Chapter Thirteen
Napapangiti si Javier habang tahimik na nakamasid sa asawa. Malawak ang ngiti nito habang nakikipag-usap sa mga bata at karga si Eunice. Para bang inabandona nito lahat ng inhibitasyon at bumalik sa pagkabata. He loves seeing this side of her. At habang tinatanaw ang asawa ay unti-unting sumisibol ang kagustuhan niyang bumuo ng pamilya kasama 'to.
"Ang sarap niyang panoorin, ano?"
Agad namang napatayo ng tuwid si Javier at muling hinalo ang pastang pinapakuluan 'tsaka niya lang sinulyapan si Miss Annie. Nginitian siya ng ginang 'tsaka ito nakitanaw sa labas.
"You must be someone special to her." Dugtong nito. "Ikaw ang unang tao na dinala ng batang 'yan dito bukod sa mga kaibigan niya."
Muli niyang ibinalik ang tingin sa labas. "Madalas po ba siyang nagpupunta rito?"
Tumawa ang matanda. "Naku, oo. Lalo nung teenager pa 'yan. Dito na nga nakikitulog kung minsan. She's a constant part of this orphanage. Mabuti na nga lang at dito dinala si Eunice." Tiningnan siya nito. "Alam mo naman siguro ang tungkol sa nangyari kay Eunice, hindi ba?"
Tumango siya. "Opo."
Bumaba ang tingin ng ginang sa kamay niya at alam ni Javier na nakatingin ito sa suot niyang singsing. "At ayos lang sa'yo?"
"Handa po ako sa lahat."
Tumango-tango ito. "Hindi ko kayo kukwestyunin sa naging desisyon n'yong dalawa pero lagi n'yo sanang unahin si Eunice. Hindi lang buhay nyo ang maapektuhan sa mga desisyon n'yo."
"Makakaasa po kayo."
Tinapik nito ang balikat niya. "Marami pa kayong pagdadaanan para makuha si Eunice kaya gusto kong pag-isipan n'yo pa ring mabuti ang desisyon n'yo. Hindi biro ang mag-alaga ng batang hindi n'yo anak."
Tumango lang siya. Alam niyang hindi nga iyon magiging madali pero nakahanda siya. Alam niyang kakayanin nilang dalawa 'to ni Hazel.
"O siya at iwanan mo na 'yan kay Ipe. Siya na ang maghahango ng pasta at maghahalo ng sauce na niluto mo. Sunduin mo na ang mga bata at sabihin mong kakain na."
"Pero..."
"Ako na. Sige na." Salo ni Mang Ipe na siyang kusinero rito. "Paghinawin mo na lang ng kamay ang mga bata."
Ipinagtulakan pa siya nito palabas ng kusina kaya kakamot-kamot ang ulo na napilitan tuloy siyang sumunod. Dumiretso siya sa labas kung nasaan nagkukumpulan ang mga bata at pinapalibutan si Hazel.
Hindi pa man siya nakakalapit ay hinarangan na siya ng isang bata. Magkasalubong ang kilay nito at masama ang tingin sa kanya.
"Mahal mo ba ang Ate Hazel ko?"
Natigilan tuloy siya habang natatawang sinaway naman ito ni Hazel.
"Dandan, mag'po' ka kay Kuya Javier."
Hindi nito pinansin si Hazel at para bang lalo pang tumalim ang tingin nito sa kanya."Pakakasalan ko si Ate Hazel paglaki ko. Kaya gusto kitang hamunin. Lalaki sa lalaki. Patunayan mo sa'kin na mahal mo ang ate ko!" Buo ang kumpyansang hamon nito.
Sinulyapan niya si Hazel na umiiling sa kanya, "Javier." Saway nito na sinagot lang niya ng ngisi 'tsaka ibinalik kay Dandan ang tingin.
"Game!" Pinalagutok niya ang kamay at pinagalaw ang mga muscles sa braso na sinundan pa ng signature pose ni Hulk.
"Childish!" Natatawang bulong ni Hazel na sinagot lang niya ng pagkembot ng kanyang puwitan.Napangiti si Javier sa narinig at kinailangan niyang pigilan ang sarili para lang 'wag sunggaban ang asawa at halikan ito sa harap ng mga bata na pumalakpak para i-cheer ang kanyang kalaban.
Shit! Kailangan niyang galingan dahil kahit hindi pa man niya masabi kay Hazel ang nararamdaman niya at least man lang mapatunayan niya sa mga batang ito na mahal niya ang ate nila.
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomansaHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...