Chapter 2

94.8K 1.6K 45
                                    

Chapter Two

Hindi alam ni Hazel kung talaga bang minalas siya o sinuwerte. Sino bang mag-aakala na makikita niya agad si Javier kahit na hindi siya mag-effort?

At ngayong nakita niya ito ay para bang nasatisfy ang dalawang buwan niyang cravings. Ni hindi nga niya alam na nag-Javier cravings pala siya hanggang sa masilayan niya ang gwapo nitong mukha. Akala pa nga niya ay nananaginip siya pero mabuti na lang at hindi.

"So you're a doctor." Tanong nito habang bumibyahe sila.

Lihim siyang napangiti. Oy, interesado. Gusto sana niyang lokohin ito but she knows he's just being polite. Awkward naman kung hindi sila mag-uusap.

"Yeah. Orthopedic surgeon."

Nilingon siya nito. "Wow! Bigtime ka pala."

"Hindi naman. Galing lang sa pamilya ng mga doktor kaya heto nauwi rin sa pagdodoktor."

"Ano pala ang gusto mo kung hindi ka nag-doktor?"

Napakurap siya at natigilan. Wala pang nagtanong sa kanya n'on kaya hindi rin tuloy niya alam kung anong isasagot. Ano nga ba? Hindi niya rin alam. Mula ng magkamuwang siya, itinanim na ng mommy niya sa kanyang isip na magdodoktor siya kaya hindi na siya nangarap ng ibang bagay.

Sa halip na sumagot ay nagkibit na lang siya ng balikat. Bahagya niyang ipinihit ang katawan para humarap dito.

"How about you?"

Pasimple niyang pinasadahan ng tingin ang katawan nito. Kapag sinabi nitong isa ito sa mga double ni Captain America ay hindi siya magdududa. Pati mukha pasado bilang superhero. Sobrang gwapo. Tipong pang-matinee idol. Good boy na good boy ang image at nakikiliti ang inner she-devil niya.

"Lawyer. Pero sa ngayon nagtatrabaho ako bilang legal counsel ni Dominic sa business niya."

Nakiliti na ng tuluyan ang malandi niyang inner self. Gwapo na, matalino pa. Complete package na yata ang binata. Ano kaya ang kapintasan nito? Bumaba ang tingin niya sa pantalon nito pero agad rin niyang binawi. Napalunok siya at agad na pinagalitan ang sarili. Hindi siya ganung klase ng babae. Oo nga at ito ang tipo niya pero hindi pa nga siya sigurado kung committed na ba ito sa iba.

"Paano kayo nagkakilala ni Monique?" Tanong nito.

"Naging classmate ko siya sa isang minor subject. Palaging may dalang pagkain eh at babae lang naman ako. Marupok."

Tumawa ito at napangiti naman siya. Gustong-gusto niya ang tunog ng tawa ni Javier. Ang lakas maka gwapo. Habang tumatagal ay lalo tuloy siyang nagiging interesado dito. Iyon nga lang ay baka may girlfriend na ito tapos pinagpapantasyahan niya pa. Not good, Hazel. Pumapalya na yata siya. Dapat inaalam niya muna kung may masasasaktan ba bago siya lumandi.

At mukhang meron nga.

"Shit!" Bulong ni Javier nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na bahay. Tanaw niya ang isang babae na nakatayo sa may pinto at halatang inip na inip na sa paghihintay. If she's not mistaken that is the same girl from before.

Bigla siyang naalarma. Talaga nga yatang may karibal siya.

Agad na bumaba si Javier at pinuntahan ito. Humalukipkip siya at pinagmasdan ang dalawa. Halatang nawala ang galit ng dalaga dahil sumilay ang ngiti sa labi nito at aminado si Hazel na maganda ang babae. Umismid siya sa naisip. Wala pa nga siyang ginagawa, talo na agad.

Pumasok si Javier sa loob ng bahay habang naglakad na palapit sa sasakyan ang babae.
Kapwa sila nagkagulatan ng buksan nito ang pinto sa tapat niya. Napa-upo tuloy siya ng tuwid. Nagulat siya dahil akala niya ay alam na nitong nandun siya at halatang nagulat naman ito dahil mukhang hindi nito inaasahan na dun siya nakaupo. Nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanya. Gustuhin man niyang ilabas rin ang pangil ay pinili niyang 'wag na. Girlfriend ito at wala lang naman siya.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon