Chapter 31

59.6K 1K 86
                                    

Chapter Thirty-One

Napabalikwas ng bangon si Javier nang tumunog ang kanyang message alert. Halos dambahin niya ang cellphone makuha lang. Nang makitang asawa nga niya ang nagtext ay agad siyang nakahinga nang maluwag.

Hon: We just got here. Dito na ko magpapalipas ng gabi.

Napabuga siya ng hangin. Bigla ay parang gusto niyang bumiyahe papunta ng Manila. Kung wala lang siyang importanteng meeting bukas ay kanina pa siya nakasunod sa asawa. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya makakatulog ngayon sa dami nang nangyari.

Agad siyang nagtipa ng sagot.

Pwede ba 'kong tumawag?

Hinintay niya ang reply ng asawa pero nagulat siya nang ito na mismo ang tumawag.

"Hon." Bungad niya. "Kumusta si mommy Lucille?"

"She's..." bumuntong-hininga ito, "still not okay."

Napangiwi siya. "It'll take a lot of time, Hon. Twenty years niyang kinimkim ang nararamdam."

Nahiga siya at itinakip ang braso sa mata. Joey is so wrong to asked Lucille to just move on. Para bang bigla nitong inalis ang mga band-aid na tanging bumubuo sa puso ng dating asawa. Nasasaktan siya para kay Hazel. He had another glimpse of how she lived her life. An absent father and a mother who put the blame on her. Pakiramdam niya ay malaki ang kasalanan nila dahil sa kanila ibinuhos ni Joey ang atensyon.

Galit siya sa sariling ama dahil iniwan sila nito. 'Yon pala ay may iniwan din si Joey para sa kanila.

What goes around really comes around.

"We'll be fine, right?" Tila nagdadalawang-isip na tanong ni Hazel.

Agad naman siyang naupo at sumandal sa headboard.

"We'll be fine, Hon. Hindi magiging madali para sa ating dalawa... but let's give it more time. You can be a good daughter to your mom while being married to me. Hindi mo kailangang mamili. Pero kung... kung kailangan mong pumili then choose your mom."

"P-paano tayong dalawa?"

Ngumiti siya. "I'll be the one choosing you. I'll always choose us. I won't justify what Joey did to your mom but I'll never make the same mistake that he did. Palagi kitang pipiliin, Hazel Joy. Ikaw lang."

Ilang sandali itong hindi kumibo pero nang magsalita ay mas matatag na ang boses nito. "Thank you, Hon."

Lalong lumawak ang ngiti niya. "I miss you."

"I miss you too." Sagot nito.

"Anong suot mo ngayon, hmm?" Pilyo ang ngiting tanong niya.

Humagikhik naman ito. "Wala."

Namilog ang mata niya. "Wala? As in... wala?"

"Wala."

Agad siyang umayos ng higa. "Quickie?"

Malakas ang naging tawa nito. "Sira ulo."

Ngumuso siya. "Ayaw mo?"

"Syempre gusto."

Pareho silang tawa ng tawa sa halip na magseryoso. Nag-usap lang sila ng nag-usap hanggang sa makatulog na ang asawa niya.

Akala niya ay magiging madali lang ang lahat pero lumipas ang dalawang araw ay hindi pa rin ito umuuwi. Tumatawag naman ito pero hindi sapat 'yon kay Javier. Hindi na siya sanay nang wala sa tabi niya ang asawa. Gusto niyang lumuwas ng Maynila pero ang dami niyang ginagawa sa opisina at hindi naman siya pwedeng basta umalis.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon