Pakinggan nyo 'yung music para feels. Hahaha fave ko 'yan at ginamit ko rin nung wedding ko. Anyway, heto na talaga ang last. Salamat ulit sa pagsama sakin na subaybayan ang love story ni Hazel at Javier.
Epilogue
Muling inayos ni Javier ang suot na necktie at humugot ng malalim na hininga.
"Magrelax ka nga. Kanina mo pa inaayos yang necktie mo." Natatawang iniharap siya ni Dominic at ito na mismo ang nag-ayos ng suot niyang kurbata pagkatapos ay tinapik siya sa balikat. "Hindi ako makapaniwalang ikakasal ka na."
Tumawa siya bagamat malakas pa rin ang kabog ng dibdib sa sobrang kaba.
"Kasal na talaga 'ko."
Madramang tumingala ito at kunwa'y nagpahid nang luha. Siya naman ang nagbitiw nang pabirong suntok sa kaibigan.
Nang senyasan siya ng wedding coordinator nila na pwede na siyang maglakad ay kinakabahang humakbang siya papasok ng simbahan.Sa totoo lang ay wala na siyang namalayan sa mga sunod na nangyari. Pigil ang hininga niya sa paghihintay na masilayan ang asawa.
Nabawasan naman ang kaba niya nang pumasok ang kakambal na si Camilla karga sang mag-iisang taong gulang na si Eunice. Gumagala ang mata nito at tila tuwang-tuwa sa mga bulaklak na nasa paligid. Nang makita siya ay mas lumawak pa ang ngiti nito tsaka pumalakpak.
"Tata! Tata!" Kilig na kilig na ikinampay nito ang kamay, nagpapabuhat.
Nang lumiko si Camilla para tahakin ang upuan nito ay nanginig ang labi ni Eunice at nagsimulang humikbi.
"Tata!"
"Sweetheart, ikakasal si Daddy" Pabulong na paliwanang ni Camilla.
Humakbang siya para lapitan ang dalawa. "It's okay, Cams." Nangingiting kinarga niya ang masiglang anak. "Dalawa yata ang kailangan kong pakasalan."
Dinampian niya ng halik ang pisngi ng anak tsaka muling ibinalik ang atensyon sa bukana ng simbahan ng tumugtog na ang kantang pinili ng asawa.
I've never really know what love is
But whatever it is, I feel it in your kissNang matanaw niya ang asawa, his very pregnant wife, sa dulo ng simbahan ay parang nabikig si Javier sa emosyon. Damn! Maiiyak pa yata siya.
You waltzed in like somebody planned it all
I feel right where I belongNang unti-unting humakbang palapit ang asawa ay nag-init na ang sulok ng mata niya. Nakangiti pero naluluhang pinakatitigan niya ang asawa.
My knees are weak. My heart is strong
So gimme your word and I'll give you all I've got. No, we don't have much but it sure feels like a lotNaramdaman niya ang maliit at mainit na kamay ni Eunice sa kanyang pisngi na sinundan nito nang mabining halik. Natatawang mahigpit niyang niyakap si Eunice habang hindi nilulubayan ng tingin ang babaeng bumago sa takbo ng buhay niya.
So, take my heart and take my hand
Take my heart and take my hand again, and again. Right where we stand.Nang tuluyan nang makalapit ang asawa ay agad niyang pinunasan ang namumuong luha at nagmano kay daddy Joey. Nangingiting tinapik siya nito sa balikat tsaka siya niyakap.
"I'm happy for you, son. Alagaan mo sana ang anak ko. Ibigay mo sa kanya ang lahat ng pagmamahal na hindi ko naibigay."
Tumango siya. Dahil iyon lang naman ang kaya nyang gawin sa ngayon. Para kasing nagbabara ang lalamunan niya sa halo-halong emosyong nararamdaman. Halos isang araw niya ring hindi nakita ang asawa dahil mapilit ang mga kaibigan ni Hazel na hindi raw sila pwedeng magkita bago ang araw ng kasal nila. Na nakakatawa dahil kasal na naman sila.

BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
Roman d'amourHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...