Chapter Ten
Nanginginig ang kamay na binuksan ni Hazel ang pinto ng kwartong iisang beses pa lang niyang napasok. Bumungad sa kanya ang isang bakanteng hospital bed sa gitna ng silid.
Wala na ang dating pasyente nakaratay doon ng dalawang buwan. Wala na ang mga makina na nagsasabi sa kanya na tumitibok pa ang puso nito sa tuwing humihinto siya sa tapat ng pintong ito. Wala na ang lahat at mas masakit palang makita na bakante na ang kwartong ito.
Humakbang siya papasok at isinara ang pinto. Mabibigat ang bawat hakbang na nilapitan niya ang kama at hinawakan ang dulo ng puting kutson. Gusto niyang umiyak para sa buhay na nawala. Gusto niyang umiyak para sa mag-inang pinaghiwalay ng masakit na pangyayari. Pero nailuha na yata niya ang lahat ng luha dahil kahit masakit pa rin ay wala ng tumutulo sa mata niya.
"... kadarating lang raw mula sa medical mission kahapon." Napatayo si Hazel ng tuwid at nilingon ang pinto. Base sa boses at yabag ng mga paa ay alam niyang nasa labas ang mga ito.
Mabilis ang bawat hakbang na nagpunta siya sa banyo at tahimik na sumandal sa pinto. Sakto lang dahil pumasok nga ang mga ito sa silid.
"Oo. Nakita ko nga kanina. Nakasabay ko sa elevator. Alam mo ba? Parang hindi man lang yata siya apektado na namatay na ang pasyenteng nabangga niya. Nakikipagngitian pa nga kay Doc Kevin." Sabi ng isa.
Napapikit siya nang maalalang ang ginawa ng mommy niya. Siya ang una nitong tinawagan nang mangyari ang aksidente sa halip na tumawag sa ospital o sa pulis. Nang dumating siya sa pinangyarihan ay halos hindi siya makahakbang nang makita ang duguang babae na ni hindi man lang yata sinilip ng mommy niya. Agad siyang tumawag ng ambulansya habang nilalapatan ng paunang lunas ang babae. Ni hindi tuloy niya namalayang umalis ang mommy niya.
Siya ang unang kinausap ng mga pulis at sinabi lang niya sa mga ito ang totoo. Her mom was livid. Inaresto ito ng mga pulis pero dahil sa dami ng koneksyon ng mommy niya ay ni hindi man lang nagkaroon ng imbestigasyon. Ni hindi nga lumabas sa balita ang nangyari. Kumalat tuloy sa ospital na siya ang nakabangga rito.
"Naninibago ka pa ba? Playgirl nga 'yon remember? Kahit siguro magunaw ang mundo makikipaglandian pa rin 'yon sa kahit kaninong lalaki."
Ikinuyom ni Hazel ang kamao. This is too much. Alam niyang pinag-uusapan siya sa buong ospital pero heto ang unang beses na narinig niya mismo ang mga chismis tungkol sa kanya.
"Pero nakakaawa talaga 'yung bata ano? Naulila na. Wala yatang plano ang babaeng 'yon na magbigay man lang ng suporta. Kung ako 'yon ay aampunin ko na ang bata."
Lalong ibinaon ni Hazel ang kuko sa palad.
"Naku, eh ni hindi nga niya nagawang bisitahin miski isang beses yung nanay nung bata.. I mean, nung araw pagkatapos ng C-section, 'yun lang yata yung time na pumasok siya dito. Wala yata talagang kunsensya. Ewan ko nga ba bakit may lisensya pa 'yon hanggang ngayon."
"Naaawa ako sa kanya. Palagay ko tatanda na siyang mag-isa. Kasi sino pang magmamahal sa kanya eh ni wala ngang puso 'yon."
Tiningnan niya ang suot na singsing at pinaikot iyon. Talaga bang walang magmamahal sa kanya? Hindi ba siya kayang mahalin ni Javier. Pero ano pa bang inaasahan niya? Na maghihintay ito kahit na iniwanan na niya? Baka nga sa mga oras na 'to ay itinapon na ni Javier ang singsing na suot.
Napabuntong-hininga siya. Sayang naman. Ang ganda pa naman ng apeyido nito. Bagay sa pangalan niya.
Hazel Joy Monmontegrahande.
Napangiti siya ng wala sa oras. Hindi niya alam kung bakit napapangiti siya sa tuwing naiisip si Javier.
"Alam mo ba, narinig ko pa..."
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomanceHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...