Chapter 18

64.4K 1.4K 75
                                    

Chapter Eighteen

Hazel felt numb. Tama ba siya nang narinig? Nanginginig ang kamay na binuklat pa niya ang album. Para siyang lumulutang sa bawat buklat. Her dad was in every picture. Nandoon ito sa bawat birthdays, Christmas at New Years. Gusto niyang matawa at umiyak ng sabay. Sa bawat okasyon na na-miss nito kasama siya ay nandito pala ito at may kasamang iba.

Humigpit ang hawak ni Hazel sa album nang makita ang isang litrato na unti-unting bumasag sa kanyang puso. It was Javier's college graduation day. Ngiting-ngiti ang dalawa habang nakaakbay si Javier sa daddy niya. She suddenly felt bitter. She graduated with Latin honor pero parehong wala ang magulang niya.

Nabitawan ni Hazel ang hawak na album dahilan para bumagsak iyon sa sahig.

"Hon, okay ka lang?"

"S-sorry." Nanginginig ang kamay na dinampot niya 'yon at inilagay sa mesa.

"Namumutla ka. Anong problema? May masakit ba sayo?" Lumuhod si Javier sa harapan niya at hinawakan ang kanyang mukha. "Alin ang masakit?"

Umiling lang siya at pinalis ang kamay nito. Hindi naman nagpatinag si Javier at mas lalo pa itong lumapit.

"What's wrong, anak?" Lumapit na si Helena sa kanila at maging si Camilla ay nakiusyoso na.

She suddenly felt claustrophobic. Gusto niyang umalis at lumayo sa mga ito para makahinga. She felt sick. Pakiramdam niya ay masusuka siya. Humawak siya sa braso ni Javier.

"C-comfort... room." Bulong niya. Awtomatiko namang kumilos si Javier at inalalayan siyang tumayo. Nang bumigay ang tuhod niya ay agad naman siyang kinarga ng asawa 'tsaka ito naglakad. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ni Javier habang pinipigilan ang sarili na umiyak.

"Hon, what's wrong?" Hinawakan ni Javier ang pisngi niya at bahagya siyang inilayo. Doon lang niya namalayan na nasa loob na pala sila ng banyo. Nakaupo si Javier sa sahig habang kalong-kalong siya nito.

Nang tingnan niya ang mukha ng asawa ay doon na bumuhos ang luha niya. Sa isang iglap ay biglang naging imposible na makasama niya si Javier. Paano pa sila bubuo ng pamilya? Kumplikado na nga ang buhay nila mas lalo pang naging komplikado ngayon.

"It's okay, hon." Hinaplos-haplos ni Javier ang likod niya habang hinahalikan ang kanyang ulo. "Magiging maayos rin ang lahat." Pag-aalo nito.

Tumango siya. Gusto niyang maniwala na magiging maayos din ang lahat. Na kakayanin nila 'to. Mahigpit siyang niyakap ni Javier habang panay ang haplos nito sa kanyang likod at hinahalikan ang kanyang ulo.

Hindi na namalayan ni Hazel na nakatulog na pala siya habang kalong ni Javier. Nang magising ay nakahiga na siya sa kama.

"... okay lang si Hazel, 'ma. Napagod lang siguro." Narinig niyang sabi ni Javier mula sa labas ng silid.

Iginala niya ang tingin sa paligid at nagulat nang makitang nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Ganoong katagal siya nakatulog?

Umupo siya at pinasadahan ng tingin ang kwarto. Sa ayos ng silid ay nahuhulaan na niyang kwarto ito ni Javier noong dito pa nakatira. Malaki ang silid at nahahati sa dalawang parte. Isang living area; na may sofa, isang coffee table, malaking flat screen TV at isang rack na punong-puno nang mga laruang sasakyan at robot. Ang kalahati naman ay ang sleeping area; kama, closet sa kaliwang sulok, side table, isang gitara na nakapatong sa isang silya, at puro painting na nakasabit sa dingding.

Nangunot ang noo niya nang makita ang isang painting. Siya ba ang painting na 'yun? Maamos ang bata pero malawak ang ngiti nito habang may hawak na ice cream sa kamay.

"Dito na kayo magpalipas ng gabi. Dalhan mo na lang ng pagkain ang asawa mo. Teka at aayusin ko." Paalam ni Helena bago niya narinig ang yabag nito paalis

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon