Chapter Twenty-Three
Inihinto ni Javier ang sasakyan sa compound ng Happy Angel's Home at nilingon ang asawa. Napangiti siya nang makitang tulog na tulog ito. Marahil ay napagod sa walang tigil na pag-iyak yakap ang ama. Proud at masaya siya para sa asawa. Proud dahil nagawa nitong patawarin si Joey at masaya dahil alam niyang daan iyon para maghilom na ang sugat sa puso nito.
Ayaw pa sana silang paalisin ng Daddy Joey nila pero nagdesisyon siyang tumulak na pa-Maynila. Alam niyang masyado ng mahaba ang araw na 'to para sa asawa. Ayaw niyang biglain ito. Baby steps. Isa pa ay alam niyang gusto nitong makita si Eunice kaya nga nagyakag na siya paalis.
Nang makita niyang nagtatakbuhan na ang mga bata palapit sa sasakyan nila ay natatawang tinapik niya sa braso ang asawa.
"Hon."
Pumihit naman ito at inaantok pang nagmulat ng mata. "Nas'an na tayo?"
"Nandito na." Napapangiting sinulyapan niya ang bintana ng sasakyan kung saan nakadikit na ang mukha ng mga bata.
Tumawa si Hazel at naghihikab pang umupo ng ayos. Nag-inat ito 'tsaka inayos ang buhok. "Tara na."
Tumango siya. Binuksan naman nito ang pintuan at hinintay na lumayo ang mga bata bago tuluyang itinulak pabukas.
"Ate Hazel!" Sabay-sabay na hiyaw ng mga ito at agad na sinugod ng yakap si Hazel.
"Hello!" Lumuhod ito at sinalubong ang bawat yakap ng mga bata.
Parang nawala ang halos apat na oras na pagod ni Javier sa pagmamaneho nang makita ang nangingislap na mata ni Hazel. Napapangiting bumaba na rin siya at kinuha sa likod ng sasakyan ang mga pasalubong na binili nila bago tumulak pa-Maynila.
"Wow! Pala kay Malia 'yan?"
Napa-igtad si Javier sa gulat nang biglang sumulpot sa harap niya ang isang maliit na batang babae na may hawak na manika. Itinuro nito ang hawak niyang dalawang eco bag: ang isa ay mga pagkain habang puro laruan naman ang isa.
Tumango siya. "Opo. Para kay Maria at para sa mga ate at kuya mo." Lumuhod siya at inilapag ang eco bag 'tsaka iyon binuksan para ipakita sa bata ang mga laruan.
"Uwoooow!" Namimilog ang matang nagtatalon ito dahilan para malipat sa kanya ang atensyon ng lahat ng bata. Mayamaya ay nakapalibot na ang mga ito sa kaniya habang isa-isa niyang pinapipili ng laruan.
"You're a natural." Bulong ni Hazel sa kanya nang maubos ang laruan at kanya-kanyang nagtakbuhan ang mga bata pabalik sa loob.
"Hmm?" Sinulyapan niya ang asawa.
Mabilis na dinampian ni Hazel ng halik ang kanyang pisngi nang makitang walang nakatingin sa kanila.
"Ang sabi ko, magiging mabuti kang tatay sa magiging anak natin."
Natigilan siya. Mula nang makilala niya si Hazel ay naging mas bukas na siya sa ideya nang pagkakaroon ng sariling pamilya. Hindi iyon pumapasok sa isip niya noon dahil ayaw niyang maging kagaya ng tunay na ama.
Kaya naman ang marinig mula kay Hazel na magiging mabuti siyang ama sa magiging anak nila ay sapat na para gumaan ang pakiramdam niya.
"Ikaw din naman. Alam kong magiging mabuti ka ring nanay sa magiging anak natin."
Idinikit niya ang noo sa noo ng asawa at ikinulong ito sa yakap. God, he love this woman. Hindi na siya makapaghintay na bumuo ng pamilya kasama ito. Silang dalawa, si Eunice at ang mga batang gagawin pa nila.
"Doktora."
Kapwa nila nilingon ang entrada ng bahay-ampunan. Nakangiting nakatanaw sa kanila si Annie dala si Eunice. Napagmasdan ni Javier kung paano umaliwalas ang mukha ng asawa bago ito mabilis na kumawala sa kanya at tumakbo palapit kay Eunice.
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomanceHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...