Chapter Twelve
Hindi pa man tuluyang napoproseso ni Javier ang sinabi ni Hazel ay nakangiting naglakad na ito palayo at iniwan siyang nakatulala.
Mali lang ba siya nang narinig o talagang sinabi ni Hazel na gusto siya nito?
Gusto niyang maniwala na talagang iyon nga ang sinabi ni Hazel. Gusto niyang umasa dahil iyon din mismo ang nararamdaman niya. Gusto niya si Hazel. Gustong-gusto. Hindi pa man niya masabi kung mahal na niya ito pero alam ni Javier na hindi iyon malabong mangyari. Kahit na hindi pa nila lubos na kilala ang isa't-isa ay alam ni Javier na ito ang tipo ng babaeng madaling mahalin pero mahirap kalimutan.
Napailing siya. Talaga yatang malakas na ang tama niya rito. Bago sa kanya ang lahat ng nararamdaman pero hindi itatanggi ni Javier na gusto niya ang lahat ng 'yon. Handa niyang harapin ang lahat ng pagbabago basta't kasama niya ang asawa.
Napapangiting sinundan niya ang asawa na ngayon ay matamang nakatingin sa hilera ng pasta.
"Marunong ka bang magluto ng spaghetti?" Bungad nito nang makalapit siya.
Ngumisi siya. "Expert."
"Ayos lang ba kung magspaghetti tayo?"
"Oo naman."
Ngiting-ngiti namang dumampot na ng pasta si Hazel at inilagay 'yon sa pushcart. Napapangiti rin tuloy siya habang pinapanood ito sa pagkuha ng apat na balot ng pasta at spaghetti sauce.
"We don't need that much. Dalawa lang naman tayong kakain."
Tumigil si Hazel sa ginagawa 'tsaka humarap sa kanya. "Pero marunong ka bang magluto ng maramihan?"
Nagtataka man sa tanong nito ay tumango naman siya. "Oo, pero..."
"Good!" Muli itong dumampot ng dalawa pang balot bago siya sinulyapan. "I'll introduce you to my family and they really love spaghetti." Pilya ang ngiting anito 'tsaka tumalikod. "Ano pang kailangan mo?"
Naiwan na naman siyang tulala. Bigla ay para siyang binundol ng kaba sa narinig. Paano kung hindi siya magustuhan ng pamilya nito? Paano kung tumutol ang mga ito. Ang kaba niya ay napalitan ng takot. Nagsinungaling siya kay Hazel nang sinabi niyang legal na ang kanilang kasal. It's far from being done. Kailangan nilang kompletuhin ang lahat ng papeles para makakuha ng lisensya at kapag naipasa 'yon ay 'tsaka pa lang sila mabibigyan ng marriage certificate. Papipirmahan niya pa 'yon sa kanyang ninong at doon pa lang magiging legal ang kasal nila.
Paano kapag nalaman ni Hazel na hindi pa talaga sila kasal? Paano kung... natigilan siya nang dampian siya ng halik ni Hazel sa pisngi. Ni hindi niya namalayan na nakabalik na pala ito sa tabi niya.
Ginagap ni Hazel ang kamay niya at marahang pinisil. "They will love you, Javier. I know they will."
Para siyang nakahinga ng maluwag. Pinisil niya ang kamay ni Hazel at tumango. Wala dapat siyang ikabahala.
"Ano pang gusto nila?" Pinasadahan niya ng tingin ang paligid, naghahanap ng pwede niya pang iluto. Gusto niyang magpa-impressed sa pamilya ng asawa. Ayaw niyang makahanap ang mga ito ng dahilan para ayawan siya.
"Ice cream." Natatawang sagot naman nito.
Tumango siya at agad nang kinompleto ang lahat ng kailangan niya para sa spaghetti 'tsaka kumuha ng limang galon ng ice cream at limang balot rin ng apa. Inabot pa sila ng kalahating oras bago tuluyang natapos.
Nang maisakay na nila sa sasakyan ang lahat ng pinamili ay muling siyang inatake ng kaba. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong katinding kaba na para bang pinagpapawisan siya ng malagkit.
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomanceHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...