!
Pinatay ko na ang pesteng alarm clock...bumangon na din ako...
Buti na lang nagpareserve na ako ng number..isang libo lang naman eh..^^
Enrollment ko ngayon...madami na namang tao nito sa school..Tss
Naghilamos na ako at nagtooth-brush saka bumaba para kumain ng almusal
"Good Morning Mikhail.."
"Morning Yaya Caridad"
Wow..Sarap ng pagkain..favorite ko..
Tapsilog...madami makakain ko nito..
Umupo na ko at kumain mag-isa...maaga pa kasi..malamang tulog pa kapatid ko pati si mommy..si daddy..pumasok na sa trabaho...
"Hijo..enrollment mo ngayon?"..-Yaya Caridad
Tumango lang ako..nakain kaya ako..Haha
After 15 minutes...naligo na ako...isang oras ako maligo..haha..mainit kasi >_<
Nagbihis ako..simpleng T-shirt na blue lang at maong pants then sumakay na ko sa mahal kong motor at pumuntang SLU...
Nakarating din sa wakas..pinagtitinginan na naman ako ng mga babae -_-
Nakakatakot talaga sila!
"Hi Pogi..anong name mo?"..-creepy girl
May naglakas loob na lumapit sakin at kausapin ako...naka blouse na hapit sa kanya at mini..hindi..micro skirt pala sa sobrang iksi..hindi ba bawal yang mga ganyang attire?-_-
"Leave me alone"
Tapos naglakad na ko papuntang guard..35 number ko..Tss...tagal pa din kahit nagpa-reserve na ko...
Madami ng tao...buti na lang may nakita pa kong bakanteng upuan..umupo na ko
"Yung mga may hawak po ng numbers 21-25..pumasok na po"-guard
Haist..tagal ko pa pala...
Buti na lang dala ko yung binabasa kong novel ngayon..nilabas ko na at nagbasa na ko...
"Brod..pwede patabi kami dito?"..sabi nung lalaking mageenroll din yata..may bakante pa kasing dalawang upuan sa tabi ko...
Tumango lang ako at nagbasa ulit...
Narinig ko magsalita yung lalaki...kausap yata yung kasama niyang babae...
"Uy dito ka lang..kuha na kong number"
"Para namang aalis ako dito..Sige na..tagal mo kasi kumilos..tinanghali ka tuloy.."
Tumayo yung lalaki at kumuha nga ng number...yung babae naman na katabi niya sa kabilang side..binuksan yung bag at may nilabas na libro...
Nanlaki mata ko kasi
.
.
.
.
PAREHAS KAMI NG BINABASANG NOVEL!
Napatingin ako sa mukha ng babae...Simple lang siya...Nakakunot yung noo niya habang nagbabasa..seryosong seryoso..muntik na kong matawa..ganito din ba hitsura ko pag nagbabasa?Yung damit niya naman..simple lang din..T-shirt na red tapos may tatak..atsaka maong shorts na hanggang bago mag tuhod....
Natagpuan ko na lang ang sarili kong pinagmamasdan siya....lalo siyang gumaganda kada nagbabago expression ng mukha niya dahil siguro sa binabasa niya...
Napapitlag ako nang bigla siyang lumingon sa akin...Yung mga mata niya...nakaka-intimidate!!Nakasalamin na ko sa lagay na to ah..medyo boy labo na kasi ako...Bumaba yung tingin niya sa hawak kong libro..Nanlaki mata niya tapos tumingin ulit sakin..
She gave me a small smile..NGUMITI SIYA!!
"Ang astig ng author noh?"
Para akong tangang tumango.."Ah Eh O-oo nga"
Nagbasa na naman siya....pinilit ko ang sarili kong magconcentrate ulit magbasa...pero di ko magawa..pasulyap-sulyap ako sa kanya...
Maya-maya dumating na yung kasama niya...
"Huy..basa ka ng basa dyan..tara pasyal muna tayo..layo pa ng number ko eh"
Hindi kumibo yung babae...
Busy pa din sa pagbabasa...parang walang narinig..muntik na kong mapangiti mag-isa..What the hell?
Bahagyang tinapik nung lalaki yung balikat ng babae...
"Wait lang....yan tapos na..tara"
"Baliw ka talaga.."
"Sinamahan na nga kita dito ..ako pang baliw..tara na!"
"Oo na.."
Umalis na sila..sinundan ko sila ng tingin...
Hindi na ako nagbasa...tinago ko na yung libro..naisip ko na naman yung babae...Hays...
Boyfriend niya kaya yung kasama niya?Kuya?Pinsan?Kaibigan?Asawa?!
Napakamot ako ng ulo...
"Numbers 31-35..pumasok na po kayo..."-guard
Ako na pala...hindi ko namalayan....
Nagpa-enroll na ko...
San kaya siya nag-aaral?Sana ...Sana...dito din....
Sino kaya yun? Curious talaga ko..Bakit kaya?
Who's that girl ba?
BINABASA MO ANG
EXTRAORDINARY CONTEST
RomanceTatlong Babae..... Isang contest.... Isang panalo..... Isang lalaki..... Iba't iba sila ng personalidad....dahilan ng pagtanggap na sumali sa contest na ito....ISA lang ang SIGURADO..LAHAT sila, mababago ang BUHAY...anong contest ba ito? SINGING CON...