Chapter One
Bumuntong-hininga si Hazel at muling sinulyapan ang suot na relo. Napaungol siya nang makitang pasado alas-syete na at tiyak na makaka tikim na siya nang mahaba habang litanya mula kay Pamela dahil mahigit isang oras na siyang late para sa Medical Mission nila dito sa San Juan. Six ang call time nila at seven ang simula. Masyado pa namang strikto sa oras ang head ng Orthopedic Department nila kaya malamang sa malamang ay nanggagalaiti na 'yon kahihintay sa kanya.
Ipinikit niya ang mata at inilapat ang noo sa manibela. Ano bang magagawa niya? Wala namang maitutulong kung iisipin niya ang galit ni Pamela.
Naipit siya sa traffic kanina at ngayon ay tumirik naman ang sasakyan. 'Yon ang rason at kung maghuhurumentado pa rin ito ay wala na siyang magagawa.
Muli niyang sinulyapan ang cellphone. Kung bakit naman kasi kung kailan niya kailangan ay 'tsaka naman nagkaproblema ang signal niya. May load naman siya pero kanina pa ayaw magsend ng text niya, pati tawag ay ayaw ring pumasok.
"My God, Betty!" Inalis niya ang suot na seatbelt 'tsaka siya bumaba ng sasakyan. Ayaw sana niyang lumabas ng kotse dahil ayaw niyang pagpawisan pero ganun na rin naman ang mangyayari kung magtatagal siya sa loob.
Trenta minutos na yata ang lumipas ng tumirik ang sasakyan niya rito pero wala pa ring ibang sasakyan ang dumadaan. Pinasadahan niya ng tingin ang paligid. Napailing na lang siya nang makitang panay palayan ang natatanaw niya.
"Betty naman kasi!" Tinuktok niya ang hood ng kotse. "Pasalamat ka mataas ang sentimental value mo kung hindi matagal na kitang pinalitan."
Hinubad niya ang suot na coat at inilatag iyon sa hood ng kotse tsaka siya sumampa at naupo. Pasalamat na lang siya at hindi pa masyadong tirik ang araw.
Inalis niya ang suot na sumbrero at ginulo ang buhok. Umihip ang malakas na hangin at agad siyang napangiti. Ah! Kailan ba nung huli siyang nakalanghap ng sariwa at malamig na hangin. Ewan niya sa iba pero pakiramdam niya kasi ay mainit at malagkit ang hangin sa Maynila.
She leaned back, propped herself on her elbow and stared at the blue sky. Hindi niya na tuloy alam kung blessing ba na tumirik si Betty dito o karma?
Baka karma niya 'to sa ginawa kagabi.
Biglang sumagi sa kanyang isip ang mukha ni Yvan nang iwanan nyang nakaluhod ito sa isang mamahaling restaurant habang may hawak itong kahon ng mamahalin ding singsing.
Nakilala niya si Yvan last month sa isang seminar para sa Osteoporosis Awareness Month at kagaya nya, ay isa ring orthopedic surgeon si Yvan at kabilang sa pamilya ng mga kilalang doktor sa Pilipinas. Inaya siya nitong lumabas at dahil wala namang masama ay pumayag siya. Halos dalawang linggo pa lang silang lumalabas, ni hindi pa nga araw-araw, kaya naman ang sabihing nabigla siya ng mag-propose ito ng kasal kagabi, ay kulang para ipaliwanag ang naramdaman niya.
Matanda na raw sila para magpaligoy-ligoy pa. Diyos ko naman! Beinte-syete pa lang siya at sa totoo lang ay wala pa sa isip niya ang mga ganung bagay. Ni wala pa nga silang label. Ano 'yon? Walang label pero gustong mag-next level?
Inaasahan ba nito na dahil lumuhod ito sa harapan ng maraming tao at may hawak na mamahaling singsing ay tatanggapin na niya ang alok nito? Kesehodang mag-viral pa siya sa Facebook dahil sa pagwalk-out niya ay wala siyang pakialam. You can't just do that to a girl. Maling-mali 'yon.
Hindi naman sa nagmamalinis siya. Alam niyang kaya ito nagpropose ng gano'n na lang ay dahil nabalitaan na nito ang reputasyon niya. Kilala siya bilang playgirl. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng boyfriend kaysa magpalit ng edad. Hindi man niya itinatanggi ang mga chismis patungkol sa kanya pero hindi ibig sabihin na totoo lahat 'yon.
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomantikHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...