Chapter 15

70.3K 1.6K 195
                                    

Chapter Fifteen

Pakiramdam ni Hazel ay pinagpapawisan siya ng malagkit. Kabadong kabado siya habang nagmamaneho papunta ng San Juan. Simula nang tumawag si Colline ay hindi na siya mapakali. Nawala lang ito sa isip niya ng kargahin si Eunice pero ngayon ay full force na naman ito sa pagtakbo sa kanyang utak.

She doesn't need to be a genius to know what she wants to talk about. Sigurado siyang tungkol ito kay Javier. Kung bakit ay hindi niya alam. As far as she knows, hindi niya inagaw si Javier. Wala namang relasyon ang dalawa nang pumasok siya sa buhay ng asawa. Hindi niya sinulot si Javier.

"Then why are you nervous?" Saway niya sa sarili. Naiinis siya dahil pakiramdam niya ay inagawan nga niya si Colline. Baka kung hindi siya nanghimasok ay nagkatuluyan na ang dalawa.

Nang maiparada niya ang sasakyan sa tapat ng coffee shop kung saan nakikipagkita si Colline ay dumoble pa ang kaba niya. Shit lang talaga! Nagbuga siya ng hangin 'tsaka hinugot ang susi sa ignition at bumaba na.

Pagkapasok pa lang niya sa loob ay natanawan na niya itong nakaupo sa pinakadulong mesa. Tila naramdaman nito ang titig niya dahil nag-angat ito ng tingin at tumayo nang makita siya. Kahit na inaatake ng kaba ay pinilit niyang 'wag ipahalata. She donned her confidence like an armor. Hindi siya magpapa-intimidate sa babaeng 'to.

Kaya lang ay para natibag ang lakas ng loob niya nang pasadahan siya ni Colline ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy siyang nagsisi na hindi niya muna siya nag-ayos. Inalala niya kung ano ang suot na damit. Puting sleeveless blouse, asul na skinny jeans, at puting rubber shoes na binili ni Javier. Nakalugay ang pula niyang buhok at walang kolerete ang kanyang mukha. Ang tanging nagpapalakas na lang ng loob niya ay ang suot niyang push up bra. At least hindi halatang maliit ang hinaharap niya.

Ni hindi nag-abala si Colline na mag-hi sa kanya at tahimik na naupo. Pakiramdam niya tuloy ay magdidiscuss lang sila ng resulta ng medical exam. Ganito kaya ang nararamdaman ng mga pasyente niya sa tuwing kakausapin ang mga ito tungkol sa resulta ng check-up?

Napalunok siya at naupo na rin.

Bakit ba pakiramdam niya ay siya ang kabit at kaharap niya ang asawa ni Javier?

Laking pasasalamat niya nang lumapit ang waiter. Umorder siya ng kape na para bang kulang pa ang kaba niya. Nakaalis at nakabalik na ang waiter ay kapwa pa rin sila tahimik; ang tanging tunog lang na naririnig ay ang ingay ng ibang customer sa paligid. Naiilang man ay hindi siya kumibo. Ito ang may sasabihin kaya dapat ito ang mauna.

"Nagpakasal na pala talaga kayo ni Carl." Simula nito. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang nakamata ito sa suot niyang singsing kaya hindi na siya nag-abalang itanggi ang totoo.

"Yes."

Tumango-tango si Colline. "Sinabi nga niya sakin."

Siya naman ang tumango at kahit na gusto niyang itanong kung kelan nito naka-usap si Javier ay pinigilan niya ang sarili.

"Hindi niya sinabi sakin kung bakit kayo nagpakasal at wala din naman akong karapatan na humingi ng paliwanag."

Kumuha ng tissue si Colline at itinupi-tupi iyon na para bang kailangan lang nitong gawing busy ang mga kamay. Tahimik na hinalo lang niya ang kape dahil wala naman siyang maisip na sabihin sa kaharap.

Si Colline muli ang nagsalita. "Alam mo naman siguro kung sino ako sa buhay ni Javier hindi ba?"

Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya. Iyon ba ang dahilan kung bakit gusto siyang makausap nito? Para ipamukha sa kanya na wala siyang laban sa pinagsamahan ng dalawa. Lumunok siya at kahit gusto niyang magtaas ng boses ay pinigilan niya ang sarili. Doktor siya at meron siyang delikadesa.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon