Chapter 27

60K 1.1K 84
                                    

Chapter Twenty-Seven

Hindi alam ni Hazel kung anong mararamdaman habang nakatingin sa nakaratay na ina. Gusto niyang maawa rito pero sa kabilang banda ay galit siya. Galit dahil inilagay na naman nito sa alanganin, hindi lang ang sariling buhay, kundi pati ibang tao. Paano kung may napahamak na naman kagaya ng nangyari kay Eula?

"I can't let this pass anymore, Hazel."

Kinagat ni Hazel ang labi at sinulyapan ang abuelo. Seryoso itong nakatingin sa anak at mababanaag sa mga mata ang pagkadismaya.

"This is the second time she got into an accident while drunk." Napailing ito. "Dapat noong una pa lang ay pinabayaan ko na siyang pagbayaran ang nagawa niya."

Ibinalik niya ang tingin sa kanyang mommy Lucille. Puno ng galos ang mukha at braso nito pero hindi naman kasing lala ng nangyari noong una. Ipinagpapasalamat din nila na walang nadamay sa aksidente. Kung sakali ay hindi na niya alam kung ano pang gagawin.

"Your abuela and I build this company for the purpose of saving lives. Malulungkot ang lola mo kapag nalaman niyang kinukunsinte ko ang mommy mo sa mga ginagawa niya."

Malaki ang magiging epekto sa shares ng Torres Group kapag nalaman ng lahat na sangkot sa drunk driving ang mommy niya at may isang casualties. Baka bumulusok pababa ang kumpanya nila pero wala silang magagawa kundi tanggapin 'yon. Hindi lang mommy niya ang may kasalanan kundi maging sila na pinagtakpan ang ginawa nito.

"Pauuwiin ko ang kuya mo kaya 'wag ka nang mag-alala." Inakbayan siya nito at hinalikan sa noo. "Magiging maayos rin ang lahat."

Tumango siya at pumikit. This is the right thing to do and this is for her mom's own good. Baka sa susunod ay hindi na ito makaligtas pa.

Tatlong katok ang narinig nila bago sumungaw si Javier mula sa labas.

"May naghahanap po sa inyo." Tuluyan na nitong itinulak pabukas ang pinto at hindi na siya nagulat nang makita ang dalawang pulis sa likod ng asawa.

"Ako nang bahala." Pinisil ng abuelo niya ang kanyang balikat bago ito bumitaw at naglakad palapit sa mga ito. "Officers, kung maaari ay doon tayo sa opisina ko."

Nang makaalis ang abuelo kasunod ang mga pulis ay isinara na ni Javier ang pinto at lumapit sa kanya bago siyang niyakap.

"How are you, hon?"

Isinubsob niya ang mukha sa leeg ng asawa at niyakap rin ito. "I felt terrible. What will happen to mom?"

Humigpit ang yakap ni Javier sa kanya. "Your mom violated the The Anti-Drunk and Drugged Driving Act. It penalizes persons driving under the influence of alcohol. Depending on the damage, pwede siyang magmulta at makulong."

Mariin siyang pumikit. "'Yung nangyari kay Eula?"

Bumuntong-hininga si Javier. "It was a hit and run resulting to death of a person. It's a sentence of two or more years in prison plus penalty."

Nanlambot siya sa narinig. She can't imagine her mom in prison. Siguradong mahihirapan ito. Mahirap din naman ito para sa kanya pero wala siyang magagawa. This is the right thing to do.

"Baka makaapekto 'to sa pag-ampon natin kay Eunice."

Tumango siya. Alam naman niya 'yon pero alam din niyang mas magandang lumabas na ang totoo ngayon pa lang. Hindi yata niya kayang tingnan si Eunice nang hindi sinasabi rito kung paano namatay ang totoo nitong ina. It'll be hard for the both of them but it'll be harder to keep her from the truth.

"Gusto mo muna bang umuwi sa condo? Alam kong pagod ka pa sa byahe tapos bukas babalik ka na naman ng San Juan."

Hinaplos nito ang kanyang likod. "Dito muna 'ko. I'll stay with you."

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon