Chapter Thirty
"Camilla," namimilog ang matang humawak si Helena sa braso niya habang sinasaway ang anak. "Dito ka nga lang!"
"Sisilipin ko lang kung sino, 'Ma." Hindi naman nagpa-awat ito at sumilip sa bintana, pagkatapos ay lumingon sa gawi nila. "May isang babaeng may hawak na baseball bat."
Natigilan naman si Hazel. Bakit may pakiramdam siyang kilala niya kung sino ang nasa labas. Bumitaw si Helena sa kanya bago sumunod sa anak at nakisilip sa bintana. Kinakabahan man ay humakbang din siya at dumiretso sa may pintuan. Napasinghap siya nang makita kung sino ang nasa labas.
"'Ma!" Namilog ang mata niya nang makitang hinahampas nito ang winshield ng kotse ng daddy niya.
Dalidali siyang lumabas at nagtatakbo palapit dito. Nilampasan niya ang daddy niya at si Javier na pareho lang nakamasid kay Lucille.
"Hon." Hindi pa man nakakalapit sa ina ay pinigilan na siya ni Javier at niyakap mula sa likod. "Just let her be." Bulong nito.
"No." Umiling siya at pilit na nagpumiglas pero hindi naman natinag ang braso ni Javier na nakapulupot sa kanya. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang manood hanggang sa mapagod ang mommy niya at umiiyak na sumandal sa kotse bago dumausdos at naupo sa lupa. This is the first time she saw her mom break down like this. She saw her cry, yes, but not like this. Ni wala itong makeup o mga alahas na suot. Ang gulo-gulo ng buhok nito at ni walang sapin sa paa. Lucille is the epitome of elegance. Ito ang tipo ng tao na galit na, pero nakangiti pa. Hindi ito basta-basta nagpapakita ng kahinaan sa harap ninuman. Ngayon lang.
Napahikbi siya at tuloy-tuloy ring umagos ang luha niya. Bigla ay para bang na-guilty siya na nandito siya ngayon kasama ang mga taong ipinalit sa kanila ng daddy niya.
"Lucy." Humakbang si Joey pero hindi pa man ito nakakalapit ay tumayo na ang mommy niya at dinuro ito ng baseball bat
"How dare you!" Dinampot nito ang envelope na nakapatong sa hood ng sasakyan at ibinato sa dibdib ng dating asawa. "You want an annulment?"
"It was long overdue. We both know that. It's been twenty years. Let's both move on, Lucy."
Umirit si Lucille at binitawan ang baseball bat bago tinakpan ang tenga. "Don't call me that!"
Nanghihinang sumandal siya kay Javier habang pinapanood ang magulang. Masakit sa kanya na panoorin ang mga ito pero alam niyang ito rin ang kailangan ng dalawa.
"Lucy..."
"'Tang ina mo ka!" Galit na lumapit ito sa asawa at idinuro-duro ang dibdib nito. "You don't get to be happy after what you've done. Hindi ko pipirmahan ang letseng annulment na 'yan. Kung hindi ako magiging masaya, pwes hindi ka rin pwedeng maging masaya." Tumawa ito at sinuklay ang buhok. "Ipilit mo ang gusto mo at kakasuhan kita. Kakasuhan ko kayong dalawa ng kabit mo."
"Hindi mo 'yan gagawin." Galit na hinawakan nito ang braso ng asawa.
Binawi nito ang kamay at ngumiti. "Subukan mo 'ko, Joey! Subukan mo."
"Lucille, 'wag na natin pahirapan ang isa't-isa, please lang." Parang pagod na pagod na dinampot ni Joey ang envelope.
"'Tang ina mo talaga eh 'no?" Muli itong tumawa. "Nahihirapan ka? Paano? Sabihin mo sakin! Dahil hindi mo mapakasalan ang kabit mo?"
"You know it's not because of that. Matagal na tayong tapos, Lucille. Pakawalan na natin ang isa't isa."
Muling tumawa ang mommy niya pero nangilid naman ang luha nito. "How could you do this to me? Sa amin ng mga anak mo? Iniwan mo kami dahil anak ko sa iba si Hazel, para lang magpaka-tatay ka sa mga hindi mo rin anak? Why does that sound so unfair, huh, Joey?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomanceHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...