Ang chapter na ito ay para sa lahat nang tumaas ang alta-presyon ng dahil kay Lucille! Hahahaha
Chapter Twenty-Four
Mabigat man ang talukap ng mata ay pinilit ni Hazel na magmulat. Kinailangan niyang kumurap-kurap para maging malinaw ang paningin. Tinanggal niya ang oxygen mask na suot. Pakiramdam niya ay ang lumulutang siya. Nang maging malinaw ang paningin ay doon niya napagtanto na nasa ospital siya.
Pumikit siya at lumunok. Tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Gusto niyang uminom. Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya magawa. Para bang namamanhid ang buong katawan niya. Pinilit niyang kumilos hanggang sa mapadako ang tingin sa asawa. Nakasubsob ito sa kama habang hawak ang kanyang kamay. Inangat niya ang kabilang braso at kahit nanghihina ay pinilit nyang hawakan ang buhok ng asawa.
"Hazel." Pupungas-pungas na nag-angat ito ng mukha. Nang magtama ang mata nila ay para bang nawala ang antok nito at agad na tumayo. Namumugto ang mata na para bang kagagaling lang sa pag-iyak.
"Hey. How are you feeling?"
Hindi siya sumagot at sa halip ay tumingin sa baso ng tubig na nakapatong sa lamesa malapit sa kama. Mabilis namang inabot ni Javier ang baso, nilagyan ng straw at inilapit sa kanyang labi.
"Okay ka na?"
Tumango siya at pinilit na ngumiti. "Pakiramdam ko binagsakan ako ng langit at sinampal ng lupa." Biro niya.
Inilapat ni Javier ang noo sa noo niya, pumikit at paulit-ulit na na nagpasalamat. Mayamaya ay tumayo na ito at pinindot ang buton na nasa taas ng kamang inookupa. Ilang segundo lang ang lumipas at pumasok na ang isa sa mga kaibigan niyang doktor sa immunology department.
Seryoso ito habang hawak ang isang chart.
"You had an anaphylactic attack or allergic attack. It could've been worse kung hindi ka nadala agad dito at kung hindi ka nabigyan ng CPR. Anyway, your laboratory result is out and it looks better now. Kaya lang ay hindi pa kita mabibiyan ng clearance na lumabas. I still want to observe you for another day." Sabi nito habang binabawasan ang dosage ng dextrose na nakakabit sa kanya.
"Thank you, Shey."
"No worries. Sana lang hindi na maulit 'to, Doc Hazel. Anyway, you're good. Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan pero kailangan ko pang mag-rounds." Anito. Tinanguan lang nito si Javier bago ito lumabas.
Nang makalabas si Shey ay nanatiling tahimik si Javier. Nakatayo ito malapit sa may bintana at nakatingin sa labas. Pakiramdam ni Hazel ay ang layo-layo nito sa kanya.
"Gaano na 'ko katagal dito?"
Hindi man lang tumingin sa kanya si Javier nang sumagot. "Isang araw na ngayon. Dumaan ang lolo mo dito kagabi. Hindi siya nagtagal dahil may emergency board meeting. Ipinapasabi lang niya na tawagan mo siya kapag maayos na ang pakiramdam mo."
Tumango siya at tinitigan ang asawa.
"Javier, pwede ka bang lumapit dito?"
Sinulyapan lang siya nito. "Sigurado ka bang okay ka na?"
Ngumiti siya. "Kapag lumapit ka dito mas magiging okay ako."
Pero sa halip na lumapit ay agad na naupo si Javier sa sofa na malapit sa bintana. Para bang patang-pata ang katawan nito sa pagod. Mariin itong pumikit at ikinuyom ang kamao.
"What's wrong?" Nag-aalalang pinilit niyang maupo. "Javier? Galit ka ba?"
"Galit ako. Galit na galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mapahamak ka." Pinagsalikop nito ang mga daliri.

BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomanceHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...