Chapter 3

86K 1.5K 92
                                    

Chapter Three

"Oh kaninong sasakyan 'yan?" Bungad ni Robert kay Javier pagkababa pa lang niya sa tow truck na sumundo sa kanya at sa kotse ni Hazel. Tinapik muna niya sa balikat ang binatilyong nagmaneho ng truck at nagpasalamat bago niya binalingan ang kaibigan.

"Sa kaibigan ko." Sagot niya at tinapik sa braso si Robert.

"Kay Colline?" Nakangising tanong nito bago lumigoy sa likod ng truck para tingnan ang kotse.

"Hindi."

Agad siyang nilingon ni Robert. "Bakit ganyan ang ngiti mo kung hindi 'to kay Colline? Eh 'yang..." isinenyas nito ang mukha niya. "ganyang ekspresyon ay para lang kay Colline. Kanino pala 'to?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Anong pinagsasabi mo?"

"You know what I mean, bro." Kinalas nito ang clamp na nakakabit sa kotse 'tsaka nito binuksan ang hood. "Para kay Colline lang naman 'yang ganyang mga mata. 'Yung kaibigan ang tawag pero mahal pala."

"Gago!" Natatawang sinuntok niya sa balikat ang kaibigan pero hindi kinastigo ang sinabi nito. Hindi naman kasi lingid sa mga tropa ang nararamdaman niya para kay Colline. Kababata niya si Colline dahil anak ito ng isa sa mga kasambahay nila. Katorse pa lang sila nang mamatay ang nanay ni Colline at mula nga noon ay ipinangako na ni Javier na aalagaan niya ang dalaga. Hindi na lang niya maalala kung kailan nagsimulang mag-iba ang nararamdaman niya para sa kababata. Ayaw lang niyang masira ang pagkakaibigan nila kaya hindi siya nagkalakas ng loob na sabihing gusto niya ito.

"Luma na ang baterya. Palitin na rin halos lahat ng makina. 'Tang na yung ganitong model ng engine eh talagang luma na. More or less twenty years  na."

"Twenty. Kaya bang magawa ngayon?"

"Kaya naman. Papalitan lang ng baterya. Walang pang fifteen minutes. Kanino ba 'to?"

Nagkibit siya ng balikat at piniling 'wag ng sagutin ang kaibigan. Ayaw na niyang bigyan pa ng pag-uusapan ang tropa niya. Bibigyan pa ng mga ito ng ibang kulay ang tungkol kay Hazel. Wala naman talaga siyang nararamdaman sa dalaga bukod sa paghanga. Iba kasi ito sa mga dalagang nakagawian niya dito sa probinsya. Halata kasing hindi ito nagbibitaw ng salitang hindi nito pinag-iisipan. Napansin rin niya na simple lang ang dalaga pero liberated. Hindi nahihiya sa kilos at walang pakialam sa sasabihin ng iba.

She was a breath of fresh air. Attracted siya dito, yes, pero hindi ibig sabihin n'on na popormahan na niya ang babae. Aminado si Javier na nagkaroon siya ng flings, pero binatilyo pa siya n'on at libido ang pinairal. Nang mapansin niyang nag-iiba ang damdamin niya kay Colline ay natakot siya. Ayaw niyang masira ang kung anumang meron sila kaya sa iba siya naghanap ng pansin. Pero matagal na 'yon at pagkatapos n'on ay hindi na ulit siya lumingon sa iba. He stayed loyal to the girl his heart desires but scared to lose. Ngayon lang at alam niyang wala namang ibig sabihin 'yon.

"Kung sinuman ang babaeng 'yan..." nilingon siya ni Robert, "gusto kong makilala ng personal."

"What makes you think na babae ang may-ari ng kotseng 'yan?"

"'Tang'na kung hindi babae eh nagkakalokohan na tayo dito. Hindi pa kita nakitang ganyan nang hindi si Colline ang pinag-uusapan. Ano? Masyado ka na bang tigang kahihintay kay Colline at kahit sino na lang pwede?"

"Siraulo." Natatawang dinampot niya ang maruming gloves na nakita at ibinato iyon sa mukha ng kaibigan. Tumawa lang si Robert at binalikan na ang ginagawa.

Naiiling na dumiretso na lang siya sa isang sulok na nagsisilbing lobby ng talyer. Dumampot siya ng magazine at binuksan iyon. Nahigit niya ang hininga nang tumambad sa kanya ang modelong pula rin ang buhok. Muli tuloy bumalik sa isip niya si Hazel. Ano ba talagang meron sa babaeng 'to at hindi ito mawala sa isip niya? Isinara niya ang magazine, ibinalik iyon sa mesa 'tsaka siya sumandal at ipinikit ang mata.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon