PART 2: CHAPTER 10

3.8K 76 29
                                        

Khaiy's POV

Four years and five months later...

“Woah, talaga momma? Nawalan po kayo ng malay nung nalaman niyong puwede akong mamatay?” tanong ng anak kong si Khaira sa maliit nitong boses.

Sinusuklayan ko ang mahaba nitong buhok. “Yes, baby. Sobrang natakot ako noon, mabuti na lang at ang strong mo and ni Mommy.”

Mula sa harapan ng salamin ay umikot siya paharap sa akin. Tuwing makikita ko ang anak na si Khaira ay para lang akong nanalamin dahil kamukhang kamukha ko ito. Pati ang kulay ng mata ko ay nakuha niya rin.

Samantalang ang mga kapatid niyang si Khalid at Khalil ay parehong nagmana kay Isla. Kumpara lang sa mga kapatid niya ay medyo mas payat si Khaira at higit na sakitin.

“Strong ako, momma?" Tanong niya sa akin at iniangat pa ang braso niya.

“Yes, baby. Mana sa akin," proud na sabi ko. “Kiss nga mo nga ang momma,” lumapit ako sa kaniya.

“Mwa.” dumampi ang maliit niyang labi sa akin.

Sobrang saya naman ng aking puso. Ganito pala ang pakiramdam ng may mga anak, at magandang asawa, sobrang saya, walang kapantay na kasiyahan.

Sa nakalipas na mga taon matapos manganak ni Isla ay mas doble ang pag-aalaga ko sa kaniya at mga anak namin. Minabuti ko na rin na magwork from home na lang kesa ang iwan siya, at anak namin. Sa bahay na lang din ni Isla ginagawa ang mga trabaho niya para matutukan ang mga anak namin, lalo na si Khaira. Minsan lang ito bumisita sa firm niya at company ni Tito Isaizon.

Palagi din kasing nasa hospital si Khaira. Kahit naka survive si Khaira ay mahina naman ang puso nito, bagay na hanggang ngayon ay ikinakatakot pa rin namin ni Isla. Ngunit sa kabila nang lahat ay masaya ang pamilya namin.

“Momma, paglaki ko gusto ko maging astronaut." Sabi ni Khaira habang buhat buhat ko siya pababa sa hagdan.

Ngumiti ako sa anak. “Sure baby, papahelp tayo kay Tita Vel mo, mayaman iyon e,"

“Yehey!”

Hindi pa man kami tuluyang nakakarating sa ibaba ay narinig na agad akong mga umiiyak na bata. Dali dali akong bumaba habang buhat pa rin si Khaira.

Nakarating ako sa living room. Si Zamari at Zarina ay natatawang nanonood sa mga nagkakagulo na bata.

“Anong nangyari?” Tanong ko sa dalawang panganay ni Saji.

They both shrugged. “I don't know Tita, dumating kami umiiyak na sila." Si Zarina ang sumagot.

Si Khalid ang umiiyak, pinapatahan naman siya ni Khalil at saka ni Zsamuel. Si Zsaijan naman ay nagmemake face sa kaniya. Habang ang pinakabata naman na si Elin ay mukhang walang idea, at naguguluhan sa nangyayari.

“Baby, baba ka muna kausapin ko lang kuya mo.” Sabi ko kay Khaira at pinaupo muna ito sa couch. Lumapit ako kay Khalid.

“What happened?” tanong ko at pinunasan ang pisngi nito. Inayos ko rin ang bimpo sa likod.

Pulang pula ang mukha nito dahil sa iyak. “Si Zsaijan...” turo nito sa anak ni Saji na ngayon ay parang iiyak na rin.

Pinunasan ko  ulit ang luha sa pisngi niya. Manang mana sa mommy niya na namumula kapag iiyak.

“Bakit? Anong meron kay Zsaijan?" tanong ko.

Sumobsub si Khalid sa akin at umiyak lang nang umiyak, hindi na natuloy ang sumbong. Binalingan ko ang ibang bata. “Khalil what happened here? Bakit naiyak si Khalid?"

You Again, Professor  [GL• #2]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon