Chapter 9

76.4K 1.8K 159
                                    

Chapter Nine

"Susmaryosep amang mahabagin!" Bulalas ng matandang janitor sa gulat nang padabog na ibagsak ni Javier ang patas ng mga papeles sa mesa. Nakahawak sa dibdib na tiningnan siya nito. "Attorney, kayo ho ba'y galit?"

Napabuga siya ng hangin. Nakalimutan niyang nasa loob nga pala ang matanda at naglilinis.

"Hindi po Kuya Toto, pasensya na." Muli niyang binalingan ang mga papeles at inisa-isa. Pero kahit anong basa ay wala talagang pumapasok sa isip niya.

"Babae 'yan ano, Attorney?"

Huminto siya sa ginagawa at tiningnan ang matanda. Ni hindi pa sya nakakasagot ay muli na itong nagsalita.

"Naku, sinasabi ko na nga ba. Babae nga. Ngayon lang kita nakitang ganyan eh."

Nasamid siya at sunod-sunod na umubo. Pinilit niya ang sarili na tumawa. "Hindi kuya Toto." Tawa ulit. "Wala akong problema sa babae. Ako pa ba? Magkaka-problema sa babae?" Muli ulit siyang tumawa, mas malakas naman ngayon, at hinampas pa ang kanyang lamesa. "Malabo akong magka-problema sa babae. Ako? Ha! Hindi yata." Ani pa niya.

Tumango-tango ang matanda. "Ah, ganun ho ba?" Nakangiti ito pero pakiramdam ni Javier ay may ibang ibig sabihin ang ngiti ng matanda. Pero bago pa man niya ito matanong ay nagpaalam na'to at lumabas ng kanyang opisina.

Napabuntong-hininga siya at agad na niluwangan ang suot na necktie bago tumingin sa malayo. Naagaw nang isang painting sa sulok ang atensyon niya. Sumandal siya at seryoso iyong pinagmasdan. Abstract painting iyon at punong-puno ng kulay pero para bang isang kulay lang ang nakikita niya. Pula.

'Tang ina. Pumikit siya at pilit na  binura sa isip ang imahe nang isang babaeng may pulang buhok at cup A na bra. Napabuga siya nang hangin. Bakit kahit anong pilit niyang kalimutan ito ay hindi naman niya magawa?

Dalawang araw na niya itong hindi nakikita. Pangalawang araw ngayon. Nang tanungin siya nito kung ano ang apelyido niya ay ilang sandali syang natahimik bago sya nakasagot. Pautal-utal na sinabi nyang 'Mon-mon-te-gra-han-de'.

Pagkatapos ay tumango lang ito at walang lingon-likod na lumabas ng bahay niya. Bago pa man siya makahabo ay nakaalis na ito sakay ng tricycle. Dalidali siyang nagpunta sa D'Luxe pero hindi na niya natanawan si Betty sa parking lot. Kung gaano ito kabilis na dumating ay gan'on rin ito kabilis na umalis. Ang tanging naiwan na lang sa kanya ay damit nitong pangkasal na hanggang ngayon ay nandoon pa rin sa kwarto niya. Ni hindi nga niya kayang matulog sa sariling kama nang hindi naaalala ang babaeng isang gabi lang naman niyang nakatabi.

Ikinuyom niya ang kamao. Ni hindi man lang niya nasabi nang ayos ang apelyido niya. Paano kung ang ilagay nito sa mga pipirmahan nitong papeles ay Monmontegrahande? Shit! Hindi siya makapaniwalang iniwan siya ng asawa hindi pa man sila nakaka-isang araw ang kanilang kasal.

Natawa siya. Kung tutuusin ay wala namang bisa ang kasal nila. Marami pa silang kailangang ayusin bago tuluyang maging legal ang kasal pero paano niya gagawin kung maging apelido nito ay hindi niya alam.

Isinuklay niya ang kamay sa buhok. Maigi na rin siguro ang ganito. Baka nadala lang talaga siya ng emosyon at naging padalos-dalos sa kilos. At least ngayon ay binata pa rin siya.

Muli siyang napasulyap sa painting at agad na napabuga ng hangin. Hindi niya kayang basta na lang kalimutan ang dalaga. Gusto niya itong makausap ulit nang magkalinawan na sila. Siguro nga ay walang bisa ang kasal nila sa mata ng batas pero para sa kanya ay totoo ang naging kasal nila. Nang bigkasin ni Javier ang wedding vows ay hindi lang niya iyon basta sinabi kun'di isinapuso niya. Nangako siyang ito lang ang babaeng mamahalin kaya paninindigan niya ang mga salitang binitawan.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon