Luan Ken Saavedra
Special POV
Masayang nag-iinuman ang ilan sa mga dating kaklase namin nina Saji habang naglalaro ng truth or dare, including Nicole. Nakisali rin ang ilan sa mga dating professor namin—sina Ma’am Sam, Ma’am Venison, at Ma’am Salvacion. Si Ma’am Castro, na pinakamatanda sa kanila, ay tahimik lang sa gilid, nakaupo at nagmamasid sa amin na parang nanonood ng isang palabas na matagal na niyang kilala ang kuwento, o baka hindi na siya makarelate kasi matanda na siya?
It feels surreal, honestly. Hindi ko akalain na aabot kami sa puntong ganito na after all these years, buo pa rin ang samahan namin, at kasama pa namin ang mga dati naming professor na ngayon ay parang kaibigan na rin. May konting alak, maraming tawanan, at mas maraming alaala ang binabalikan sa nakalipas na mga taon.
Si Chan naman sa kabilang banda ay napagkaisahan namin na umalis para sunduin si Ma’am Lopez. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ideyang ‘yon. Deep inside, masaya ako para sa kanila. Maybe this time, magkakaroon na sila ng second chance, isang pagkakataong matagal na nilang parehong hinihintay.
Noong nakaraang buwan, aksidente kong narinig ang pag-uusap nila ni Ma’am Lopez sa ilalim ng punong narra. It wasn’t intentional, talagang napadaan lang ako dahil nagCR ako pero rinig ko ang lahat. Doon ko mas lalong naintindihan kung gaano kabigat ang lahat para sa kanila.
Naawa ako para sa kanila, gusto ko man damayan si Chan noon pero umalis din agad kasi ito ng bansa. Parang politician na biglang nag-abroad dahil sa corruption issues, hayst.
Kaibigan ko si Chan. Kilala ko siya, dahil kay Saji na kababata ko naman, alam ko kung paano siya magmahal at kung paano siya masaktan. Dahil halos pareho sila ni Saji ng dinanas sa pag-ibig.
Kaya naiintindihan ko kung bakit gano’n ang mga naging desisyon ni Chan sa buhay. Bukod doon… minsan ko na rin siyang minahal. Tahimik lang, walang inaasahang kapalit. I didn't even have the chance to confess, kasi nonsense naman 'yon if magkataon. Alam ko kasing hanggang doon lang...hanggang pagkakaibigan. And that’s okay. Wala akong sama ng loob. She doesn’t need my feelings in her life, what she needs is a friend, not a lover.
Napalingon ako kay Nicole nang mapansing nasa harap ko na siya. Lumipat siya sa puwesto ni Chan matapos itong umalis. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin, parang may binabalak na kalokohan.
“Hey, it’s your turn!” sigaw niya sabay hampas sa braso ko.
Napataas ang kilay ko bago ko sinulyapan ang bote sa gitna ng mesa.
“Huh?” napakamot ako sa batok, litong-lito.
“Lutang ka ba? O lasing na?” pang-aasar ni Quel, sabay tawa.
“Si Cruzette nga bagsak na!” saad ni Matthew.
Umiling ako sa sinabi ni Quel. “Both?” sagot ko, then chuckles. Kinuha ko ang isang beer in cans.
“Ano na? Truth or dare?” tanong ni Matthew, seryoso kunwari.
“Truth,” mabilis kong sagot kahit alam kong delikado ang choice na ‘yon.
“Zette, gising!” rinig kong sabi ni Matthew sa aking pinsan, ngunit mahimbing na ang tulog nito.
Tumawa ang iba. “Sure ka ba, hijo?” tanong ni Ma’am Sam sa akin. Medyo nakakabata naman ang tawag niyang hijo, eh halos nasa late thirties lang din naman siya, at ako nga nasa early thirties pa. Pero since hindi ko naman crush si Ma’am, okay lang, hindi naman awkward.
“Okay, one down!” tumawa si Quel at tinuro pa si Cruzette.
Ako naman ay hindi na lang pinansin 'yon dahil naguguluhan ako at ang daming nagsasalita.
BINABASA MO ANG
You Again, Professor [GL• #2]
Romance[English/Tagalog] A story of Khaiy Chanty Azilerra Sanchez, a jolly and outgoing person, meeting her stern and cold professor in the most unexpected and embarrassing way, where everything started. #2
![You Again, Professor [GL• #2]](https://img.wattpad.com/cover/349270568-64-k400270.jpg)