Chapter 7

74.8K 1.4K 45
                                    

Chapter Seven

Hindi pa man nagmumulat ng mata si Hazel ay alam na agad niyang wala siya sa sariling kama at meron siyang katabi. Ilang sandali ang kinailangan niya bago naalala ang nangyari kagabi.

Oo nga pala. Siya na si Misis Carl Javier... natigilan siya. Ano nga bang apelyido nito? Gusto niyang matawa. Ni hindi niya alam kung ano ang bago niyang apelyido.

Nang magmulat siya ng mata ay braso agad ni Javier ang bumungad sa kanya. Nakadantay sa bewang niya ang braso nito habang nasa ulunan niya ang isa. Napangiti siya. Kapwa sila pagod ng makabalik kagabi kaya nagpapasalamat siya na tahimik lang siyang niyakap ni Javier hanggang sa pareho silang makatulog.

Itinaas niya ang kaliwang kamay hanggang sa tamaan ng sikat ng araw ang suot na singsing. Para kay Colline kaya ang singsing na 'to? Napanguso siya sa naisip at pinihit ang singsing. Sinong mag-aakala na kakasya ito sa kanya na para bang sa kanya talaga isinukat.

Bahagya siyang natawa nang maalala kung paanong nabitawan ni Javier ang singsing kagabi ng tinatangka na nitong isuot sa daliri niya. Halatang kabado pero hindi naman niya ito masisisi. Para na rin niya itong tinutukan ng baril para lang pakasalan siya kahit na kung tutuusin ay pwede naman itong tumanggi. Hindi niya ito pipilitin kung ayaw nito.

"Colline, sorry..." bulong ni Javier kasunod nang paghigpit ng braso nito sa kanyang bewang.

Pumikit siya at napamura. Hindi naman niya masisisi si Javier kung ibang pangalan ang tinatawag nito sa panaginip. Pero shit, masakit!

Hinawakan niya ang braso ni Javier at inalis iyon sa bewang niya. Tatayo sana siya kaya lang ay natigilan nang masulyapan ang makatulo-laway na tanawin; at literal na tumulo ang kanyang laway. Nakahubad-baro si Javier at tanging boxers lang ang suot.

Napalunok siya. Medyo mabalahibo ang binata at halata iyon sa dibdib nito. She's never been a fan of hairy chest. Para kasi sa kanya ay madumi iyong tingnan pero bakit kay Javier ay parang mas nakadagdag iyon sa appeal nito. Idagdag pang halatang batak ang katawan nito sa ehersisyo at isang ebidensya ang abs nito.

Iniling niya ang ulo at pilit na inalis ang mata sa matipunong katawan ni Javier. Hindi magandang pinagnanasaan niya ang katawan ng asawa at...

Asawa. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa naisip. Ano bang iniisip niya at pinikot niya ang lalaking 'to? 'Yun naman kasi talaga ang tawag sa ginawa niya hindi ba? Pinikot niya ito dahil ipinilit nya ang sarili sa isang lalaking may mahal nang iba. Hindi niya alam kung kanino siya dapat mas maawa. Sa sarili na nagmaka-awa para lang maikasal o kay Javier na napilitang pakasalan sya.

Napabuga siya ng hangin at tinitigan ang gwapo nitong mukha. Ano kayang tumatakbo sa isip nito kahapon ng pakasalan siya? At bakit nga ba pumayag ito? Inangat niya ang kamay para sana padaanan ng daliri ang mukha ng asawa pero natigil sa ere ang kamay niya nang magsalita ito.

"Good morning." Bulong ni Javier. Nakapikit pa rin bagamat nakapaskil sa labi ang pilyong ngiti.

Mabilis na binawi niya ang kamay. Shit lang! Paano kapag tinawag siyang Colline nito? Anong gagawin niya? At anong idadahilan niya kapag nagtanong ito kung bakit tinititigan niya ang mukha nito.

"Morning, Heeeey-zel." Nagmulat ito ng mata habang siya naman ay nagulat sa narinig. Hindi niya inaasahan na pangalan niya ang sasaihin nito at hindi pangalan ni Colline.

"M-morning" Kapos ang hiningang bati niya.

"Nakatulog ka ba ng ayos?" Lalo nang namilog ang mata niya nang kabigin siya nito at halikan sa noo. Parang nagshort-circuit ang utak niya at hindi siya makanap ng salitang sasabihin.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon