Chapter Twenty-Eight
Kapapasok pa lang nila ni Javier ng kanyang condo ay agad na niya itong sinunggaban ng halik. Gusto niyang magpakalunod ngayong gabi sa halik at pagmamahal ng asawa. It's the only way she knows to survive this night. Sa dami nang nalaman niya ngayon ay baka hindi siya makatulog ng ayos.
"Hon." Hinawakan siya ni Javier sa balikat at bahagyang itinulak palayo pero hindi siya nagpatinag.
"Make love to me, Javier, please." Bulong niya bago muling siniil ito ng halik. Ikinawit niya ang braso sa batok ng asawa at idinikit ang katawan dito.
Napaungol siya nang tumugon naman si Javier at hapitin pa siya palapit. He deepened the kiss and she answered with the same intensity. But it's not enough. She wants more. Kailangan niyang makalimutan ang lahat.
Itinulak niya si Javier pasandal sa pader at ibinaba ang halik sa leeg nito habang abala naman ang kamay niya sa pagtatanggal ng suot ng asawa. Nang matanggal ang suot nitong pantaas ay agad niyang ibinaba ang halik sa dibdib nito. Gumapang ang kamay niya sa balikat nito, pababa sa dibdib at pababa pa hanggang sa mahawakan niya ang zipper ng pantalon nito.
Bago pa man niya maibaba iyon ay hinuli na ni Javier ang kamay niya. "Hon, stop."
Umiling siya. "I need this, Javier. Please. Gusto kong makalimot. Tulungan mo 'ko."
Nagpumiglas siya pero hindi naman nito binitawan ang kamay niya. Nang sa wakas ay pakawalan nito ang kamay niya ay agad naman siyang pinangko nito at dinala sa kwarto. Nang mailapag siya sa kama ay hinuli muli ni Javier ang kamay niya bago siya pinaibabawan.
"Tutulungan kita pero hindi sa paraang gusto mo. Let's talk, hon."
Napapikit siya at sa kabila ng sitwasyon ay nakaramdam siya ng saya. She almost forgot that her husband loves to talk. Him and his small talks.
"Sabihin mo sakin lahat ng gusto mong sabihin. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo. Nandito lang ako, hon."
Nagmulat siya ng mata at nang makita ang asawa ay hindi na niya napigilan na naman ang pag-iyak. Kulang pa yata ang lahat ng iniluha niya kanina kaya heto't umiiyak na naman siya.
Agad na ibinagsak ni Javier ang sarili sa tabi niya at niyakap siya. She suddenly felt comfortable and safe inside his arms, so she just let him cuddles her. Para bang walang kahit anong makakasakit sa kaya basta nasa bisig siya ng asawa.
Tahimik na hinahaplos-haplos lang ni Javier ang likod niya habang tila wala sa sariling nag guguhit ito ng puso. Unti-unti siyang kumalma nang dahil doon. Nang tuluyan siyang makabawi ay parang mas gumaan ang pakiramdam niya.
Bumangon si Javier at agad na lumabas ng kwarto. Nang bumalik ay may dala na itong baso ng tubig. Inalalayan siya nitong maupo bago siya pinainom. Nang maubos ay naupo ito sa gilid ng kama at parang balewalang kinarga siya at pinaupo sa hita nito.
"How are you feeling now?"
Ngumiti siya. "Much better."
Pinunasan nito ang pisngi niya tsaka dinapian ng halik. "Ayokong makitang umiiyak ka. Nasasaktan ako." Bulong nito. "Pero kung iyon ang paraan para gumaan ang pakiramdam mo, ayos lang. Basta ba iiyak ka sa balikat ko."
Isinandal niya ang ulo sa balikat nito at ipinulupot ang kamay sa bewang. "Thank you, Javier."
Hinalikan nito ang ulo niya tsaka siya mahigpit na niyakap. "Anong nangyari?"
"My mom told me everything. Kung bakit hirap na hirap siyang mahalin ako."
Hinaplos ni Javier ang likod niya. "Ayos lang kung hindi mo sabihin sakin, hon."

BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomanceHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...