Chapter 4

81.9K 1.5K 76
                                    

Chapter Four

"Sigurado ka bang hindi ka sasabay sa'min? Baka mamaya tumirik na naman kung saan 'yang kotse mo."

"Hindi na." Napapangiting binuksan ni Hazel ang pinto sa backseat at inihagis ang mga gamit 'tsaka niya muling nilingon si Pamela. "Okay naman na si Betty. Napatingnan na kanina."

Para bang biglang naglaho ang pag-aalala ni Pamela at sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi nito. "Narinig ko nga. Balitang balita kanina na may gwapong lalaki raw na naghatid ng kotse mo, ah. Sino 'yon?"

Napapailing na isinara niya ang pinto at binuksan naman ang sa front seat. Hindi na siya magtataka kung bukas ay kalat na kalat na naman sa buong ospital ang balitang 'yon.

"A friend of a friend. Nagmalasakit lang 'yung tao."

Tumawa lang si Pamela bago siya tinapik sa braso. "Fine. Sige na, mauuna na kami. Ingat sa pagdadrive." 'Yon lang at sumakay na ito sa service van ng ospital.

Kinawayan niya pa ang mga ito at hinintay na makaalis bago siya pumasok sa kotse. Dapat ay pupuntahan niya pa si Monique pero mukhang hindi na siya matutuloy.

Dumating kasi kanina ang mayor ng San Juan para magpasalamat sa kanila. Hindi ito pumayag na basta na lang silang pauwiin ng hindi kumakain kaya dinala pa sila nito sa isang restaurant para mag dinner.

Pinilit niya si Pamela na gamitin pa rin ang card ng kumpanya sa pagbabayad ng kinain ng lahat. Kaya nga sila nag medical mission dito sa San Juan para matulungan ang mga taga rito na hindi kayang pumunta sa ospital pagkatapos ay heto't balak pang bayaran ng mayor ng mga ito ang kinain nila. She finds that absurb. Kahit pa sabihing sariling pera nito ang gagamitin ay hindi pa rin siya kumportable.

Sinipat ni Hazel ang suot na relo at napanguso nang makitang mag-aalas syete na. Agad niyang kinuha ang cellphone at idinayal ang numero ni Monique. Nakatatlong ring bago nito sinagot.

"Hazel? Oh, akala ko pupunta ka?" Walang pasakalyeng bungad agad nito.

Natawa siya. "Sorry, late na kami natapos eh."

"Ano ba 'yan? Dalawang buwan na tayong hindi nagkikita. Last time na lumuwas ako ng Maynila hindi kita nahagilap. Ngayong nandito ka sa San Juan, hindi pa rin."

"Babawi na lang ako next time, promise. You know how crazy this past two months was for me. Sinunggaban ko lang talaga 'tong project ng ospital dito sa San Juan para makahinga-hinga naman."

Ilang sandaling natahimik si Monique bago ito nagsalita. "Kumusta na ba si Tita?"

Inilapat niya ang noo sa manibela. "She's doing fine."

"How about..."

"Still in coma."

Napabuntong-hininga si Monique. "I'm sorry to hear that."

Sinubukan niyang tumawa para paga-angin ang ere. Ayaw niyang idamay pa ang kaibigan sa bigat ng mga iniisip niya.

"Sige na, Monique. I need to go. Magdadrive pa ko pabalik ng Manila."

"Okay. Ingat sa pagdadrive ha. Message mo ko kapag nakauwi ka na."

Napangiti siya. "Yes, mom!"

Tumawa ito. "Love you, Hazelnut!"

"Love you too, Moniquenic."

Nang ibaba niya ang tawag ay agad na napabuntong-hininga si Hazel. Sa totoo lang ay namimiss niyang kasama ang mga kaibigan. Mula ng mag-asawa ang mga ito ay bibihira na lang sila kung magkita. Kapag naman nagkita-kita sila ay hindi maitatanggi ang ipinagbago ng mga ito. They look happier and more content. Hindi niya tuloy maiwasang malungkot para sa sarili.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon