Prologue

242K 2.2K 63
                                    

Prologue

Tahimik na nakatayo si Hazel sa isang sulok ng reception area ng kasal ni Monique habang seryosong pinapanood ang lalaking kanina pa pumupukaw sa atensyon niya.

Buong araw na silang magkasama, bilang ito ang bestman at siya naman ang bridesmaid, pero kahit anong pagpapacute niya rito ay hindi ito tinatablan. Immune yata ito sa charm niya. Umismid siya at ibinaba ang tingin sa hawak na wine glass.

Ano bang meron sa binata at masyado siyang apektado? Eh ano kung hindi siya pinapansin nito? Kung hindi ito naghahabol sa atensyon niya? Nakakapangit ba ang pag-isnab nito sa kanya? Sa totoo lang ay hindi naman nasasaling ang ego niya. Hindi rin siya nacha-challenge dito. That's overrated. Alam naman niyang hindi lahat ng lalaki ay nahahalina sa taglay niyang ganda. Hambog na kung hambog pero alam ni Hazel na talagang maganda siya. Hindi naman siguro siya masasangkot sa mga chismis na kabi-kabila ang dyowa kung wala siyang ibubuga.

Kaya nga hindi niya maintindihan kung bakit masyado siyang fascinated sa binata. May kung ano rito na hindi niya kayang maipaliwanag.

Pinaikot niya ang pulang likido bago niya dinala sa labi ang hawak na wine glass. Ibinalik niya ang tingin sa binata habang sinisimsim ng wine.

Awtomatikong umigkas ang kilay niya nang makitang nilapitan nito ang isang waitress dala ang isang plato na punong-puno ng mga putahe. Dahan-dahan niyang ibinaba ang wine glass sa mesa habang hindi naman nilulubayan ng tingin ang dalawa. Nanliit ang mata niya sa pagmamasid nang makitang hinawakan nito sa balikat ang dalaga. Saglit pang nag-usap ang dalawa bago hinawi ng babae ang kamay nito 'tsaka tumalikod. Nakita ni Hazel kung paanong bumagsak ang balikat nito, sinuklay ng daliri ang buhok bago iniabot sa isang waiter ang dalang plato.

Hindi pa man ito nakakabawi ay hinarang na ito ng mga groomsmen at dinala sa gitna ng dance floor. Agad namang bumalik ang ngiti nito bagamat hindi na iyon katulad ng ngiti nito kanina.

Napailing si Hazel. Mukhang alam na niya kung ano ang charm nito. Kung bakit kuhang-kuha nito ang atensyon niya at kung bakit masyado itong pormal at walang ni katiting na malisya sa katawan kahit pa panay ang pasaring niya.

Obviously ay may ibang babae na itong gusto kaya hindi tumitingin sa kanya. A one woman man ika nga. Napangiti siya at napailing. Sayang naman. Nagsisimula pa lang ang fascination niya napurnada na agad.

"Hazel!" Bago pa siya makakibo ay hila-hila na siya ng kaibigang si Amy. Halos matapilok na siya para lang masabayan ito sa mabilis na hakbang.

"Amy! Teka nga. Ano bang..."

Humarap ito sa kanya. "Shh! I don't want to hear a no. 'Wag kang KJ at saluhin mo ang bulaklak ni Monique!" Iyon lang at muli na naman siyang hinila nito sa paglalakad. Pinukol niya ng masamang tingin ang likod ng kaibigan pero hindi na siya nagreklamo. Wala naman din siyang laban kay Amy. Ni hindi na siya nakakibo ng dalhin siya nito sa mesa kung nasaan sina Karen at Nicky.
Pinalobo niya ang pisngi 'tsaka iyon ibinuga. Great! Sa tingin niya ay may plano ang mga ito. Pinanliitan niya ng mata ang mga kaibigan.

"Pinapasabi ni Monique na kapag nasalo mo raw ang buoquet niya ilalakad ka niya kay Javier." Walang pasakalyeng bungad ni Karen. Sinulyapan niya ang nasabing bride na kung makatawa eh akala mo hindi arrange marriage ang napasukan.

"Javier who?" Ibinalik niya ang tingin kay Karen at pinagtaasan ito ng kilay.

Pinaikot ni Amy ang mata. "'Yung lalaking kanina mo pa hindi nilulubayan ng tingin."

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon