PART 2: CHAPTER 9

3.4K 73 13
                                        


Khaiy’s POV



Apat na buwan matapos kaming ma-engage ni Isla ay nagpakasal na rin agad kami. That was the happiest moment of my life. Hindi naging madali ang mahabang panahong ipinagkait sa amin ang isa’t isa. Aaminin ko, noon ay hindi ko talaga inisip na ikakasal ako sa kaniya.

The thought of it was gone long ago, but then...noong muli kaming nagkita, everything changed. My love for her didn't fade away,  I just simply denied and hide it.

Nasa isip ko kasi dati na kung hindi man ako ang magiging asawa niya, habang buhay na lang siguro akong magiging matandang dalaga. Although, Vel was the best person for me, ayaw ko naman siyang gawing option. She doesn’t deserve that. Besides, masaya ako na nanatili kaming magkaibigan.

After two months of waiting, lumabas na rin ang resulta ng check-up ni Isla. We planned to have smaller versions of us, and thank God dahil sa wakas ay magkakaroon na kami ng sarili naming mga anak. Noong una, sinabi ko sa kaniya na ako ang magdadala ng mga anak namin since she’s very busy and medyo risky iyon para sa kaniya. Pero sinabi niya na masyado raw akong lousy at careless—baka mapaano pa raw ako at ang mga anak namin. Mas mabuti na raw na siya ang mahirapan kesa sa akin.

Kaya pumayag akong siya ang magdala, dahil wala na rin akong nagawa nung mag-decide siya. But that became my biggest regret. Hindi ko kinakaya ang paglilihi niya. Minsan ay pinakukuha niya ako ng mga isda sa aquarium para ihawin, pero hindi niya naman 'yon kinakain. Naawa na lang ako sa mga alaga namin.

Minsan pa ay nasa labas kami at may dumaang nagbebenta ng taho. Inutusan niya akong agawin ang trabaho nung nagbebenta at nagsisigaw sa gitna ng kainitan, tuwang tuwa siyang panoorin ako habang nahihirapan.

Madalas din ay gustong gusto niya ang amoy ko na napaka baho, halos tatlong araw akong hindi naligo dahil iiyak siya kapag naligo ako. Sinusunod ko lahat ng gusto niya dahil para naman sa anak namin iyon, at hinahabaan ko na lang din ang pasensya ko sa aking mahal na asawa.

Pero kaninang umaga habang nag-aayos ako ng mga lumang gamit ay may nahulog mula sa old files ko, it was a picture of me and my law school classmates, I don't even remember their names anymore, pero nag-selos si Isla...inaway niya ako at bigla na lang din niya na gusto akong hiwalayan.

Pinakuha niya sa mga kasama namin sa bahay ang mga damit ko at tinapon niya sa labas. Sa takot ko ay lahat ng aking kaibigan ay tinawagan ko to ask for some help, si Saji pa lang ngayon ang mabilis na dumating at nadatnan ako sa labas ng bahay namin.

“Saji…” umiiyak kong sabi sa kaibigan ko, nung makalabas ito sa sasakyan.

Nagmamadali naman siyang lumapit sa akin, kasama ang isa sa mga anak nila ni Ma’am Fernandez. Hawak niya ito sa kanang kamay, na nag-bless sa akin. Nagtataka rin tuloy ang bata kung bakit ako umiiyak. Siguro nasa lima o anim na taon na rin ito.

“Hey, what happened?” malumanay niyang tanong sa akin. “You look awful,” dagdag pa niya.

Pinawi ko ang luha sa pisngi. “Si Isla...”

Tumawa si Saji. “Pinaglilihian ka ulit?”

Lumapit sa akin ang anak ni Saji at yumakap sa aking binti. “Tita, who hurt you? Stop crying na po...” sabi niya sa matinis na boses.

“Ano ba kasing nangyari?” muling tanong ni Saji sa akin. Napansin niya ang luggages ko na nasa labas. “Teka? Nag-away ba kayo!”

I nodded while still sobbing. “Pinapalayas niya ako, tinitingnan niya kasi 'yung pictures ko nung nag-aaral me sa Spain...”

You Again, Professor  [GL• #2]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon