Chapter 16

77.5K 1.4K 55
                                        

Chapter Sixteen

"You're such a creep." Bulong ni Javier sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha nang natutulog na asawa. Nakayakap ito sa kanya at nakaunan ang ulo sa braso niya

Dahan-dahan niyang inalis ang braso at maingat na inilipat ang ulo ni Hazel sa unan. Umungot ito, tila nagrerelamo sa ginawa niya. Napapangiting itinukod ni Javier ang siko sa kama para mas lalong mapagmasdan ang mukha ng asawa.

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ni Hazel 'tsaka pinadaanan ng daliri ang kilay nito at huminto sa maliit na taling sa dulo n'on. Sunod niyang pinadaanan ang ilong, pababa sa manipis nitong labi. Natural ang ganda ng asawa kahit na walang kahit anong kolorete ang mukha. He likes watching her sleep. Bigla ay parang gusto niya itong protektahan sa kahit ano 'wag lang itong magambala sa pagtulog.

Marahan niyang idinampi ang labi sa pisngi nito.

"Lucky, stop that." Ungot ni Hazel 'tsaka ito pumihit patalikod.

Natigilan naman siya. Lucky? Sino si Lucky? Mariin siyang napapikit bago nahiga. Nakaramdam siya ng inis pero agad rin niya iyong sinupil. Hindi na importante kung ilan ang naging ex-boyfriend ni Hazel, ang importante ay siya na ang huling lalaki sa buhay nito. Hindi dapat siya magselos. Wala siyang dapat ika-selos.

Bumangon siya at dinampot ang boxer bago iyon isinuot. Pinulot niya rin ang mga nagkalat nilang damit na basta na lang niya inihagis kagabi. Parang bula na bigla namang nawala ang inis niya. Hindi na importante kung sino si Lucky. Ang importante ay siya na ngayon ang maswerteng asawa ni Hazel

Dinampot niya ang lacy thong ni Hazel at ilang sandali iyong tinitigan. Napatalon tuloy siya sa gulat ng tumunog ang cellphone niya. Mabilis na kinuha niya sa bedside table ang cellphone at sinagot iyon. Sinulyapan niya ang asawa at nakahinga ng maluwag nang makitang hindi naman ito nagising.

"Hello?" Tahimik na lumabas siya ng silid pero bago pa man isara ang pinto ay muli niyang sinulyapan ang asawa. Napangiti siya nang makitang nakayakap na ito sa unan.

"Javier."

Nakilala naman agad niya kung sino iyon. "Ninong, good morning po." Isinara niya ang pinto at naglakad papunta sa kusina.

"Napaaga ba ang tawag ko?"

"Hindi po. Kanina pa naman po ako gising. Ano pong problema?"

"Itatanong ko lang sana kung nakompleto mo na ang papeles para sa kasal nyo? Ipapaasikaso ko na sana sa sekretarya ko. May ikakasal ako bukas at pwede ko ng isabay sa pag file para wala ka ng problemahin."

Napahawak siya sa batok. Shit! Nawala na sa isip niya.

"Inaasikaso ko pa po, 'nong. Dadalhin ko na lang po sa opisina nyo bukas."

Ilang sandali namang tahimik ang matanda bago ito nagsalita. "Sigurado pa rin naman kayong dalawa sa kasal n'yo 'diba?"

"Opo ninong. Siguradong sigurado po. Ako na pong bahala. Dadalhin ko po bukas."

Tumawa naman ito. "O siya sige." Nagpaalam na ito at nang matapos ang tawag ay naihilamos niya ang palad sa mukha.

Hindi pa nga pala legal ang kasal nila. Shit! Kailangan niyang hingiin kay Hazel ang mga papeles nito. Mag-asawa na silang dalawa sa mata ng Diyos pero sa batas ng tao ay wala pang bisa ang kasal nila. Hangga't hindi pa legal ang kanilang marriage contract ay wala pa syang pinanghahawakang ebidensya na asawa na niya ang babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang kama.

Napabuga siya ng hangin. He needs to get his shit together.

"Good morning."

Bigla ay parang nakalimutan na ni Javier ang pinoproblema nang makita ang asawa. Nakatayo ito sa may pintuan ng kwarto suot ang puti nyang t-shirt na umabot lang sa hita nito. Inaantok na naghikab pa ito habang naglalakad palapit sa kanya.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon