Chapter Thirty-Six
Nang magising si Hazel ay wala na sa tabi niya si Javier at wala na rin sa crib si Eunice. Rinig na rinig naman niya ang masayang sigawan at tawanan ng mga bata sa labas. Napapangiting bumangon siya at dumiretso sa banyo. Matapos mag-ayos ng sarili ay tsaka siya dumiretso sa labas.
Agad na nahanap ng mata niya si Javier. Nakatalikod ito at nakaupo sa silya sa garden habang karga si Eunice at hawak ang bote ng gatas. Tahimik na lumapit siya sa mga ito.
"Aba, good girl naman ang baby Eunice namin. Nakaubos ng milk." Papuri Javier habang parang batang nakikipag-usap kay Eunice. "Matutuwa si nanay kasi wala ka ng lagnat."
"Agi!" Sagot naman ni Eunice dahilan para tumawa si Javier.
Napapangiting naupo siya sa tabi ng asawa.
"Good morning, hon." Bati niya sa asawa tsaka binalingan si Eunice. "Good morning, my little princess."
Inabot naman ni Eunice ang kamay niya at nagkakawag. Napapangiting inilipat naman ni Javier sa bisig niya ang maligalig na bata.
"Good morning, hon." Bati nito tsaka siya dinampian ng halik sa sintido. "Nagpapaaraw lang kami. Maganda raw para kay Eunice ang sikat ng araw sa umaga sabi ni Miss Annie. May mga bisitang dumating kaya nagprisinta na kong mag-alaga kay Eunice. Nakatulog ka ba ng ayos?"
Tumango siya. "Mmm. I slept well." Ngayong wala na siyang inililihim sa asawa ay mas gumaan na ang pakiramdam niya.
"Naisip ko lang hon," Inakbayan siya ni Javier habang ang isang kamay ay inilagay nito sa puson niya at humimas. "Ilang anak ang gusto mo?"
Natawa siya at sinulyapan ang asawa. "Bakit? Ilan ba ang gusto mo?"
Pilyo itong ngumiti. "Mga lima. Meron na tayong dalawa kaya tatlo na lang."
Natatawang umiling siya. "Parang ikaw ang manganganak ah."
Ngumuso ito. "Walo nga ang gusto ko eh."
Humagalpak siya ng tawa. "Walo?!" Umiling siya. Hindi niya kaya ang walo.
"Agi!" Sabat naman ni Eunice, dahilan para tumawa si Javier.
"See. Pati si Eunice sang-ayon." Binalingan nito ang bata. "Diba 'no? Gusto mo ng maraming kapatid?"
Ilang sandali pa silang nagkulitan tsaka sila pumasok sa loob bago pa man uminit ang dampi ng sikat ng araw. Nang makapasok ay sakto namang lumabas ng opisina si Miss Annie kasunod ang tatlong bisita nito. Nang makaalis ang mga ito ay ipinasa niya si Eunice kay Javier tsaka nilapitan ang ginang.
"Sino po 'yon?" Tanong niya habang tinatanaw ang papaalis na sasakyan.
"Mga tiga-DSWD. May ampunan daw sa Cavite na magsasara kaya hinahanapan nila ng bagong ampunan ang mga bata roon. Ang sabi ko eh lima lang ang kaya kong tanggapin."
Napahawak siya sa leeg. "Bakit daw po magsasara?"
"Kulang na sa funds tsaka wala na ring sponsors."
Napabuntong-hininga siya. "Saan daw po sa Cavite?" Tanong niya.
"DYAN NA YATA SA pulang gate, hon."
Kinabig naman ni Javier ang sasakyan at agad na itinabi sa gilid ng kalsada. Nang bumaba ay magkahawak kamay na nilapitan nila ang gate. Tahimik na tahimik ang lugar.
"Wala yatang tao." Bulong ni Javier.
Kinagat niya ang labi. Ang sabi ni Miss Annie ay tinawagan na nito ang DSWD at sinabi nga na na pupunta. Bakit kaya walang tao.

BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
Storie d'amoreHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...