Chapter Thirty-Four
Pagod na naupo si Hazel sa kanyang swivel chair bago siya sumandal at pumikit. Binabawi na niya ang sinabing hindi masyadong abala ang ospital na ito kumpara sa Maynila. Did she jinx it? 'Yon lang naman ang rason kung bakit magkasunod ang naging surgery niya ngayong araw. Pagkatapos ng ACL Reconstruction Surgery ay nag-assist naman siya sa isang Knee Arthroscopy. Sa sobrang pagod ay ni hindi na niya nagawang palitan ang suot na scrubs.
Minasahe niya ang balikat. Mabuti na lang at apat na oras lang ang clinic hours niya. Medyo naninibago pa siya sa bagong working environment at idagdag pang buntis siya ngayon. Dapat na niyang sabihin kay Javier ang tungkol sa dinadala para masabi na rin niya sa management ng ospital ang kalagayan.
Inabot niya ang cellphone at napangiti nang makitang nagtext ang asawa.
'Hon, male-late ako ng konti sa pagsundo. I love you.'
Agad naman siyang nagtipa ng sagot. 'It's okay. I'll wait. I love you too.'
Kung tutuusin ay ayos lang naman sa kanya kung hindi siya ihatid at sunduin nito. Pwede naman siyang magdrive. Kaya lang ay mapilit ang asawa. Paraan daw nito iyon para kahit papaano ay may bonding time sila dahil pareho silang abala sa kani-kaniyang trabaho.
Ibinulsa niya ang cellphone at muling sumandal at pumikit. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na naman ang tatay ni Javier. Desidido siyang kailangang mag-usap ng mag-ama. Hindi nga lang niya alam kung paano. Ayaw niyang pilitin si Javier dahil alam niyang hindi iyon madali. She had her firsthand experienced of that. Masakit at mahirap sa kalooban pero nakatulong naman iyon para gumaan ang dinadala niya. Siguro mas maigi kung sabihin na niya kay Javier ang tungkol sa pakiusap ng tatay nito. Hindi rin naman siya kumportable na naglilihim siya sa asawa.
Napahilamos siya sa mukha. Ah, hindi na niya alam. Bahala na. Tumayo na siya at hinubad ang white coat at isinabit iyon sa silya. Dinampot niya ang bag at nagtungo na sa locker area kung saan siya nagpalit ng damit.
Sa doctor's lounge na lang siya magpapalipas ng oras habang naghihintay sa asawa. Habang papunta roon ay natigilan siya sa paglalakad at napakurap nang makita ang tatay ni Javier. Nagsalubong ang kilay niya nang makitang galing ito sa opisina ni Doctor Evangelista, isang Cardiothoracic surgeon.
Natigilan rin ito nang makita siya. Nang tila makabawi ay agad itong naglakad palapit sa kanya.
"Doc." Bati nito.
Hindi naman niya magawang ngumiti. Maraming posibilidad na tumatakbo sa isip niya kung bakit ito narito ngayon.
"Pauwi ka na ba, dok? Pwede muna ba tayong mag-usap kahit saglit?"
Natagpuan niya ang sarili na pumayag sa gusto nito. Sa katapat na cafè sila nagpunta. Umorder ito ng green tea habang milktea naman ang sa kanya.
"Pasensya na ulit kung inilalagay kita sa alanganin." Simula nito. "Alam kong hindi magugustuhan ni Javier na nilapitan kita pero desperado na 'ko. Can you set me up a meeting with him? 'Wag mo sanang sabihin na ako ang nakikipagkita sa kanya."
Sa totoo lang ay hindi na niya alam kung alin nga ba ang tama at mali. Tama bang panghimasukan niya ang buhay ni Javier dahil lang asawa siya nito? Does being his wife gives her the right to do as she please? Hindi ba dapat si Javier muna ang kausapin niya kung aling desisyon ang makakabuti para sa buhay nito? No matter what she thinks is right for him, she still have no right to dictate his every move.
"I'm sorry pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo."
Nagbaba ito ng tingin na para bang nadismaya ito. Hindi naman siya nagpatinag sa desisyon. Sa tingin niya kasi ay iyon ang tamang gawin. Sasabihin niya kay Javier ang tungkol sa paglapit ng ama nito at kung makikipagkita man ay hawak nito ang desisyon. She will never push him into a situation that she decided all by herself. Kakausapin niya ang asawa at kung anuman ang maging desisyon nito ay susuportahan niya. That, for her, is the meaning of marriage.

BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomansHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...