Chapter 21

71.8K 1.5K 100
                                    

Chapter Twenty-One

"Pangatlong buntong-hininga mo na 'yan ah." Puna ni Javier at mahigpit siyang niyakap mula sa likod. "May problema ba?"

Binitawan ni Hazel ang inaayos na overnight bag. Kahapon ay buo ang loob niya nang sabihing ipapakilala niya si Javier sa kanyang mommy Lucille pero bakit ngayon ay nagdadalawang isip na siya.

"Nagdadalawang isip ka na bang ipakilala ako sa mommy mo?" Hula nito at para naman siyang naguilty.

Humarap siya sa asawa. "I'm scared. Paano kung hindi mo siya magustuhan?"

Tumawa si Javier at naiiling na niyakap siya. "Ang dapat na inaalala mo ay kung magugustuhan ako ng mommy mo. Not the other way around."

Bumuntong-hininga siya. "Pero bakit gan'on? Bakit mas nag-aalala 'ko kung magugustuhan mo ang Mommy ko kaysa kung sa magugustuhan ka niya?"

Ngumiti si Javier at muling kinurot ang kanyang ilong. "Then stop worrying. Lahat ng taong mahalaga sayo, mahalaga na rin para sakin. She's still your mom and despite everything she has done, she still deserve my respect."

Tumango siya. Pinilit niyang bigyan ng ngiti si Javier bago niya ito niyakap. Parang nagbara ang kanyang lalamunan at nagsikip ang dibdib dahil sa emosyon. What did she ever do to deserve this man? Hindi man maganda ang sitwasyon nila pero pakiramdam niya ay kakayanin nilang dalawa.

"'Wag ka ng masyadong mag-isip. Kakayanin natin 'to."

Tumango siya. Tama ito. Wala na silang magagawa kundi panindigan 'to.

"Thank you." Napapangiting agad niyang sinunggaban ito ng halik at iniyakap ang braso sa leeg nito. Nang iangat siya ni Javier ay agad niyang ipinulupot ang binti sa bewang ng asawa. Ramdam niyang napapangiti ito 'tsaka sinapo ang kanyang pang-upo.

"Bakit palagi mo 'kong sinusunggaban ng halik? Can't resist this kissable lips?"

Tumawa siya. "Yes. Kasi akin ang virgin lips na'to."

Halos masamid ito. "Vir...what? Virgin..."

Tumawa siya at kinurot ang pisngi ng asawa. "What? Totoo naman diba? Na virgin ang labi mo at ang ako ang naka-devirginized dito sa," Dinampian niya nang halik ang labi ng asawa. "virgin kissable lips mo?"

Natatawang naglakad palapit si Javier sa kama. "You're right. Pinanindigan mo nga pala ang ginawa mo." Pagkasabi ay napatili siya ng ibagsak siya nito sa kama at agad na pinatungan.

Humagikhik siya. "Javier, we can't! Magbibyahe pa tayo papuntang Manila. Pupuntaha pa natin si Eunice. Miss na miss ko na siya at isa pa... shit!" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang maramdaman ang paghahod ng dila ni Javier sa kanyang leeg.

Umungol siya at nagmulat ng mata. "Half hour. Half hour lang." Kapos-hiningang aniya.

Ngumisi ito.  "Our first quickie." Walang patumpik-tumpik na sinimulan nito ang kalahating oras na ibinigay niya.

Hanggang ang kalahating oras dapat nila ay umabot pa ng dalawa

"Kasi naman Javier eh." Napapailing si Hazel habang nagsusuklay. "Maabutan na tayo ng traffic nyan." Sumabit pa ang suklay sa basa at nagbuhol-buhol niyang buhok.

Tawa lang ang isinagot ni Javier at tumayo sa kanyang likuran. "Akin na nga 'yan." Nakangiting kinuha ni Javier ang suklay at sinimulang suklayin at alisin ang pagkakabuhol ng kanyang buhok. "Maaga pa naman. Alas-nueve pa lang."

Awtomatikong nawala na parang bula ang inis ni Hazel habang sinusuklay ni Javier ang kanyang buhok. Napapikit siya.

"Para namang kasalanan ko lang. Hindi ba ikaw itong humirit pa ng isa sa loob ng shower room." Bubulong-bulong na dugtong pa nito.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon