Maricris’ POV
Pagkalabas ko ng mansiyon nakita ko agad si Cente na hawak ang motor niya…. Aba lalayasan lang yata ko nito eh!
“Cente!”- tawag ko sa kanya at lumingon naman…. Ang sama ng tingin! Potek nakakatakot!
Sinenyasan niya kong lumapit sa kanya…. Binilisan ko naman ang lakad kahit kinakabahan ako... Kaya ko siguro nabasag yung plato kanina! Kasi may mangyayaring nakakatakot at the-evolution-of-Cente na nga yun!
Pinasakay niya ko sa motor niya.. sa mismong driver seat (LOL! Kotse?! HAHAHHA!) tapos umangkas siya sa likod ko… Antokwa!
“Drive...”- sabi lang niya
Ini-start ko na lang yung motor… ilaglag pa ko ni Cente eh!
“Saan tayo?”- tanong ko
“Clubhouse…”
Na disappoint ako kasi ang lapit lang pala nung pupuntahan....gusto ko talagang magamit tong motor ni Cente... Astig eh! Binagalan ko na lang ang pagpapatakbo para ma feel ko…Bwahah… Kung hindi lang nakakatakot si Cente ngayon, papapicture ako sa kanya habang nagdadrive ako… Wahahah!
Nakarating na kami at nauna siyang bumaba… Ayoko pang bumaba! Picture! Picture! +___+
“Wala ka bang balak bumaba?”- napangiwi ako sa boses ni Cente… ang taray eh! Tsk!
Kinapa ko bulsa ko… Naiwan ko cellphone ko! Argh!
“Hoy Cente dala mo ba cellphone mo?”- wala ng takot takot dito! Once in a lifetime ko lang maida-drive tong motor ni Cente… kelangan ng souvenir!
Kumunot yung noo niya…. “Oo.. bumaba ka na nga dyan!”
Hala potek badtrip talaga si Cente ngayon ah!
“Picturan mo nga muna ko! I bluetooth mo nalang sakin mamaya pagbalik ng mansiyon…Game game!”- lakas loob kong sabi saka nagpose ng paastig…Lintek ano naman kung badtrip siya ngayon?
Nilabas naman niya yung cellphone niya at pinicturan ako… Wahahah!
*click
*click
“Isa pa! Last na!”- hirit ko pa saka nag pogi pose
“Tss.. Tomboy talaga..”
*click
“Last na last na!!”- hirit ko na naman saka nag pose na tinuturo yung motor… bwahahha
*click
“Bumaba ka na nga! Tingin mo dyan sa motor ko.. artista?”- nayayamot na sabi ni Cente kaya bumaba na ko.. nanlalaki na yung mata eh! Hahaha….
Naupo siya sa may gilid ng mini pool at nilublob yung binti sa tubig…. Tumabi na lang ako sa kanya
“Ano to sawa ka na sa malaking pool sa mansiyon ninyo?”- seryoso ko lang na sabi kahit joke yon… ilaglag pa ko nito dito sa pool eh.. wala akong extrang damit…
“Ayoko muna dun… nakaka suffocate... I’ll just let my anger subside here…”
“So galit ka pala talaga…”
“Hindi halata?”- sarcastic niyang sagot… Antokwa katakot talaga tong si Cente! Daling mainis pag galit eh!
“Oo na oo na… Oh ano namang pag-uusapan natin? Wag kang mag-alala napatawad ko na si Nara.. hindi ako hihirit na ma disqualify siya sa contest tsaka nagselos lang naman pala siya eh ba’t mo naman kasi ako hinalikan…”- huli na nung napagtanto ko yung mga huling sinabi ko… Waaaa Henyong utak gumana ka! Nakatingin na sakin si Cente oh!
BINABASA MO ANG
EXTRAORDINARY CONTEST
RomanceTatlong Babae..... Isang contest.... Isang panalo..... Isang lalaki..... Iba't iba sila ng personalidad....dahilan ng pagtanggap na sumali sa contest na ito....ISA lang ang SIGURADO..LAHAT sila, mababago ang BUHAY...anong contest ba ito? SINGING CON...