Maricris' POV
"Bakit naman ang iksi nito?? -___-"-angal ko
"Ano ba yan Ate..ikaw na nga binigyan ng isusuot..nagrereklamo ka pa..Tsk!!"-MM
"Wag kang magsalita dyan...baka gusto mong ito ipasuot ko sa'yo...."
"Haha..kawawa ka naman..Belat!!"-MM sabay labas ng kwarto ko
Talaga naman!!Hindi ko yata kapatid yun eh!! Di kami magkamukha...Di kami magkasundo..at lalong di kami magka-ugali!!
Duh!!Bait ko kaya..henyo pa!! Siya!! Ayy ewan!!Tsk...
Nagmamaktol kong tiningnan ang dress na pinadala ni Mang Danny kanina lang din....
Wala kasi kaming nabiling dress ni Jerwin eh...Wala kong magustuhan...
Kung alam ko lang na wala kaming mapapala..di sana nag-stay pa kami nun kina Nara >___<
Dapat magdadahilan ako na may trangkaso para makalusot..tutal pupunta na din naman sina Papa at MM eh...
Kaso lang ang epal kong kapatid!!! Sinabi ba naman kay Jay na wala nga ko isusuot kaya hayan!!
Magtitiyaga ko sa nakaka---ARGH na dress na to.. T____T
"Cris?? Bakit hindi ka pa nagbibihis??"-Papa
Wow...Gwapo naman ng tatay ko..naka-formal suit eh!!
"Pogi mo naman Papa!! Buti ka pa..sana ganyan na lang damit ko!!"-sabi ko
Binatukan niya ko ng mahina....
Grabe naman!! Whoa...
"Oy anak...umayos ayos ka na nga!!Paano ka mananlo sa contest na yan kung ganyan ka??Naku handa na sana kitang ibitin patiwarik sa punong puno ng langgam pag nagtapat ka sakin na tomboy ka..buti na lang at nagka--"
"Oo na po..magbibihis na po ako..Chu! na muna kayo.."
At nagbihis na nga ang henyong lingkod ninyo...
Buti na lang kulay black to..favorite ko!! Hahaha..Pero ang iksi pa din!! Hanggang above the knee kaya!! Shete Otso Disinuwebe!!
Lumabas na ko ng kwarto...nandun na yung bading na mag-aayos sakin...
Ayoko namang magmukha akong ewan don noh!! Pati nga sina Papa at MM bihis eh!! Tsk...
"Ay Cris!!Ganda ng dress mo girl!! Bagay sayo!!"-sabi nung bading
Umupo na ko at sinimulan niyang ayusan buhok ko...
"Oy bakla..ipusod mo bangs ko..nakakirita kasi..."-sabi ko
"Girl!! Wagna!! Mas maganda--"
"Ipupusod mo o libre tong paayos ko??"-banta ko
Aba!! Customer ako eh!! Dapat ako masusunod..wahahaha!!
"Haay!!Oo na!! Hindi mo pa ko bayaran eh..Girlalu na to sinasayang ang byuti!!"
Hindi na ko sumagot...dadaldal lang yan lalo eh!!
Matapos ang hairdo ko..minake-upan naman niya ko..tapos na din magbihis si MM kaso nasa loob lang siya ng kwarto...Haha!! May crush kasi yung bading sa kanya..Takot!!Wahahha
"Oy light lang make-up..."-sabi ko
"Hay naku teh!! Bakit hindi na lang ikaw ang mag-ayos sa sarili mo??"
"Kung marunong lang ako edi sana wala kang kikitain ngayong araw.."-asar ko
Wahahah...bading na to!!
BINABASA MO ANG
EXTRAORDINARY CONTEST
RomanceTatlong Babae..... Isang contest.... Isang panalo..... Isang lalaki..... Iba't iba sila ng personalidad....dahilan ng pagtanggap na sumali sa contest na ito....ISA lang ang SIGURADO..LAHAT sila, mababago ang BUHAY...anong contest ba ito? SINGING CON...