Chapter 11

76.6K 1.5K 91
                                    

Chapter Eleven

"Javier, I'm wet." Bulong ni Hazel.

Nahinto sa pagkakabit ng seatbelt si Javier at agad siyang nilingon. Nagulat siya nang makita ang namimilog nitong mata at ilang sandali siyang hindi nakakibo. Nang bumaba ang tingin nito sa katawan niya ay natawa siya.

"Goodness, Javier! Not that kind of wet. Ang dumi ng isip mo. I mean, basa ako. Mababasa 'tong sasakyan mo."

Tumikhim ito at may kinuha sa likod ng sasakyan tsaka iniabot sa kanya ang isang backpack. Nang bungkalin niya ang laman ay tumaas ang kilay niya nang makitang tila overnight bag iyon ng binata.

Sinulyapan niya ito at pinanliitan ng mata. "Ano nga palang ginagawa mo dito sa Maynila?"

Nagkibit ito ng balikat. "Wala. May imi-meet lang akong kliyente at... shit!" Agad nitong kinuha ang cellphone at muling napamura. "I'll just make a call. Dito ka na magpalit na ng damit. My car is tinted." Pagkasabi ay lumabas na ito ng sasakyan at isinara ang pinto. Nakatalikod ito at nakasandal sa kotse habang may kinakausap sa tawag.

Binuksan niya ang backpack at inusisa ang laman: dalawang tshirt, isang jeans at dalawang brief. Bigla ay bumalik ang isip niya nung umagang nagising siya sa tabi nito. Napalunok siya sa naalala. Maigi na lang at nakaboxers ito noon sa halip na kapirasong brief lang. Pinamulahan siya ng mukha at agad na sinaway ang sarili. She had no business imagining him wearing a brief. Hindi naman talaga niya ito asawa.

Kinuha niya ang itim nitong tshirt at ibinalik na ang backpack sa likod. Sinulyapan niya si Javier sa labas at nang makitang nakatalikod pa rin ito ay agad na niyang hinubad ang coat at ang suot na blouse 'tsaka niya isinuot ang tshirt ni Javier. Malaki iyon sa kanya ng 'di hamak at sigurado si Hazel na aabot iyon hanggang sa tuhod niya pero pwede na rin.

Nang masiguradong disente na ay bahagya niyang ibinaba ang bintana. Rinig niya pa na may kausap si Javier pero nang matapos ay inabot niya ang pinto sa driver seat at pinagbuksan na ito.

"May lalakarin ka pa ba?" Tanong niya ng makapasok ito.

"Wala na. He cancelled. May emergency operation daw itong gagawin." Sinulyapan siya ni Javier at saglit nitong pinasadahan ang suot niya bago sumilay ang ngiti sa labi. "Bagay sayo ang tshirt ko."

Inirapan niya lang ito, kunwari ay hindi siya kinilig kahit pa parang may naglalangoy sa sikmura niya.

"Doktor dito ang kliyente mo?" Usisa niya.

"He's my colleague's client. Sinalo ko lang." Pinaandar na nito ang sasakyan at dahan-dahang minaniobra palabas ng parking ng ospital.

"At bakit mo naman sinalo?"

"'Cause I need to talk to someone." Saglit siyang sinulyapan nito 'tsaka muling itinuon ang atensyon sa daan. "May isang babae kasing nag-aya ng kasal pagkatapos basta na lang akong iniwanan pagkatapos akong pakinabangan."

Matatawa sana siya kung hindi lang ito masyadong seryoso. Hindi tuloy alam ni Hazel kung anong magiging reaksyon. Matutuwa ba siya na sinundan siya nito para kausapin o dapat siyang kabahan dahil baka wala talagang bisa ang kasal nila.

Nagbaba siya ng tingin. "Sorry. I didn't mean to..."

"You didn't mean what? Na magpakasal sakin o iwanan ako?"

Kinagat niya ang labi at napapikit. Damn! Hindi niya rin alam. Magsisinungaling lang siya kapag sinabi niyang nagsisisi siya na nagpakasal sila.

"I don't know. Ang bilis lang kasi ng nangyari and I guess... I just want to give you more time to think about this. About us."

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon