Maricris' POV
"Jam...ano ulam ninyo ngayon?"-tanong ni Jerwin habang nanonood kami ng T.V.
Namiss ko si Jer! Tatlong araw din kaming hindi nagpansinan! May nangyari lang kasi...
"Tuyo..tsaka itlog maalat with kamatis...bakit?"
"Wow..sarap naman..dito ako kakain ah!"
"Hoy yun nga lang ulam namin ni MM eh! Dito ka pa kakain? Yaman yaman mo tapos makikikain ka dito.."
"Magdadala naman ako ng ulam eh...dali na..wala naman kasi akong kasabay kumain sa bahay eh..please?"
Nagtatrabaho kasi parehas parents niya..tapos yung kasambahay naman nila..day-off ngayon..kaya nga ang aga-aga nandito yan!
"Sige na nga! Basta magdala ka ng pagkain ah!"
"Opo! Sige kukunin ko na! Alas onse na oh!"
Lumabas na nga siya ng bahay..Haha...kapit-bahay ko lang yun eh!
"MM! Maghain ka na! Dito tayo sa sala kakain..kasama si Jerwin!"
Sumunod naman si MM...wahaha..kutusan ko siya pag di siya sumunod!
"Heeeto na ang nilaga!"-pakantang sabi ni Jerwin....
"Wow! Sarap niyan Kuya ah!Penge ah"-MM
"OO naman! Salu-salo tayo sa pagkain.."-Jerwin
"Okay..kainan na!"-sabi ko
Kanya kanya na kaming pwesto..lahat kami nakakamay..hahah..sarap ng ulam..madami makakain ko neto!
"Buti naman okay na kayo ni Ate Kuya Jerwin..ano ba nangyari bakit ngayon na lang ulit kayo nag-usap? Nag-away kayo?"
Napatingin kami kay MM....Pingutin ko to eh!
"Ahh..."-Jerwin...
Parang ewan naman kasi yung dahilan eh!
"Basta..wala ka na dun..kumain ka na lang dyan.."-sabi ko
"Nagtatanong lang eh!"-MM
"Wag ka na ngang magtanong!"-ako
"Hep! Wag na po mag-away..nasa harap ng pagkain..MM...wala lang yun..ang importante okay na kami ngayon ni Jam.."
"Ang corny mo Jer...Yak!"
"Sabi ko nga basta yun na yon eh.."
Drama kasi eh! Hahaha...
May narinig kaming busina ng motor...sa kapit-bahay siguro...
Bumusina ulit..nasa tapat yata ng bahay namin?
"MM..tingnan mo nga kung sino yun..ingay eh.."-sabi ko
Lumabas naman si MM...narinig kong binuksan niya yung gate...
"May bisita ka?"-tanong ni Jerwin sakin...
"Wala..baka si MM meron.."-sabi ko
Kumain lang kami ulit ni Jerwin...
"Ate...si Kuya Mikhail!"-MM
"Oh anong meron kay Cente?"
"Nandito siya!"
"Ha-ha..Nice joke.."
"Oy Tomboy.."
Napatingin ako sa pinto..Nanlaki mata ko..
Bangungot ba to?
Kinurot ko pisngi ko...
"ARAY!"
BINABASA MO ANG
EXTRAORDINARY CONTEST
RomanceTatlong Babae..... Isang contest.... Isang panalo..... Isang lalaki..... Iba't iba sila ng personalidad....dahilan ng pagtanggap na sumali sa contest na ito....ISA lang ang SIGURADO..LAHAT sila, mababago ang BUHAY...anong contest ba ito? SINGING CON...