Chapter Thirty-Five
Hindi akalain ni Javier na darating ang araw na makakausap niya ulit ang ama. He doesn't really care if he never get to see him again. Ito ang umalis. Kaya nga hindi niya akalaing may lakas ng loob pa itong magpakita sa kanila. Wala naman talaga siyang pakialam sa rason nito at wala siyang balak na pakinggan kung anuman 'yon.
Pero binago ni Hazel ang pananaw niya sa buhay. Tinuruan siya nito na mas maiging lumingon sa nakaraan kaysa patuloy na sumulong. Wala rin naman siyang mararating kung nakatali pa siya sa kahapon.
"Salamat at pinagbigyan mo kong makausap ka, Javier."
Tumango lang siya.
"A-ang mga kapatid mo?" Tanong nito matapos ang matagal na katahimikan sa pagitan nila.
Mataman niyang tinitigan ang lalaking hindi na pamilyar sa kanya. Hindi niya alam kung bakit wala siyang makapang kahit anong pamilyar dito.
Umiling siya. "Hindi sila pupunta."
Sinubukan naman niyang kausapin ang dalawang kapatid pero wala ni isa ang gustong sumama at naiintindihan niya ang mga ito. Kung hindi lang dahil sa asawa niya ay hindi rin siya makikipagkita rito. Sa totoo lang ay ilang araw niyang pinag-isipan ito at aminado siyang tama ang asawa niya. Kailangan niya 'tong gawin para tuluyang alisin ang takot sa puso na magiging katulad siya ng ama. Hazel deserve all his love. At hindi niya iyon maibibigay ng maayos kung hindi niya aalisin ang takot.
Nagbaba ito ng tingin. "Naiintindihan ko. Hindi ako naging mabuting ama," Umiling ito. "Hindi ako naging ama sa inyo. Alam kong nagkamali ako at hindi ko hinihinging patawarin nyo 'ko pero gusto ko pa ring humingi ng tawad."
Tumango lang siya at hinawakan ang tasa ng malamig na niyang kape. Hindi naman talaga niya iyon iinumin. Gusto lang niyang maramdaman na kasama niya ang asawa. The smell of coffee always reminds him of his wife. Pinili niyang 'wag na itong isama para hindi ito mapalapit sa tatay niya.
"I won't say anything to justify what I did. It's all my fault and I was an asshole. I just want you all to move forward and forget about what I did. Don't let my mistakes hold you back, Javier."
Napatingin siya rito. Pakiramdam niya ay biglang gumaan ang loob niya. Na para bang iyon mismo ang gusto niyang marinig mula rito.
The talk he had with his dad didn't last long. Hinayaan lang niya itong sabihin ang lahat ng gusto pagkatapos ay nagpaalam na siya. Hindi pa rin niya makapa ang pamilyar na emosyon para dito. He's still feeling indifferent about the man. Gayunpaman ay nabawasan na ang takot niya na magiging kagaya siya ng ama. He's glad he listened to his wife.
NGITING-NGITI SI JAVIER nang iparada niya ang sasakyan sa tapat ng bahay. Kinuha niya ang bulaklak na binili at inamoy iyon. Pagkatapos ay kinuha rin niya ang mga biniling pasalubong para sa asawa. Gusto niyang bumawi dahil pakiramdam niya ay napabayaan niya ito nitong mga nagdaang araw.
"Hon?" Inilapag niya ang mga hawak sa coffee table habang binitbit naman niya ang bulaklak patungo sa kusina. Napangiti siya nang makita ang mga pagkaing may taklob sa mesa. Di yata't nagluto ang asawa niya.
"Hon?" Ulit niya. Nang wala pa rin siyang makuhang sagot ay mas nilakasan niya pa ang boses "Hazel?"
Baka tulog na. Umakyat siya sa taas at nagtungo sa kwarto nila pero wala roon ang asawa. Sunod siyang nagpunta sa banyo at para bang binundol siya ng kaba nang wala rin ito doon.
"Hon?" Tawag pa niyang muli at mabibilis ang hakbang na tinungo ang study room. Nang hindi pa rin niya makita ang asawa ay dukiretso siya sa nursery room. Wala rin doon ang asawa.
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomanceHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...