Chapter 33

58.1K 1K 20
                                    

Chapter Thirty-Three

Naalimpungatan si Hazel nang maramdamang bumangon si Javier. Inaantok pang iminulat niya ang isang mata para tingnan ito. Inabot nito ang cellphone bago lumingon sa kanya.

"Sorry, hon. Nagising ba kita? Tumatawag kasi si Dominic. Sasagutin ko lang."

Sinulyapan niya ang orasan at napanguso nang makitang alas kuwatro pa lang ng madaling araw. Ano kayang kailangan ni Dominic sa asawa niya ng ganitong oras? Naghikab siya pero sa halip na mahiga ay naupo siya at sumandal. Namumungay ang matang pinanood niya ang asawa. Kinilik nito sa tenga at balikat ang cellphone habang nagsusuot ng boxers.

"Bakit? Anong nangyari?" Natigilan si Javier sa pag-abot sa sando nito at napatingin sa kanya.

Bigla ay parang nawala ang antok niya nang makitang gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito. Inabot niya ang kamay nito at pinisil.

"Okay. Ako nang bahala. Papunta na 'ko d'yan." Ilang sandali pa itong nakinig sa sinasabi ng kaibigan bago nito tinapos ang tawag.

"Anong nangyari?" Hinila niya ito paupo sa kama.

Pinadaanan nito ng daliri ang buhok tsaka yumuko at inilapat ang noo sa balikat niya.

"Nabaril daw kagabi ang daddy ni Dominic."

Napasinghap sya. "Ha? K-kumusta raw ang lagay."

"Nasa ICU pa. Pupunta ko ng presinto para tingnan kung may suspek na ba."

Tumango siya "Gusto mo bang samahan kita?"

Umiling ito at hinawakan ang kamay niya.

"Dito ka na lang, hmm? Mas makakapante ako kapag alam kong nandito ka sa bahay."

Hindi na siya nagprotesta pa. Ayaw niyang makadagdag pa sa aalalahanin ng asawa. Tinapik niya ito tuhod.

"Come on. Maligo ka na. Ipipili kita ng damit."

Sabay silang tumayo. Nagtungo ito sa banyo habang dumiretso siya sa closet para kumuha ng damit. Inilatag niya sa kama ang napili tsaka niya inabot ang cellphone at nagtext kay Monique para mangamusta.

Sunod ay nagtungo na siya sa kusina para tingnan kung anong pwedeng kainin nito. Ang asawa niya ang tipo ng taong hindi nakakapag-function ng ayos kapag hindi nakakain ng almusal kaya palagi itong kumakain bago umalis. Malas nga lang nito at nakapag asawa ito ng babaeng hindi marunong sa kusina.

Nagtoast lang siya ng tinapay at ininit ang ulam na niluto ni Javier kagabi pagkatapos ay sinimulan niya ang pagluluto ng siningag. She can do that at least. Siguro ay kailangan na talaga niyang matuto ng iba pang luto. Kawawa naman si Javier kung ito lang ang kaya niyang lutuin.

Nang lumabas ng kwarto si Javier ay saktong naihain na niya ang pagkain sa mesa. Napapangiti ito nang maupo habang pabalik-balik ang tingin sa kanya at sa pagkain sa mesa.

Pinaikot niya ang mata. Kung makatingin naman ito ay akala mo'y hinainan ng four couse meal.

"Kain na." Kinuha niya ang mangkok ng sinangag at ipinaglagay na ito sa plato. Sinandukan na rin niya ito ng ulam tsaka siya naupo para panoorin ang asawa.

"Sweet naman ng misis ko."

Napangiti siya. "Kain na."

"Hindi ka pa sasabay?"

Umiling siya. "Sasabayan ko na lang si Colline mamaya." Dahilan niya. Kapag sumabay siya ay hihintayin pa siya nitong matapos bago umalis. Ang bagal pa naman niyang kumain.

Nang makatapos kumain ay kinailangan niya pa itong ipagtulakan dahil balak pang magligpit ng pinagkainan.

"Ako na, Hon. Baka hinihintay ka na ni Dominic."

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon