Chapter 25

68.1K 1.3K 148
                                        

Chapter Twenty-Five

"Anong gusto mo sa itlog? Scrambled, sunny side up o hard boiled? Nagluto rin ako ng hotdog."

Awtomatikong inihinto ni Hazel ang ginagawang pagkakabit ng mga goma sa dulo ng coffee table at nilingon ang asawa.

"Ha?" Tanong niya dahil ang tanging rumehistro lang sa isip niya ay kung gusto niya ng itlog at kung hard ang... hotdog.

Kinagat niya ang labi at pinasadahan nang tingin ang kabuuan ng asawa. Naka-hubad baro ito at tanging boxer shorts lang ang suot. Napalunok siya at pakiramdam niya ay nanuyo ang kanyang lalamunan.

Shit lang! Mainit ba talaga o sadyang hot lang ang asawa niya?

Halos isang buwan at mahigit na silang kasal pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay sa prisensya ng asawa.

Nang madischarge siya sa ospital ay agad na ipinakilala niya si Javier sa abuelo. Bagamat nagulat na kasal na sila ay boto naman ito sa kanyang asawa. Matapos na ipangako ng kanyang abuelo na ito na ang bahala sa kanyang mommy Lucille ay agad siyang ini-uwi ni Javier sa San Juan. Pareho silang naging abala sa pag-aasikaso ng adoption ni Eunice. Tuwing weekend ay lumuluwas sila ng Maynila para dalawin si Eunice at tuwing weekdays naman ay nasa San Juan sila ni Javier.

Mas lalo silang naging malapit nang simulan nila ang kanilang nursery project. Sila mismo ang namili nang mga gamit na ilalagay sa magiging kwarto ni Eunice.

Kung minsan ay naiiwan siyang mag-isa sa bahay lalo na kapag kailangan sa opisina si Javier. Nagugulat din si Hazel sa sarili dahil kahit wala ang asawa ay hindi siya naiinip. Mas nagiging excited pa nga siya kapag naiisip kung paano sasalubungin ang asawa kapag dumating ito. Sinubukan rin niyang magluto para sana sorpresahin si Javier, pero halos isang oras na sya sa loob ng kusina ay nakikipagtitigan pa rin sya sa kalan at mga kutsilyo. Hindi tuloy nya maiwasang maawa kay Javier dahil ito pa ang nagluluto pagkauwi sa bahay.

Kung minsan din ay dinadalaw siya ng kanyang Daddy Joey kasama si Helena at ipinagluluto sila ng pagkain. Sinubukan pa siyang turuan ng ama na magluto pero wala. Wala talaga siyang katalent-talent sa kusina. Mas madali pang mag-opera ng tao kaysa magluto. Mas kaya niyang humawak ng scalpel kesa sa kutsilyo.

At heto na nga sila ngayon, happily married for thirty-five days kahit na hindi siya perfect wife material. Nasa kalagitnaan din sila ng project na gawing child-friendly ang kanilang bahay.

"So, ano nga? Hotdog o itlog?" Tumaas ang isang kilay ni Javier kasabay nang pagtaas ng gilid ng labi. Nangislap pa ang mga mata nito na para bang alam kung ano ang iniisip niya.

Tumikhim siya at tinalikuran ang asawa para muling ituon ang atensyon sa ginagawa.

"Kape na lang. Ayokong kumain ng breakfast." Tumayo siya at pinasadahan nang tingin ang paligid. Napangiti siya nang makitang maayos na ang salas.

Natakluban na niya ang mga dulo ng lamesa at inalis ang mga bagay na kasya sa butas ng roll ng tissue, tips na nakuha nya sa isang magazine, para maging child-friendly ang bahay.

Tapos na siya sa salas. Pati ang kwarto nila ni Javier ay inayos na rin niya. Ang tanging natitira na lang ay ang guest room na ginawa nilang nursery room para kay Eunice. Kailangan niyang i-double check ang nursery dahil bukas na ang schedule ng home study. Apat ang mag-eevaluate sa bahay nila. Dalawang social worker mula sa DSWD, isang consultant naman galing sa korte at isang lisensyadong tauhan mula sa napili nilang adoption agency.

Hindi mailarawan ni Hazel kung gaano siya kasaya na si Javier ang mismong namili ng adoption agency na mag-aasikaso sa kanila. Ang agency kasi na nilapitan niya noon ay para sa mga single na gustong mag-ampon.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon