Chapter 6

75.5K 1.6K 64
                                    

Chapter Six

Hindi makakibo si Javier. Hindi siya sigurado kung tama ba siya nang pagkakarinig sa sinabi ni Hazel. Sinabi ba nitong magpakasal sila? Panay pa rin ang pagsasalita nito pero wala nang maintindihan si Javier dahil nakasubsob ito sa leeg niya at patuloy ang paghagulgol. Naupo siya at tahimik na ikinulong ito sa bisig at hita nya habang hinahaplos ang likod nito.

Napasulyap siya sa cellphone na nasa sahig at napakunot-noo ng mabasa ang nakasulat roon.

Patient in room 1405 passed away at 10 in the evening due to severe pneumonia.

Iyon marahil ang iniiyakan ng dalaga. Pero hindi pa rin niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang inaya nito ng kasal. O nagkamali lang siya ng pagkakarinig?

Hinigpitan niya ang yakap dito at mabining hinalikan ang ulo. Hindi gusto ni Javier na makita itong umiiyak. Nasasaktan siya at hindi niya alam kung bakit. Bigla ay parang gusto niya itong protektahan sa lahat ng bagay. Tahimik na niyakap lang niya ang dalaga hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak. Akala niya ay nakatulog na ito kaya dahan-dahan siyang kumilos para sana buhatin pero bahagya itong lumayo sa kanya.

"Javier." Namumula ang mata at ilong nito at nakadikit na ang ilang hibla ng buhok sa mukha at leeg. She looks like a mess but that didn't stop him from admiring her. Para siyang nabato-balani sa ganda nito.

Pinunasan nito ang luha na umagos sa pisngi 'tsaka lumuhod sa harap niya at hinawakan ang kanyang kamay.

"A-alam kong biglaan 'to. And I know I'm not making any sense right now pero... Javier, ikaw lang ang malalapitan ko sa ngayon. Please, Javier, pakasalan mo ko!" Humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

Napalunok siya sa narinig. Hindi alam ni Javier kung saan siya mas nabigla; sa alok nitong kasal o dahil may isang bahagi sa utak at puso niya na gustong pumayag sa gusto nito. Gustong murahin ni Javier ang sarili. Hindi dapat niya pinag-iisipan ang bagay na 'to. Masyadong sagrado ang kasal para pasukin nilang dalawa ng biglaan. Pero 'tang ina bakit parang gusto niya?

"Hazel, hindi kasi pwedeng..."

Binitawan nito ang kamay niya at 'tsaka nagbaba ng tingin. Natakluban ng hibla ng buhok nito ang mukha at ilang minuto ring tahimik. Hindi tuloy niya alam kung ano ang iniisip nito. Mayamaya ay nagbuga ito ng hangin at tumango-tango.

"I... I understand." Dinampot nito ang cellphone 'tsaka tumayo at kinolekta ang gamit bago dite-diretsong lumabas ng banyo.

Shit! Isinuklay niya ang daliri sa buhok at agad na tumayo at sinundan ito. Natigilan naman siya nang makitang nakatayo lang ito sa gitna ng salas niya at tila nag-iisip ng sunod na gagawin. Napabuntong-hininga siya at agad na tinawid ang distansya nila bago ipinihit paharap sa kanya ang dalaga. Para siyang sinuntok sa sikmura nang makita ang blangko nitong mata.

"Talk to me, Hazel. Makikinig ako." Bulong niya 'tsaka ito hinapit palapit at inilapat ang noo sa noo nito.

"I... I left my car. Pwede bang ihatid mo ko pabalik sa club? I need to go to Manila."

Napabuntong-hininga siya. Hindi iyon ang gusto niyang marinig.

"I won't let you drive and..."

Itinulak siya nito at hindi maitatanggi ni Javier na nagulat siya. Bahagya siyang napaatras sa ginawa nito pero hindi niya ito binitawan.

"Javier, please. Kung hindi mo 'ko ihahatid, maglalakad na lang ako. Kailangan kong bumalik sa Manila. Marami akong kailangang asikasuhin. I need to find..." Napasinghap ito at agad na kumalas sa kanya bago dinampot ang pouch at kinuha ang cellphone.

Bakit hindi maganda ang pakiramdam niya sa ikinikilos nito? Sa itsura ni Hazel ay parang may naisip na itong solusyon at hindi siya 'yon.

"Bakit hindi ko siya naisip agad? Yvan. He asked me to marry him." Bulong nito.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon