Chapter 37

62.5K 1.1K 79
                                    

Chapter Thirty-Seven

Mula nang mag-propose si Javier ng kasal isang linggo na ang nakararaan ay para bang hindi na mabura-bura ang ngiti sa labi ni Hazel. Walang paglagyan ang tuwa niya kapag nakikita ang suot na singsing. Hindi niya akalain na kahit may suot na siyang wedding ring ay makakatanggap pa rin siya ng engagement ring mula kay Javier.

But her happiness was short-lived. Dahil kung kailan akala niyang maayos na ang lahat ay tsaka naman sila nakatanggap ng balitang gumulo sa kanila.

"I'll drive, hon." Hinawakan ni Hazel ang braso ni Javier at inilahad ang isang kamay.

"Ako na, hon. Kaya ko naman." Protesta nito.

Umiling siya at kinuha na sa kamay nito ang susi tsaka siya sumakay. Wala naman itong nagawa kundi ang maupo passenger seat. Habang nagmamaneho ay panay ang sulyap niya sa asawa. Tahimik lang itong nakasandal at nakapikit. Pareho nilang inaasahan ang tawag na natanggap kanina mula sa ospital. Inatake raw sa puso ang tatay ni Javier. Bigla tuloy siyang nakonsensya. Sa dami nang nangyari ay nawala na sa isip niyang nakita niya ito sa ospital noong nakaraan.

Nang huminto sila sa stop light at inabot niya ang kamay ni Javier at pinisil.

"He's going to be fine, hon."

Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kanya. His eyes was void of emotion. Para bang hindi nito alam kung anong mararamdaman.

"I don't even know what to feel, hon."

Pinisil niya ang kamay nito. "Okay lang na mag-alala ka, hon. He's still your dad. Hindi man siya naging parte ng buhay mo pero parte siya ng pagkatao mo. Don't be too hard on yourself. Puwede kang mag-alala kahit na galit ka sa kanya."

Tumango ito tsaka dinala ang kamay niya sa labi at dinampian ng halik. "Thank you, hon."

Ngumiti siya at nang mag-green ang ilaw ay muli niyang ibinalik ang atensyon sa pagda-drive. Nang makarating sa ospital ay muli niyang hinawakan ang kamay ng asawa hanggang sa makarating sa silid na inookupa ng ama nito. Ilang minuto silang nakatayo lang sa labas ng pinto. Tahimik lang na hinayaan niya ang asawa na makaipon ng sapat na lakas ng loob para pumasok.

Nang sa wakas ay buksan nito ang pinto ay bumungad sa kanila si Camilla at si Mumoy. Kapwa tahimik ang magkapatid na nakaupo sa sofa habang nakaratay naman sa kama ang ama.

"Caloi!" Tumayo si Camilla at agad na nagtatakbo para yakapin ang kakambal. Binitawan niya ang kamay ni Javier para mayakap nito ang kapatid. Lumapit din si Mumoy at tahimik na sumali sa dalawa.

It was a heartbreaking moment to watch. Tatlong magkakapatid na umiiyak para sa taong nang-iwan sa kanila. They probably hate themselves for caring but they can't help but still do. Watching them made her realize that children can also love their parents unconditionally. Na kahit ano pang nagawa ng magulang ay hindi sila kayang tiisin ng anak. No greater amount of hatred can surpassed an unconditional love.

Pinahid ni Hazel ang luha at nang magkatinginan sila ni Javier ay ngumiti siya. She's proud of him. Nagpapasalamat siya sa Daddy Joey niya na pinalaki nito ng ayos ang taong makakasama niya habang buhay.




TATLONG ARAW PA ang lumipas pero hindi pa rin nagkakamalay si Juan Carlos. Nagpapalitan naman sa pagbabantay ang tatlo habang isang beses pa lang dumalaw si mommy Helena. Pagkatapos naman ng clinic hours niya ay doon na siya dumideretso para hintayin si Javier.

"What?"

Natigilan si Hazel sa dapat sana ay pagbukas niya ng pinto nang marinig si Javier.

"Iyon ang gusto ng lolo at lola mo. Kapag maayos na raw ang lagay ng daddy mo gusto nilang samahan mo sa States para 'don magpagamot. He needs a heart transplant as soon as possible."

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon